Zephyra, ang pangalan ng babaeng ito kung hindi ako nagkakamali.

"Ano nanaman ba?"

She put her hands inside the pocket of her nude slacks while giving me a death glare.

"That's my seat, go look for another." She smirked while walking towards me. "We are not done yet." Then, she rolled her eyes at me before pushing me aside.

Napaatras naman ako sa ginawa niya at napaka-kapit sa upuan.

Tinignan ko lang siya na umupo at wala na akong iba pang ginawa.

Umalis nalang ako sa room at nagsimulang naglakad-lakad sa kabuoan ng lugar na ito. Hanggang sa napadpad ako kung saan ang classroom ni Kheran.

Building 4 , Third floor , Second room.

"Why are you even here? Late ka na. Bumalik ka na sa klase niyo."

Umiling nalang at isinandal ang ulo sa balikat niya at ipinikit ang aking mga mata. Nasa loob ako ng classroom nila at nakaupo sa upuan niya. Bahala na kung anong iisipin ng mga kaklase niya basta gusto ko munang matulog.

"Pres, jowa mo?"

"Yan ba yung special someone na sinasabi mo?"

"Era, girlfriend mo?"

IIlan lamang 'yan sa mga naririnig ko galing sa mga kaklase niyang chismosa't chismoso.

Tinatawanan lang ni Kheran ang mga kaklase niya kaya hindi nalang ako sumagot sa mga tanong nila sa'kin.

"Tigilan niyo nga ako. Dami niyong sinasabi." Pagtataboy pa ni Kheran sa mga kaklase niya.

Pamilyar ang ibang lalaki rito dahil sila ang pumupunta sa bahay namin paminsan-minsan kaya kilala na nila ako at patawa-tawa lang sila sa isang gilid.

Wala pa ang Instructor nila kaya malaya sila sa mga gusto nilang gawin sa loob ng classroom nila.

Kheran put his right hand on my shoulder and pinched me.

"Bumalik ka na sa room niyo, Terror pa naman first subject mo kahit na trainee palang 'yon."

Tinignan ko siya at pinalo sa braso. Himiwalay ako at sinandal ang ulo sa mesa ng upuan niya.

"Marietta Miranda?" Makahulugang tanong ko sakanya.

Kilala ko na kung sino yung special someone niya dahil naririnig ko lang kanina. Yung isa sa mga practice teacher dito na babae ay gusto ni Kuya Kheran.

Galing sa isang mayamang pamilya yung Marietta na 'yon. Mayayaman ang mga Miranda sa lugar namin, ka-baranggay pa yata namin yung mga kamag-anak nila.

Namumula si Kheran na umiwas ng tingin sa'kin kaya mahina akong napatawa.

Kung ganon ay tama ako.

Napabuntong-hininga nalang ako at hindi nalang pinansin si Kheran.

Bahala siya jan. Basta matutulog muna ako, saglit lang naman.

"Pst! Shut up guys! Natutulog ang prinsesa natin sa likod."

Nagising ako sa kung kanino mang boses ang narinig ko sa tabi ko. Itinaas ko ang ulo ko at tinignan ang nagsalita. Ang tono ng boses na 'yon ay may kasamang pagbibiro kaya na-intriga akong tignan kung sino ang nagsalita.

Nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na babae na kasama minsan nila Kheran sa bahay. Nang mapansing napamulat na ako ay ngumiti siya sa'kin at kumaway.

"Hi..."

Napatayo na ako nang mapansin itong nakatingin sa'kin bago tinapunan ng tingin si Kheran.

"Cr lang ako, Cafeteria mamaya during recess." Makahulugang bulong ko sa kapatid ko bago agad na umalis sa classroom nila.

Kilalang-kilala ko ang babaeng 'yon, Si Ayessa. Parehas sila ng edad ni Kheran at paminsan-minsan kong nakikita ang mukha niya sa bahay namin, kasa-kasama ang tropa ni Kheran.

Ang mga nadaraanan kong silid-aralan ay nagka-klase na habang ako ito, tao pa rin at naglalakad papalayo. Balak kong magtago muna sa banyo at lumabas nalang kapag recess na.

At isa pa, baka kung nandon pa rin ako sa silid nila Kheran ay lalapitan nanaman ako ng babaeng 'yon. Minsan na rin kasi siyang nag-confess sa'kin pero hard pass sakanya, atin-atin lang ito. Pero kasi kaya ayaw ko sakanya dahil...

"Khalani! Wait!"

Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng babae.

Malaki ang ngiti niya sa labi na parang mapupunit na, nawawala ang kanyang mga sa tuwing ngumingiti siya.

"A—Ayessa..." Lumunok ako ng sariling laway kong nabuo sa loob ng bibig nang makapasok na siya kasama ko.

Narinig ko pa ang pag-lock niya sa main door ng restroom kaya umiwas ako ng tingin at binuksan ang gripo upang makapag-hugas.

"Dito ka na pala mag-aaral, bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Mahinang tanong niya at tinabihan akong maghugas.

Dama ko ang titig niya sa malaking salamin sa harapan namin.

"Hindi ko kailangang sabihin sa'yo. Sino ka ba sa tingin mo?" Balik na tanong ko at nakipagtitigan na rin sakanya sa salamin.

Napansin kong ngumisi siya at pinatay ang gripo.

"Dahil girlfriend mo ako, hindi ba?"


R V R I E C Y N O


Happy 4k reads! Thank you sainyong lahat mga kabading! Now lang po ulit nakapag-update kasi wala na kaming pasok ng hapon, ang init kasi. Sana kayo rin, drink more water din po, dala rin ng umbrella kapag may time.

Votes & Comments are highly appreciated. Happy Reading!

After Almost Perfect (ON GOING)Where stories live. Discover now