KABANATA 9

1 0 0
                                    


Habang naglalakad kanina papasok sa main building, Mavy shared na wala na daw sila ni Bella kagabi. Hindi ko alam anong ire-reply na comfort sakanya kasi baka bigla niya akong sisihin kaya ayon, iniwan ko siya sa ground at dali daling umakyat sa room. Eh, hindi ko naman natutunan sa company o sa Uni ang mga ganyang bagay eh. Isa pa, I was never in a relationship – girl, ni kain nga halos hindi ko na masyadong magawa sa sobrang busy ko magka jowa pa kaya?

Pero teka, iyon siguro yung time na nag excuse siya while nasa video call with Macky. Shako. Ako ba ang rason? Rine naman, oo halata sa reaction ni Bella kanina.

"Hoy, tih. Ano ba? Kanina ka pa namin kinakausap. Lutang ka nanaman."

"I said I don't want to destroy any relationship." I mumbled and looked at my circle whose eyes were instantly filled with worries and questions.

"Anong pinagsasasabi mo?" Aniya Riyo. I released a heavy breath and combed my hair with my hands frustratedly. Onti palang ang tao sa room at lahat abala kaya hindi namin masyadong nilalakasan mga boses namin. Mahirap na baka may maka hearing.

"Kasalanan ko nga ba na nag break sila?" I cried out at bakas sa mukha nilang lahat ang sobrang pagtataka. "Hindi ko naman sinasadya eh."

"Ang ano ba? Anong break? Anong relationship?"

"Girl, sino ba kasi?" Dugtong ni Yurika kay Eliana. Halatang nanggagalaiti na sila sa magulong rant ko. Naka busangot at dugtong na ang mga kilay.

"Hindi ko naman ginusto na maging bodyguard siya or tiga hatid sundo. I just don't want my fam to know where I am. Iwasan ko nalang kaya siya?" Dagdag ko ng hindi pinapansin ang mga mukha nilang kakatayin na ako maya maya. Tama. Iiwasan ko nalang siya para wala ng gulo. Pero... paano si Dean?

"Masasapak na kita eh." Sabi ni ate Julia sabay kamot ng ulo. "Bakit ba kasi ayaw mong ipa alam na nasa piligro ka? Pag ako napikon sayo, Rine, sinasabi ko sayo. Ako mismo maghahanap sa pamilya mo." Dugtong niya pa sabay hilot sa sintido niya.

"Bodyguard? Si Pres ba tinutukoy mo?" Bumaling ang atensyon naming lahat kay Mika na sa wakas ay nagsalita na rin. Kanina pa kasi siya tahimik at busy sa cellphone niya. I nodded and slumped on my back. I heard them gasp.

"Break na sila?!" Pinandilatan ko ng mata si Riyo sabay senyas na manahimik. Siniko siya ni Yuki sa tagiliran.

"Sige ipangalandakan mo pa. Masasapak na talaga kita eh." Inis na tugon ni Eliana at nag peace sign lang ang loko. Pero sa kabila ng kaguluhan nila, nakatutok lang saakin si Mika na nag-aantay ng sunod na sasabihin ko kaya kinuwento ko ang nangyari kanina sa parking lot.

"Yari ka kay Bella, matinik yun bro. May wawarts rin pamilya nun." Pabulong na sabi ni Riyo pero umiling si Mika.

"Subukan niyang galawin si Rine."

Napanganga kaming lahat sa banat niya. Tila biglang na plantsa ang mga kunot na noo ng iba. "Ikaw ba yan, Michaela Areta? Hoy, paki balik ang mama ng grupo namin." Natatawang sambit ko na dahilan upang tumawa rin ang iba. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagbanta siya.

"Seryoso ako. Pero Rine, nagtatago ka sa kanila pero hindi mo ba naisip na alam nilang dito ka nag-aaral?"

Natahimik ako sa tanong niya. Oo, naisip ko yun pero tama nga naman. Bakit ba kasi, Rine? Nagtatago ako pero deep inside... I want them to look for me. Pero mag-iisang buwan na, none of them went here para hanapin ako. Not even Reagan... so totoo pala mga hinala ko? Nasasakal na siya saakin. Hindi masakit ah. Parang ano lang, kagat ng megalodon.

Magsasalita pa sana ako pero napansin kong biglang natahimik ang buong room at dalidaling nagsi-upo ang ibang kaklase namin. Dumating na pala si Sir Alo Ambroso na ewan ko ba kung kinatatakutan o kinaiinisan ng buong Uni.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her DandelionsWhere stories live. Discover now