Francine Rivera
oo, doon

AK Ladera
Ok ok

Punta na rin ako, may aayusin lang

Francine Rivera
okay

thanks, AK

AK Ladera
Np np

See u later ☺️

-

I rolled my eyes at the emoji he used. May paganon-ganon pa siya. I am mad at you, tangina mo.

Pinatay ko ang phone ko at kinuha ang paper bag na nasa tabi ko. I stood up from where I'm sitting at umalis na papunta sa Grounded Bean. Nagbukas na rin ako ng payong dahil napaka-init. Tirik na tirik ang araw, saktong-sakto na tanghaling tapat pa. Parang noong isang buwan lang ang lamig-lamig tapos ngayon grabe ang init.

Halos ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na ako sa tagpuan namin ni AK. Medyo puno ang café, buti na lang ay merong bakanteng table sa may tagong lugar. Doon ako umupo. Nilapag ko ang paper bag sa ilalim ng table at ang bag ko naman ay nilagay ko sa ibabaw ng table. Mabuti na siguro na dito ako pumwesto para na rin magkaroon kami ng privacy. I don't want people hearing what we will talk about.

Napansin ko na wala sina Hiro at Kylira. Hindi ba't Wednesday ngayon? Walang shift ngayong araw? Ang alam ko tuwing Wednesday ang shift nila... Thinking about it, okay na 'yon, mas maganda na wala silang dalawa dito para hindi nila ma-witness ang pangyayari na 'to...

Bumili ako ng isang bote ng tubig at cookie of the day para hindi nakakahiyang tumambay dito. Nakatutok lang ako sa cellphone ko habang hinihintay ko siya. Buti na lang at hindi pa napapalitan ng password ang Wi-Fi dito at hanggang ngayon ay naka-connect pa rin ako.

While I'm watching whatever video on Youtube as I eat the cookie I bought, a notification popped up. It's AK. It says that he's on his way.

Napa-isip tuloy ako kung tama ba 'tong ginagawa ko? Nagdadalawang-isip ako kung sigurado na ba ako dito... Should I really talk to AK?

Ito na ba ang tamang panahon para mag-usap kaming dalawa? Ito ba closure namin? Siguro nga, ito na talaga. It's been fucking years. Siguro ito na rin 'yung tamang panahon para mapag-usapan namin kung ano ba talaga ang mga dapat pag-usapan.

I mean, ito naman gusto niya, right? He said he wanted to talk so he better talk. If he really wants to explain, then he better talk... baka hindi na naman siya umimik kapag kinausap ko.

At kapag hindi siya nagsalita, bahala na siya sa buhay niya.

I heard the bell rang, I am very much familiar with that sound. I think that newcomer is AK. May narinig akong bumati sa kanya. I looked at the direction of the door. Just like what I expected, it's AK.

He's wearing a printed white shirt at nakapa-ibabaw doon ay isang dark sage long-sleeve button down shirt na naka-tiklop ang sleeve upto his lower arm. Para naman sa pang-ibaba niya ay isang light brown pants. Nakasabit sa balikat niya ang isang black messenger bag. He's even wearing a somewhat dog tag necklace.

What's up with his outfit? Ganap na ganap ang gago. I mentally scoffed at him.

Inikot niya ang paningin niya sa buong lugar at nahinto nang makita niya ako. He first waved at me at 'saka niya nilapitan ang table ko na may malaking ngiti sa mukha niya. Umupo siya sa harap ko.

Ngiting-ngiti pa siya... Ano akala n'ya? Makukuha niya gusto niya? Hindi niya ako madadaan sa mga pangiti-ngiti niyang ganiyan. Kahit gaano pa kaganda ngiti niya, hinding-hindi na ulit ako mahuhulog diyan.

Colliding StarsWhere stories live. Discover now