"Thank you, Frans!" sabi niya. I gave her a smile at pumunta sa isang grupo ng mga tiga-gawa ng props upang tumulong.

Habang naggugupit ako ng felt paper na magiging parte ng costume ng mga performers, napasigaw na lang ako nang may gumulat sa likod ko. Napatingin ang lahat sa akin... tangina lang. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Adrian na nagkakanda-lumpasay sa kakatawa.

Haha, nakakatawa...

"Tangina mo, Adrian kahit kailan!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya nang mas malakas. Saya niya e, porket kasi alam niyang crush ko si AK... lagi nalang niya akong inaasar sa kanya.

Besides, hindi ko na naman crush si AK na. Wala, simula na maging slightly close kami, nawala na lang siya. Hindi na ako masyadong kinikilig pero napapangiti pa rin naman niya ako...

Basta, hindi ko na siya gusto or kahit ano. Wala na akong crush, affection, infatuation—or kung anuman ang tawag sa naramdaman ko kay AK. Wala na siya! As in, completely wiped out! Evicted!

Like what I felt for AK is just an admiration, gano'n lang. That's that. Siguro, nagwapuhan lang ako sa kanya noong nakita ko siyang nag-gigitara noon. Maybe, it's just because of his charisma or whatever. Basta, hindi ko na siya gusto and I am so over him.

Besides, wala rin naman akong balak mag-confess sa kanya. Tanong pa sa 'kin nila Javi, 'take the risk or lose the chance'...

How can I take the risk when I know that I don't even have a chance in the first place.

Alam ko naman na wala talagang chance na magustuhan ako ni AK. Maybe friendship, okay pa and okay na rin ako doon.

I'm happy with that.

Pero mas malala pa sa 'kin itong si Adrian. Matagal ko na sinasabi sa kanya na hindi ko na gusto ang kaibigan niya pero inaasar pa rin ako. Nakakainis lang. Mas matagal pang mag-move on keysa sa akin. Kung sina Hayleigh nga, hindi na mine-mention si AK pero siya, todo asar sa akin.

Bakit ko ba naging kaibigan 'to? Napaka-gago talaga kahit kailan.

"Mag-practice ka na nga lang doon!" inis na wika ko sa kanya at tinuloy ang paggawa ng props na kailangan nila. "Nakitang may ginagawa dito."

Isa kasi si Adrian sa mga performers. More than half ng klase namin ay magpe-perform para sa Sabayang Pagbigkas na 'yon... kasama rin si AK doon.

"Maya pa kami magpa-practice,"

Pasimpleng minamataan ni Adrian ng isang sulok ng classroom namin. Sinundan ko naman ang tingin niya.

Nakita ko si AK sa isang gilid kasama ang iba naming kaklase na lalaki. May naka-kandong na acoustic guitar sa kanya at tumutugtog siya ng isang kanta.

Tarantado talaga, e.

Inirapan ko siya at tinuloy na lang ang ginagawa ko. Baka mamaya pagsabihan pa ako ni Adelyn na hindi gumagawa at nakikipag-daldalan lang kay Adrian.

"Na-in love ka na naman, hano?" mahina niyang sabi sa akin. I sighed. Malapit ko na 'tong sikmuran. Napaka-kulit talaga kahit kailan. Mas makulit pa sa kapatid ko. Hindi ba 'to nabigyan ng pansin noong bata 'to...

"Alam mo," Tinigil ko ang paggupit ng cartolina. I even pointed at him using the scissors I'm using, that's why he took a step back away from me.

"Ilang beses ko na nga sinasabi sa'yo na hindi ko na nga crush 'yang si AK. Kulit rin ng apog mo, e..." I explained. "Magkabisado ka na nga lang, kainis ka talaga!" dagdag ko pa na may kasamang irap.

"Eto naman, joke lang..." wika niya sa tabi ko pero hindi ko na siya pinansin dahil itinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Hindi ko matapos-tapos 'tong ginugupit ko dahil sa kanya.

Colliding StarsWhere stories live. Discover now