Chapter 2: Undecided Job

13.2K 92 4
                                    

ADRIAN's POV

Nag-unat ako ng braso at ng hita. Kakagising ko lang ngayon ng maalala ko yung kagabi, uuwi na si tatay. Napangiti ako sa na-alala ko. Kinuha ko ang cellphone para tignan kung anong oras na. Nagulat naman ako dahil first time ko ata magising ng maaga.

"HAAAAAAAAAAAAAAAAY! Ang aga ko pala nagising! :)" masayang sigaw ko. 

Tumayo ako at nag-unat unat tapos nun ay niligpit ko na yung kama ko. Umupo muna ko sa study table ko dati nung nag-aaral pa ako tapos binuksan ko yung drawer. Nakita ko yung mga album namin kasama yung mga classmates ko dati nung elementary hanggang college.

Nung college ako kinuha ko yung CPA course dahil gustong gusto ko talaga maging accountant kahit tomboy ako at bukod dun, gusto ko ang math. I love math kaya!

Natapos ako sa pag-aaral kaso walang tumatanggap saking company sa kadahilanang hindi ako magaling mag english. PAKE BA NILA NO?! Hindi ako naga-apply bilang stewardess para lang mag-salita ng english! KA-ASAR! Na-trauma pa nga ko dahil dun kaya hindi na ko nag-trabaho. 

Na-alimpungatan ako na 8:00am na kaya kinuha ko yung towel ko at pumasok na sa c.r. Pag-pasok ko sa loob napatingin ako sa salaman.

"Ang gwapo ko talaga " yan lang nasabi ko sa sarili ko.

Weird huh? Eh sa ganyan ako eh! Tinggal ko na yung pagka-pusod ng buhok ko ang haba kase eh, ka level na ng dibdib ko yung hair ko. Si nanay naman kase hinahambalos ako ng walis kapag nag-papagupit ako nung katulad kila DING-DONG DANTES! Ka-asar!

Sabi nga nila sakin ang ganda ko daw tapos naging tomboy lang ako? Pake ba nila no? Tsssssssssssss. Mabait naman ako eh pag-tulog at gising. Ang hirap nga lang eh yung mapapadaan ka sa tapat ng bahay ng mga kapitbahay niyo sabay bulungan here bulungan there. Tsismosa no? At bubulong na nga lang eh lalaksan pa. Yung totoo? BUlong pa ba ang tawag dun?

Pag-katapos ko maligo, nag-bihis agad ako. Siyempre nagsuot ulit ako ng isang loose na t-shirt at isang jersey short na hanggang tuhod. ANO PA NGA BA?! Puro ganyan lang naman ang damit ko dito at isang pantalon. Bumaba na ko at nag-deretso sa kusina, gutom na kaya ako.

"ABERDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEN! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA! ANG AGA NAGISING NG ANAK KO!" sigaw ng nanay ko ng makita niya kong naka-upo sa may dining table at kain lang ng kain.

Talaga tong nanay ko kung hindi ako tatalakan dahil tulog at late bumangon eh tatalakan naman niya ko pag maaga nagising. WEIRD NO?

"Nay ang puso mo!" sabi ko sa kanya habang yung dalawa kong kamay ay nakatakip sa tenga ko.

Pag-katapos ko kumain ay deretso lang ako sa sala. UPO, SALAMPAK ANG PAA SA MAY LAMISITA, THE END. Ayan lang naman ako everyday pag hindi nagba-basketball.

"Aba ate! Aga mo magising ah!" sabi sakin ni Julie na kusot kusot pa yung mata niya.

"ATE MO MUKA MO!" sabi ko sabay baling sa t.v. 

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora