"Gusto mo na ba ngayon tumira sa bahay?" Nakangiti kong sabi pero umiling siya.

"Masaya na po ako kasama sila dito. Dito, marami akong kapatid at gusto ko po sila kasama araw-araw" nakangiti niyang sabi.

"You'll be a good father someday" sabi ni Brielle kaya tinignan ko siya at pinisil ang ilong.

"A good father of our children someday" pagtatama ko sakanya.

"Mga bata, halika na kumain na kayo at may lakad pa ang Kuya Miguel niyo, hindi siya pwedeng magtagal dito" biglang pasok ng isa sa mga madre.

Tumayo naman ang mga bata at kumay at nagpaalam saakin kaya tinanaw ko silang lahat na makalabas sa kwartong kinaroroonan namin.

"Let's go?" Yaya saakin ni Brielle kaya ipinulupot ko naman ang braso ko sa bewang niya bago ko siya hinalikan sa ulo at tinignan nang may ngiti sa labi.

"Thank you" sinsero kong sabi kaya nginitian niya ako saka kami naglakad palabas.

"You know, naaalala ko ang sarili ko sakanila noon" sabi niya habang naglalakad kami kaya tinignan ko siya ulit. "I told you na lumaki din ako sa orphanage noon but do you want to know how I end up with my adopted family?" Tanong niya kaya  agad akong tumango.

"Oo naman. Sa totoo lang, hinihintay talaga kita magkwento saakin tungkol sa'yo" sabi ko.

"I'm sorry if it takes so long for me to tell you this, lagi kong nakakaligtaan" nakangiti niyang sabi.

"Its ok" sabi ko bago kami lumiko papunta sa main door at napansin ko naman na tinignan niya ang oras sa suot niyang relo.

"Do you want to hear it now? It's already lunch time and hindi ka pa kumakain, you said you were going somewhere after lunch" sabi niya at saka ko lang naalala ang tungkol doon.

"Oo nga pala!" Nanlalaking matang sabi ko dahil ilang oras na lang ang meron ako para mag ayos.

"I already called tito, and he said he's on the way na daw to pick you up" sabi niya kaya tinignan ko ulit siya. "But before that, you have to eat" sabi niya sabay hila saakin papalapit kina Colt na kumakain sa harap ng napakahabang lamesa.

"Paano ka? Magpapaiwan ka dito?" Tanong ko kay Brielle.

"Para mo namang sinabi na wala kang tiwala saamin niyan" biglang sabat ni Azeri.

"Wala talaga" masamang tingin ko sakanila bago ko ulit tinignan si Briell saka ako ngumiti. "Sasama ka saakin, baby" pasweet kong sabi at sunod-sunod ko naman narinig ang pagpipigil ng tawa ng mga kaibigan ko.

"Matik na 'yan" natatawang sabi ni Colt kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya nagkunware siyang hindi ako nakita.

"Nasaan yung iba?" Tanong ko sakanila dahil hindi ko nakikita ang mga imported kong kaibigan.

"Mamaya mo na sila hanapin at kumain ka na muna, bossing" sagot niya kaya naupo naman ako.

Tinulungan ako ni Brielle na kumuha ng kakainin ko bago kami sabay na kumain.

Naramdaman ko na hinihila ni Brielle ang laylayan ng t-shirt ko kaya tinignan ko siya.

"By the way, hindi ako puwedeng sumama sa'yo ngayon–"

"Bakit?" Agad na tanong ko at bahagyang bumusangot.

"Well... Uhmm–"

"May lakad sila nina Yvonne mamaya, diba Brielle?" Sabat ulit ni Azeri kaya sabay kaming napatingin sakanya bago ko ulit ibinalik ang tingin kay Brielle.

"H-he's right" nag-aalangan niyang sabi kaya kinunutan ko siya ng noo bago ako dahan-dahang ngumiti. "W-what?" Kinakabahan niyang tanong.

May tinatago 'to saakin na sila-sila lang ng mga kaibigan ko ang nakakaalam. But that's good, it means they're getting along together.

"Nothing. Just be safe hmm?" Nakangiting sabi ko at sunod-sunod naman siyang tumango.

"Sheeeshh. Is this what you call love? Kaingit, yakapin mo nga ako Azeri" sabi ni Colt at niyakap naman siya ni Azeri.

Baliw

*****

*Beep* *Beep*

Napatayo naman ako nang marinig ang businang iyon bago ko hinarap si Brielle at mabilis na hinalikan sa labi.

"Call me if you need something hm? And if you need help, don't ever, as in never hesitate to call me hm?" Sabi ko sakanya at natatawa naman siyang tumango.

"As if I'll call you–"

"Brielle" seryosong tawag ko sa pangalan niya.

"You're in the middle of work later, I don't want to bother you– ok, ok I will" agad na bawi niya sa sinasabi niya nang ilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan ang mga bodyguards niya.

"Just kidding" sabi ko bago ko ulit siya hinalikan sa noo.

"Go, I'll see you later" sabi niya bago ako naglakad papalayo.

"Ingatan niyo 'yan, pakakasalan ko pa 'yan kaya dapat makikita ko siya mamaya na walang anuman na galos ha?" Bilin ko kina Colt at sumaludo naman sila.

"Yes, boss!"

"Bye, baby!" Nakangiting malapad kong paalam kay Brielle at yumuko naman siya sandali habang nakangiti bago kumaway. "Bye po!" Paalam ko sa mga madreng nakatanaw saakin paalis.

Sumakay ako sa van kung nasaan si papa bago ako kumaway ulit kina Brielle bago ko sinara ang pintuan.

"Happy birthday, 'nak" bati saakin ni papa nang magmano ako.

"Thank you, pa" sabi ko bago ko hinanap ang damit ko. "Saan po ba muna ako?" Tanong ko.

"Interview" maikling sagot niya kaya tumango naman ako bago dali-daling nagbihis.

Buti na lang pala at maaga akong naligo kanina.

Habang nag-aayos ako sa loob ng sasakyan, hindi ko na napansin na malapit na pala kami sa studio kaya saktong paghinto ng sasakyan ay siyang pagbaba ko ng pabango sa maliit na lamesa na nandito sa loob.

I was not expecting a new reports waiting for me but then, pagbaba na pagbaba ko agad na sumalubong saakin ang flash ng camera at sunod-sunod na tanong tungkol sa nangayareng race na naipanalo ko.

Nakapaglakad ako papasok sa loob at nakita ko si Cion na naglalakad papalapit saakin.

"Happy birthday, bro" sabi niya bago inabot saakin ang isang brown envelope.

"Ano 'to?" Tanong ko at bubuksan na sana nang biglang agawin niya ulit. "Sisikmuraan kita" banta ko sakanya kaya natatawa niya namang inabot ulit saakin 'yon.

Binuksan ko 'yon at agad na kumunot ang noo ko nang makita ang mukha ni Brielle habang nakaupo sa harapan ng lamesa na puno ng microphone.

"Ano 'to? Kailan 'to?" Naguguluhan ko na tanong saka ko tinignan si Cion.

"Malalaman mo mamaya" sabi niya bago ako tinapik sa balikat. "Be cool, answer the questions smoothly and don't be nervous" sabi niya bago ako tinulak.

Masama ang kutob ko tungkol doon sa picture na pinakita saakin ni Cion at pakiramdam ko may hindi talaga sila saakin sinasabi. Pakiramdam ko may nangyare, lalo na nung wala ako dito sa Pilipinas.

"Good luck Miggy, and happy birthday" sabi ni papa saakin bago ako pumasok sa conference room.

Anong meron!?

Race Of LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora