Chapter 37

35 3 0
                                    


"So, sasama ka nga saakin?" Tanong ko kay Brielle nang tigilan ko na ang labi niya saka ko ilayo ng konti ang mukha ko sakanya.

"Do you really have to do this?" Nag-aalala niyang tanong.

"Kung sasama ka, bakit hindi?" Sagot ko sakanya.

"Are you sure?" Tanong niya ulit kaya marahan naman akong tumango.

"Sa tingin mo papayag akong ikasal ka ngayon kay Dave, matapos nung sinabi mo kagabi saakin?" Sabi ko pero bumuntong hininga naman siya.

"But I was drunk last night" sabi niya ulit kaya ako naman ang bumunting hininga.

"Lasing ka man o hindi, gusto mo man ako hindi... Sumama ka na saakin dahil nandito na din naman tayo" sabi ko kaya natawa siya bigla.

"Baliw ka. Bakit ba kasi ganito pa ang naisip mo na gawin, pwede mo naman akong kausapin" natatawa niyang sabi.

"Eh ayaw mo ngang sumama kanina kina Colt"

"So it was them huh. And that's because I thought I was being kidnapped by someone I don't know" natatawa niya pa rin nasabi. "Like what I said last time, sasama ako sa 'yo whatever and whenever you want" malumanay at nakangiti niyang sabi. "But..."

"But?" Tanong ko pero yumuko ulit siya kaya hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay. "Kung inaalala mo ang mga susunod na mangyayare, don't worry, handa akong harapin ang mga magulang mo, magulang ni Dave pati na ang media para linawin ang lahat. Huwag lang matuloy ang kasal niyo ngayon" mahabang sabi ko.

"I'll join you" sabi niya kaya ngumiti ako sakanya.

"Sa susunod na natin pag-usapan ang tungkol jan, sa ngayon, ba-byahe na tayo" nakangiti kong sabi bago ko ulit binuhay ang makina ng sasakyan ko.

"Where are we going?" Tanong niya.

"Hulaan" sabi ko habang malapad ang ngiti.

"Tch. Just drive" sabi niya at bumalik na ulit sa pagkaseryoso ang mukha niya.

"Brace yourself, twenty nine" nakangisi kong sabi habang inaapak-apakan ko ang pedal netong kotse dahilan para gumawa eto ng ingay.

"Oh come on, bring it on. I'm not scared" nakangisi niya din na sabi kaya agad kong mabilis na pinaharurot ang kotse ko dahilan para magulat siya at maidiin pa ang likod niya sa kinauupuan niya. "What the fvck!" Gulat niyang sigaw kaya tumawa ako.

"Should I drive slower?" Nakangising tanong ko sakanya habang nasa kalsada ang tingin ko.

"Nah. Keep up the speed" sabi niya kaya mabilis naman akong sumaludo sakanya.

*****

Nakarating na kami sa Bungalow house naming magkakaibigan dito sa tinatawag naming Highlands.

Highlands kasi mataas nga naman siyang lugar and para kang nasa bundok pero dito wala masyadong puno and nag-iisa lang ang bahay namin dito.

"Brielle" tawag ko sa katabi ko na nakapikit at mukhang tulog pa rin.

"I'm awake" agad na sagot niya bago siya naupo ng maayos.

Bumaba naman ako sa kotse saka ako umikot papunta sa kabila para pagbuksan ng pintuan si twenty nine.

"Tara?" Nakangiti kong tanong sakanya habang nakalahad ang kaliwa kong kamay sakanya.

"Where is this place?" Tanong niya pero bigla siyang sinalubong ng hangin kaya natigilan siya. "Whoa!" Gulat niyang sabi kaya tumawa ako.

Race Of LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin