Chapter 16: S O R R Y (part 1)

4.9K 47 0
                                    

IVO's POV

"Clark? Anu...anu kasi....galit ka ba?" pang-sampung beses na tanung sakin ni Aberdeen. Kanina niya pa ko tinatanong kung galit ako pero hindi ko siya ini-imik. Galit ako sa kanya. HMP! Bahala siya diyan! Masasayang lang ang laway nan!

Sumakay na kami sa kotse at pina-andar ko agad ito. Binilisan ko kasi gusto ko mag-pahinga kahit ngayon lang, kasi nga diba day off ko ngayon.

"Clark dahan dahan naman!!!" sigaw ni Aberdeen pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ko binagalan ang kotse hanggang makarating kami sa bahay. Bumaba ako ng kotse at nag-simula ng mag-lakad papasok sa gate ng mapansin kong hindi pa nababa ng kotse si tibo.

Ewan ko ba pero may sarili atang isip ang mga paa ko at kusang nag-lakad pabalik sa kotse. Ang nakapag-tataka nahawa ang kamay ko kaya binuksan ko yung pinto ng sasakyan.

"Wala ka bang balak bumaba?" tanung ko. Ay ano ba to?! Dapat nag-tatampo ako sa kanya ngayon eh! Teka? Bakit nga ba ako mag-tatampo?!

Kasi diba dapat hindi siya umalis ng bahay ng walang permiso ko. Tama! Ayun nga!

"Na-nandito na tayo?" halatang natatakot pa rin siya. Hay anu ba to!

"Hindi, wala pa. Nandun palang tayo" sarkastikong sabi ko. Nakaka-inis naman tong tomboy na to eh!

Bumaba na siya ng sasakyan ng tulala. Deretso lang siya maglakad hanggang mabunggo na siya sa ding ding. -________-

"Tanga naman neto! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw ko sa kanya

"AY KABAYONG NAG-TUMBLING MULA TENTH FLOOR NG BUILDING! O____O" mukha naming natauhan na siya. Nagda-drugs ata talaga tong personal assistant ko eh.

"Naka-drugs ka?! Tara na nga sa loob!" dumeretso na ko sa loob ng bahay. Nakakabanas kasi tong tomboy na to!

Andami niyang kasalanan sakin ngayong araw na to! Una, sumama siya sa pesteng bestfriend niya nang hindi nagpapa-alam sakin! Pangalawa, ang kulit niya at hindi nakakahalata na galit ako sa kanya! Pangatlo, tanga tanga at hindi tumitingin sa dinadaanan!

>____________________________<

ADRIAN's POV

Nakakahiya! Nakakahiya! Nakkahiya!

Arghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

Bakit ba kasi nawala ako sa katinuan ng patakbuhin ni Clark ang kotse ng ganun kabilis!?? At isa pa papatayin niya ba talaga ako?! Takte naman oh! Nabunggo na nga sa pader na-tanga pa ng amo niya! Letse!

Kanina tinatanong ko siya kung galit siya sakin pero hindi siya umiimik. Galit nga ata? o baka jinojoke lang ako? Ang hirap sa amo ko eh yung mayabang na masungit pa! Dagdag mo pa yung pride niyang di maubos ubos!

Sinundan ko naman na siya sa loob para kausapin. Siguro hihingi ako ng despensa at mag-papaliwanag ako sa kanya. Kaso ang problema ayaw niya kong kausapin!

Hay! Anu ba tong nangyayari sakin? Dati naman hindi ako ganto ah? Mataas din naman pride ko pag-dating sa kanya. Yung hindi ako binabagabag ng konsensya. Pero anu to?!

Taklesang konsensya ayaw ako patahimikin eh! Hindi naman big-deal yun diba?!

Nakita ko naman na binuksan agad ni Clark yung t.v at sumalampak sa couch. Malapit nga.....

Pero anung sasabihin ko?

- Sorry kasi hindi ako nag-paalam sayo?

- Sorry kasi hinigit lang ako ni ate na sumama kay Gab?

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Where stories live. Discover now