"She's married?"

"Ex-girlfriend?"

"No, I am not, why should I?" Sa dating anyo ng mukha.

"Then why do this to me? Just one word you can alter the decision of this woman. Why not?"

Kahit nag-umpisa na ang iritable sa loob dahil sa nabanggit pa lamang ay itinago. "This woman is my assistant. She knows that I don't like employees who are not following the rules, and if you are not called to be here you should not be here." Nilipat ko ang paningin sa lahat lalo sa matatagal ng model. "Alam niyo ang rules sa room na ito. Bakit nandito siya? There's an applicants service room for her," bahagyang itinaas ang natural na boses.

Natahimik silang lahat.

"Is that it?! I'm not welcome here?!"

Sa assistant ako tumingin. "Call the security if she insis." Saka tinalikuran ang lahat dahil mas marami pang gawain ang nakaabang.

"Hell no! Hindi ako papayag ng ganito na lang. Hey, Sophia, you don't know what I can do. I will ask my father to fall this stinking building of yours!"

Nilingon ko siya. "Then do it," balewalang sabi ko katapat ng galit na ipinapakita nito. "I will also ask myself to let your father fall to his right place..." Pinigilan pa ang ibang sasabihin.

Umalis ako sa harapan nila at pumunta sa private office. Naabutan ang assistant na si Hersey, ang kapwa designer sa damit. Sa harap nito ay isang kulay berdeng long gown.

"Fabulous," puri ko.

"Thanks, Sophia. Ilang gabi ko na itong pinagpupuyatan."

"Sino ang modelong magsusuot niyan?"

"Yung hindi naman katangkaran ng sobra, mga five feet and seven inches. Si Caserine Sierra ang inspiration ko nito, mas maganda kung parehas niya ng katawan."

"Mayroon sa newcomer," sabi ko habang tinitingnan pa ang ibang disenyo nito na nakaguhit sa sketch book. "Ask Jocel about it."

"Talaga? Sure. Kanina ko pa iniisip kong sino, gusto ko kasi maging special ang lahat."

Habang nakatitig sa sketch book ay may naalala.

Bumukas ang pinto at pumasok si Jenna. "Umalis na siya Sophia, galit na galit. Baka isang araw ay ambush ang buhay ko," seryoso ang itsura.

"Alam mo ba kung bakit kita pinagkakatiwalaan, Jen?"

"Iyan din ang tanong ko, Sophia."

Si Hersey ay hindi kami pinapansin, wise reaction.

"Because of your worthy principles na kahit mahirap para sa iyo, you still stick to the right."

Napatingin sa akin, waring pinapasok sa isipan ang sinabi ko.

"Totoo iyon, Jen."

Huminga ng malalim. "Salamat Sophia." Lumapit at yumakap, tumalikod din ng mabilis at lumabas.

Tumabi si Hersey. "Drama niyo. Kung hindi ko kayo kilala noon pa baka isipin ko na over-acting kayo."

"Whatever."

Tumawa. "Pero miss ko na ang high school at college life natin, Sophia. Buti na lang pinaaral ka ni Mr. Ken sa public at nagkakilala tayo."

Ang desisyon noon ng ama para sa pag-aaral simula ng bata pa, ay nang ipinasok ako sa public schools. Hindi noon alam ang dahilan pero habang nagkakaisip ay natukoy kung bakit nga ba. Iyon ay para sa proteksyon sa harap ng madla. Walang alam ang lahat kung ano ang sariling background noon. Habang nag-aaral ay nagkaroon ng mga kaibigan at sinabay ko silang tinulungan maging magaling din sa mga larangan na gusto nila, lalo nasa designing ang field ng bawat isa.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now