Chapter 1

2.5K 30 17
                                    




Chapter 1






"HOW was it, bro? Teka anyare sa 'yo? Bakit gan'yan mukha mo?" salubong ni Vaughn pagkabalik ko.



Nakasimangot akong naupo at nilagok ang laman ng bote.



"She f*cking left me! Hindi ko alam kung anong problema niya. Malapit na eh tapos bigla ba naman akong iniwan sa ere. Sinong hindi maiinis?"



"Ginawa niya iyon sa 'yo?" hindi makapaniwala nilang tanong.



"Wow! First time iyon ah."



"Oo, tapos hinagisan pa ako ng pera."



"Oh eh nasaan na iyong pera?"



"Talagang iyon pa iniisip n'yo, 'no?" Pinaningkitan ko sila.



"Binibiro ka lang naman namin, dre."



"Wala ako sa mood." Iritable akong nagsalin ng alak sa baso.



Bad trip na nga ako dahil sa Kessiah na iyon, tapos sisingit pa siya. Ang kapal ng mukha niya para hagisan ako ng pera. Ano ba tingin niya sa akin, call boy?



"Bitin na bitin ah," asar ni Jak sabay tira sa tako.



"Who would not? Ang sakit kaya sa puson. Tapos hahagisan pa niya ako ng pera. Tang*na feeling ko ginamit niya lang ako. At alam n'yo iyong pinakangkinabibwisit ko? Sasakyan ko butas lahat ng gulong. Kutsilyuhin ba naman." Napasabunot ako sa sarili dahil sa inis.



"Tingin mo ba siya ang gumawa nun?" tanong ni Gelo na umiinom sa tabi ko.



"Sino pa ba?"



"But why would she do that?"



"Oo nga, bro."



"I don't know." I shrugged.



Inis na inis ako kapag naaalala ko ang nangyari. This never happened before. Ngayon lang! Ngayon lang ako nainsulto nang ganito.



"Mahal na mahal ko kotse ko tapos ginanon lang niya," maktol ko pa.



"At least hindi iyong ano mo kinutsilyo niya," anang Jak at nagtawanan sila.



"Mang-asar pa kayo." Kinuha ko ang phone ko at pinatihimik sila nang tumawag si Tita. "Yes po, rinig po kita. Simba? Ah... y-yes po, Tita. Sige kita po tayo bukas."



"Anong mayroon?"



"Si Tita tumawag. Simba raw kami bukas."



"You need that, bro." Tinapik pa ni Gelo ang balikat ko.



"At ano naman ang ibig mong sabihin?"



"You know what we mean, dre," makahulugang sagot ni Vaughn at nagtawanan sila.



"Ewan ko sa inyo. Nand'yan na driver ko. I have to go." Tumayo na ako at binulsa na ang cellphone. "May simba rin kami bukas."



"Naks! Party ngayon, simba bukas. Baka pati si Satanas n'yan malito."



"Bahala kayo d'yan." Iniwan ko na sila. Itutulog ko na lang siguro sama ng loob ko.















KINABUKASAN ay maaga akong gumising para sunduin si Tita. Sa kaniya na ako nakatira simula noong mangyari iyon. I have my own condo naman pero umuuwi lang ako roon kapag hindi na kaya o kapag nakainom gaya kagabi.



Ruling the GameWhere stories live. Discover now