Chapter 8

1.2K 24 36
                                    




Chapter 8




tw: a.bu.se
_________________________________________________________________________.








Fifteen Years Ago…






Dear Santa Claus,


Malayo pa iyong pasko pero magwi-wish na ako para mapaghandaan mo. Sabi kasi ni Yaya tumutupad ka raw ng wishes at nagbibigay ng gifts. Tulad nung last time, 'di ba binigyan mo ako ng candies at basketball? Wish ko this Christmas kahit wala ng toys basta hindi na ako sisigawan ni Mommy kapag hindi ko nape-perfect iyong exam. Sana i-love na niya ako. Promise mas gagalingan ko pa sa school. Grade One na ako, Santa. Sana this school year mag-first honor na ako. Disappointed kasi si Mommy noong second lang ako noong kinder. Medyo mabilis na akong magsulat ngayon pero hindi nga lang sobrang ganda. Pero tingin ko maiintindihan mo naman itong wish ko.






“Kye!”

Kumabog nang malakas ang dibdib ng anim na taong gulang na bata nang marinig ang galit na boses ng kaniyang mommy. Taranta nitong ibinaba ang lapis at itinago ang mga iyon sa drawer.

“M-Mommy.” Napasandal na lang sa lamesa ang bata nang pabalabag na bumukas ang pinto at pumasok ang ina nitong si Sanari. Hawak ang make-up kit, lumuhod ito upang pisilin ang braso ng anak.

"Ikaw na bata ka, 'di ba sabi ko naman sa 'yo huwag mong pakikialaman ito?"

"Mommy, sorry," umiiyak na paghingi nito ng tawad. Nanginginig ito sa takot dahil alam na nito ang mangyayari. "Huwag mo po ako palo, please?"

Pakiusap nito ngunit hindi siya pinakinggan ng ina. Hinagip ng kamay ni Sanari ang hanger sa kama at pinagpapalo ang anak. 

"Tama na po, Mommy. Masakit po!"

"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka nagtatandang bata ka! Puro pahirap na lang ang bigay mo sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit binuhay pa kita."

Tanging sigaw at iyak ang naging tugon ng batang si Kye. Hindi siya tinigilan ng ina hangga't hindi napuputol ang pamalo. Nang magkalasog-lasog iyon sa katawan ng bata ay pinisil naman ni Sanari ang pisnge nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag kang nakikialam ng gamit ko? Tapos ikukos mo d'yan sa stufftoy mo iyong make-up ko? Tingnan mo oh, sira na."

"N-Nag-practice lang po ako make-up, Mommy. G-Gusto po kasi kita make-up-an."

"Pero tingnan mo naman ang nangyari? Natuwa ba ako? Hindi! Kahit kailan talaga purwisyon. Alam mo hindi naman 'yan mangyayari sa 'yo kung hindi ka pasaway eh. Ikaw naman kasi hindi ka nakikinig. Ayan tingnan mong nangyari. Kasalanan mo rin kasi ang tigas ng ulo mo."

"Mommy, sorry." Umiiyak itong tumakbo at yumakap sa ina sa kabila ng ginawa nito rito. "Promise, 'di na po ako uulit. Huwag ka na po galit."

Itinulak lang ito ni Sanari at nag-marcha na palabas ng kuwarto.

"Anong tinitingin-tingin n'yo?" baling ni Sanari sa mga kasambahay na kanina pa nakikinig. Kaagad namang nagsitabi ang mga ito, natatakot na matanggal sa trabaho.

May tumawag kay Sanari na agad naman nitong sinagot. Kaagad na nagbago ang tono ng boses nito, napakalambing at amo hindi tulad noong kaharap ang anak.

"Yeah, I'll be there. See you," ani nito sa kausap at nagmamadaling umalis na parang walang sinaktang bata.

Pagkaalis ng amo ay kaagad na pinuntahan ni Yaya Melin ang alaga. Nadatnan niya itong nakaupo sa dulo ng kama at tahimik na umiiyak habang yakap ang paborito nitong stuffed toy. Awang-awa sila sa bata pero wala naman silang magawa dahil kapag nakialam sila ay sila naman ang malalagot sa amo. May pamilya silang binubuhay sa probinsya kaya hindi sila pwedeng mawalan ng trabaho.

Ruling the GameWhere stories live. Discover now