Chapter 5

1.4K 24 42
                                    



Chapter 5





"OMG! Nand'yan na siya."


"Grabe ang gwapo talaga!"


Tilian ng mga babae ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng campus. Hindi na bago kaya hindi na ako nagulat. Dalawang buwan din ang bakasyon kaya siguradong na-miss nila ako. Nilingon ko ang babaeng kasabay kong maglakad at nakita ko kung paanong umikot ang mata nito nang may nag-i love you sa akin.


"Selos ka?" asar ko at inirapan niya lang ako ulit. Maldita talaga.


Lumihis na siya ng daan habang ako naman ay nakipagbatian sa mga kaibigan ko. Akala mo dalawang buwang hindi nagkita. Eh samantalang magkakasama lang naman kami kagabi sa inuman.


"Ano cafeteria tayo? Libre ko."


"Yaman talaga, Kye."


Tumawa lang ako. Bawat babaeng makasalubong namin ay bumabati sa amin. Ngumiti lang ako at kumaway, tapos buo na araw nila, lol.


"So dito na talaga siya mag-aaral?" tanong ni Jak habang naglalakad kami.


"Yeah, she chose MHU eh. Anong magagawa ko?"


"Hindi ka ba happy na makakasama mo si future misis?" Ngumisi nang nang-aasar si Vaughn.


"Tss. Misis. 'Di ko gugustuhing maging misis ang isang iyon."


Pinagtawanan ako nila Jak at Vaughn dahil sa sinabi ko. Nakitawa rin ako sa kanila hanggang sa magsalita si Gelo.


"Huwag kang magsasalita ng tapos, baka mamaya ay kainin mo iyang sinabi mo."


"Come on, dude. I know what I was saying. And that Kess? Tss, not my type." Nauna na ako sa kanila.


"Villafuerte, sarap mo!" malakas na sigaw ng isang babae. Nagtawanan ang mga kaibigan nito bilang pagsuporta sa kaharutan ng beshywap nila.


"Salamat," tanging tugon ko at kumaway ng hindi sila nililingon.


Mas lumakas ang tilian sa pagpansin kong iyon. Doon sila masaya kaya sinasakyan ko na lang. Alangan namang ipagdamot ko sarili ko. Wala namang nagmamay-ari sa akin.


No one will own me. Never. I hate being restricted. Sabagal lang sa buhay ang pagkakaroon ng committment na ganiyan tulad ng pakikipagrelasyon. At the end of the day, maghihiwalay din naman lahat.











Lecture agad sa first day. Hindi uso sa school namin ang pa-introduce yourself lalo kung ganitong third year—unless may transferred. Unang pasok surprise recitation agad. Mabuti na lang at nag-advance study ako nitong bakasyon kaya nakasagot ako.


"Very well said, Mr. Villafuerte."


Nakipag-apir muna ako sa tropa ko bago naupo.


"Grabe ang talino niya talaga."


"Sinabi mo pa. Gwapo na, matalino pa. Saan ka pa, 'di ba? Gosh! Buti na lang talaga nag-change course ako."


Dinig kong bulungan ng mga babae sa bandang unahan. Well, I have to. Nakakahiya naman na ang daming nagkakagusto sa 'yo tapos hindi ka makasagot sa recitation. I would never let myself be in that awkward situation.


I am the top in the class after all.


"You really proved your place, Mr. Villafuerte. Anyway, we have a new transfer student. Irregular siya rito kaya naman makakasama ninyo siya sa subject ko."


Ruling the GameWhere stories live. Discover now