chapter nine

96 5 28
                                    

━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━

CHAPTER NINE

First day of Grade 10...

I can't believe na grade ten student na ako.

It's so surreal to think that I'm in my last year of junior high school. Then next year, grade eleven na ako, I'm scared yet at the same time excited rin. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, grade seven ako tapos ngayon patapos na ako ng junior high. Dalawang taon na lang college student na ako.

It's so crazy to think how time flies so fast.

Pumasok ako sa main gate ng school namin at mula sa labas pa lang ay kitang-kita na kung gaano karami ang tao.

Pumunta ako kung saan nakalagay ang isang listahan kung saan mo makikita kung anong section ka. Nagkukumpulan ang mga estudyante sa lugar pero syempre, hindi ako magpapahuli d'yan. Makikisiksik din ako diyan.

Pinilit kong ipagkasya ang sarili ko sa mga maliliit na pagitan ng mga tao para lang makapunta sa may harap ng listahan. May mga naririnig ako na nagmumura dahil nasasagi ko sila. Bahala nga kayo d'yan, baka mamaya mas matanda pa ako sa niyo.

Baka grade ten na 'to! Alamin n'yo kung sino binabangga niyo.

"Excuse me po," sabi ko at pinagpilitang makapunta sa harap.

With my might, nakapunta naman ako sa harap. Isa na naman pong successful plan sa pagsinggit.

Hinanap ko kung nasaan ang mga listahan ng grade ten students. Nang makita ko ito ay agad kong hinanap ang pangalan ko sa listahan.

First page, grade ten, section A... Rivera, Rivera, Rivera... wala.

Second page, grade ten, section B... Rivera, Rivera... uy, Faustino, Hayleigh... Rivera, Rivera... ayun! Section B ako. Nakita ko rin na kasunod ko si Nina. Magka-section kami!

Si Javi kaya? Tiningnan ko ang listahan ng mga lalaki sa section B. Gonzales, Gonzales... wala? Hindi namin ka-section si Javi? What the fuck? Nahiwalay pa siya.

Tiningnan ko rin ang isa pang listahan ng section ng grade ten baka nandoon si Javi.

Section C... Gonzales... Cervantes, Leonard... Gonzales... ayun! Section C pa si Javi, kaklase niya si Leon at Akira. Tangina, kung kailan grade ten pa kami 'saka kami pinaghiwalay na apat. Sino ba naman nag-ayos ng section na 'to, may galit ba sa amin 'yun?

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang listahan ng section B at C.

Umalis na ako sa kumpulan ng tao para iba naman ang makakita ng pangalan nila.

Binasa ko ang mga pangalan na nasa section namin at baka mamaya kaklase ko pala ang nakaaway ko noong grade seven kami... Ah, good... wala, wala hindi ko kaklase. Tiningnan ko rin ang listahan ng mga kaklase kong lalaki.

Colliding StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon