Chapter 16

554 13 79
                                    


Chapter 16





"Nahanap ko na." Napalingon kami pareho kay Kessiah. "Here." Inabot nito rito ang flashdrive na tinutukoy.


"I have friends there. I mean... I had."


"Friends? Mayroon ka pala nun?"


"Yeah, but they already graduated a few years ago."


"Really? What course?"


"Aero and Legma."


"Ang astig, 'no? Kapangalan pa nung friend mo."


Aero? Aerospace Engineer? Sh*t!


Literal na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa nang mapagtagpi-tagpi ko lahat. Napatingin siya sa akin at mukhang nagulat pa nang makita ako.


"Oh, bakit nandito ka na? Tinawagan na ba kita?"


"Ang sama mo talaga."


"Ma'am Kessiah, may tawag po kayo sa telepono. Importante raw po."


Tumango lang iyong lalakeng bisita at umalis na. Si Kessiah naman ay sumunod kay Manang upang sagutin ang sinasabing tawag.  Hindi ako mapakali kaya sinundan ko ang lalake. Pasakay na ito nang abutan ko.


"Captain Zylvierro!"


Isinara niya ang pinto ng sasakyan at pumihit paharap sa akin. Mukhang inasahan ng susundan ko siya.


"Can we talk?"


Isinarado niya ang pinto at sumandal doon paharap sa akin. Sumandal naman ako sa pader na bakod na nasa likuran ko.


"You know each other?"


He gave me a little nod.


"F*ck. So all this time alam mo iyong tungkol sa amin?"


"Nope. She never mentioned you. Kilala mo naman siguro si Kessiah. She always wants to keep everything in private." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Aso pala ah."


"I-I'm sorry. I know hindi ko dapat sinabi iyon. Mali ako at nagi-guilty rin ako sa---"


"Oh you don't need to be guilty, bro. May sinabi rin naman siya tungkol sa 'yo. She just didn't mention your name like what you did... but as a cockroach."


Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi niya.


"Tangina, cockroach? Ang cute ng mga aso tapos ako ginawa niya lang ipis? Ano naman sinabi niya?"


"Bakit ko sasabihin sa 'yo? Friends ba tayo?"


Hinawakan ko siya sa braso, nagsusumamo.


"Hindi, pero bayaw mo 'ko."


"Ayoko."


Dumistansya ako at napabuntong hininga na lang.


"Magkaibigan nga kayo ni Kessiah. Halos magkaugali kayo eh."


"Tapos ka ng magtanong?"


Hindi ako nakasagot dahil mas sumeryoso ang mukha niya. Tangina bigla akong nanlamig ah.


"Do you like her, Kye?


Ruling the GameWhere stories live. Discover now