Chapter 24

64 6 1
                                    

Nagtatawanan at nag-uusap-usap kami matapos namen kumain ng pananghalian kasama si Brielle na siyang hindi umiimik kanina pa.

"I'm just going to use the restroom" biglang paalam niya saaken kaya tinignan ko siya bago ako tumango sakanya.

Tumayo naman siya kaya sinundan ko siya ng tingin at natawa ako nang maling direksyon ang pinuntahan niya kaya tumingin ako kay papa para magpaalam.

"Susundan ko lang ang future misis ko" nakangiti kong sabi sakanya kaya ngumiti siya kaaabay ng pagtawa bago ako tumayo at sinundan si Brielle.

Malapit na ako sa lugar kung saan pumunta si Brielle ng bigla ko marinig ang pagsigaw niya kaya agad akong kumaripas ng takbo papunta sakanya.

"Help! Miguel ahhhhh!" Sigaw niya kaya hinap ko kung nasaan siya.

"Brielle!" Tawag ko sakanya dahil hindi ko siya makita kaya tumakbo ulit ako at pagliko ko sa pinakalikod ng garahe, nakita ko si Brielle na hinahatak ng isang lalake kaya agad akong tumakbo papalapit sakanila.

"Duck, Brielle" utos ko sakanya habang tumatakbo ako papalapit sakanila.

Sakal-sakal siya sa leeg ng lalakeng nakasuot ng itim na mask na tanging mata at bibig niya lang ang nakikita ko sa buong mukha niya.

"What!? Dick!? What are you saying!?" Gulat na sigaw ni Brielle kaya napanganga ako.

"I said duck! Not dick! Duck! D. U. C. K!" Sigaw ko kaya ng marinig niya ng maayos iyinuko niya naman ang ulo niya bago ko buong lakas na sinuntok sa mukha ang lalakeng may hawak sakanya.

Nabitawan siya ng lalakeng 'yon kaya agad ko siyang hinila palapit saaken at sisipain na sana ang lalakeng nagtanggkang kunin sakanya ng bigla etong tumabling para makalayo saaken saka tumakbo palabas.

Hinabol pa siya ng kararating pa lang na mga tauhan ko pero mukhang nakatakas agad eto at hindi na nila naabutan kaya binalingan ko ng tingin si Brielle.

"Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong sakanya.

"I-i'm fine" sagot niya habang mabilis pa rin ang paghinga niya kaya yinakap ko siya.

"What happened? What happened, Miguel?" Tanong ni papa ng makalapit siya saaken.

"Someone tried to take her" seryoso kong sabi bago ko inalalayan si Brielle maglakad dahil natulala na naman siya. "Pwede niyo ho bang samahan muna si Brielle, may titignan lang ako" paki-usap ko kay papa bago ko binigay sakanya kamay ni Brielle kaya inihawak niya naman 'yon sa braso niya. "Mabilis lang ako" sabi ko bago ako tumakbo papunta doon sa back door na nilabasan ng taong 'yon.

Malaman ko lang talaga kung sino kayo, malalagot kayo saaken.

Paglabas ko sa pintuan, tumingin ako sa paligid at tanging nagtataasang mga kahoy ang nakikita ko at kalsadang wala man lang dumadaan na kotse.

Umikot ako paharap sa pintuan kaya bigla kong nakita ang isang maliit na itim na sobreng na nakaipit sa pintuan kaya agad na kumunot ang noo ko bago ko 'yon kinuha saka ko binuksan at binasa ang nakasulat.

'Take good care of her, or else I will take her from you.'

Kunot noo ko namang binalik sa loob ng itim na sobre ang sulat bago ko 'yon nilagay sa bulsa ng jogger pants ko. Pumasok na ako sa loob at habang naglalakad ako napapa-isip ako kung sinong pwedeng tao na nasa likod ng sobreng itim na 'to.

Dalawang tao lang ang pwedeng gumawa neto. Una, si Dave. Siya lang naman ang gustong kunin saaken si Brielle. Ikalawa, may isa pang tao na gustong kunin si Brielle. Hindi ko alam kung para saan at kung bakit pero malakas ang kutob ko na pwedeng mangyare na kung hindi si Dave ang may kagagawan neto, ay may isa pang tao na malapit kay Brielle na gusto siyang kunin.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now