Chapter Δ

575 14 0
                                    

After Aunty Khalina's meeting with her friend, We headed home and unfortunately, I need to go to my new School tomorrow

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

After Aunty Khalina's meeting with her friend, We headed home and unfortunately, I need to go to my new School tomorrow.

"Did you enjoy our stay to your new amiga's house?" Aunty Khalina burst into laughing while adjusting her car's side mirrors, bringing them back to their original position.

I nodded and sat down on one of the benches here inside of her huge car garage. Aunty is rich and she's still grinding.

"Yes, I had a lot of fun." Inikot ko ang mga mata pagkatapos ay ngumuso. "Pero nakakahiya kaya yung mga tanong ng amiga mo. Parang gusto ko nalang ibaon ang sarili ko kanina sa letchon nila." dagdag ko pa.

Hindi naman matigil sa kakatawa ang tita ko. Sinimulan niyang punasan ng kulay dilaw na makapal na tela ang kanyang sasakyan.

"Type mo ba?" Nang-aasar na tanong ni aunty habang ang mga mata ay nakatuon lamang sa sasakyan niyang sobrang kintab na pero nililinisan niya pa rin.

"Sino nanaman yan, Aunty Khalina?" I gave her my signature confusing look, naturally tilting my head to one side.

"Yung anak ng amiga ko. Bingi lang?"

I pouted and rolled my eyes at my aunt's words.

Ano yan? Na-fall ako sa lalaki kahit isa akong lesbian? Katatawanan naman kung mangyayari yan. At isa pa, may nagpapatibok na ng dalawang labi ko. Imposible naman 'yan.

"Uy, hindi ah!" Of course, I told her the truth. Ayaw ko kay Zapriel, red flag siya. At ayaw ko sa red flag...na lalaki.

"Sus! Pabebe ka pa. Hoy! May trabaho na 'yon, matino kaya siya."

Umiling ako sa sinabi ni aunty. I am getting uncomfortable, siguro ganito kasi hindi pa ako umaamin.

I mentally sighed to maintain my demeanor infront of my aunty, baka kasi kung anong isipin niya kapag hindi ako umayos.

"Hindi kaya. Study first ako!" Pag-diinan ko pang pag-aaral ang inuuna ko kahit minsan ay sukong-suko na ako. Ang daming activities, siguro flash kaming students sa pov nila.

"Study first pero kinder palang, nanunusok na ng lapis. Tigilan mo nga jan sa study first mo, Khalani. Ibabalik kita sa tyan ng mommy mo." We both laugh when aunty said that, walang katapusang tawanan kapag kasama ko itong si aunty. Para kasing parehas lang kami ng age at ka-vibes ko pa. Siguro magulo rin buhay niya noong teenager siya.

"Ganon talaga, hindi kinaya ng gravity. Ayon, parang like naging ganon na." Patawa-tawa pa akong nagsasalita nang biglang tumigil si aunty sa ginagawa niya at nilapitan ako. Kinurot niya ang tagiliran ko.

"Dami mong sinasabi, bata. Kunin mo nga yung phone holder sa loob, nakalagay siya sa transparent na glass sa sala." Utos sa'kin na kaagad ko namang ginawa habang inaasar na tinatawanan si aunty.

Hanap ako nang hanap hanggang sa umabot ako ng ilang minuto kakahanap pero buti nalang ay tumingin ako sa tabi ng flat screen tv at nakita ko naman ito. Wala namang ito sa glass box kundi nasa isang supot ng parcel. Ito siguro yung kahapon na dumating.

"Tagal mo naman, patapos na ako." Reklamo ni aunty habang kinakamot ang kilay nitong nakatingin sa'kin.

Ibinigay ko ang parcel nang lumapit ako sakanya, kinutusan ko naman siya tagiliran.

"Hindi mo pa naman inilalagay sa clear na box, e, nasa parcel box pa. Eme ka naman, aunty."

Sumimangot siya at hinablot sa'kin ang box bago ito sinimulang buksan gamit ang gunting sa lamesa. Inalog-alog pa niya ang box bago buksan.

"Akala ko nabuksan ko na kagabi, nakatulog pala ako." Halos mapamura si aunty habang binubuksan ang parcel niya dahil nakalimutan niya raw kagabing buksan.

Napabuntong-hininga naman ako sabay sabing, "Aunty Khalina, bumili ka pa kung hindi mo rin naman bubuksan yan."

"Oo na, dami mong sinasabi, e."

Naubos ang oras namin ni aunty kakadal-dal sa kung anu-anong bagay pa sa mundo. Hindi ko nga alam kung anong oras na nang matapos sa kakalinis at pagpapakintab ni aunty ng kanyang mga sasakyan, akala mo naman alagang aso o pusa na dapat paliguan at pakainin araw-araw.

Kumakain kami ngayon ni aunty sa bakuran niya nang biglang may bumusina sa harap ng bahay ni Aunty Khalina. Napatayo ako nang maaninag ko ang isang pamilyar na sasakyan.

Bakit nandidito 'yan?

"Kheran?" Patanong na bulong ko bago inilapag ang baso na may orange juice sa maliit na mesa bago tinakbo ang gate.

Lumabas si Kheran sa kulay pula nitong civic. Kumaway pa ito sa'kin at may ngiti sa kanyang labi.

"Khalani! Uy, liit! Buksan mo nga gate, ipapasok ko lang yung baby ko!" Nagulat pa ako sa sigaw niya kaya naman inirapan ko nalang siya at ginawa ang ini-utos.

"Oh, ayan na po kamahalan."

Nang makapasok na si Kheran at ang kanyang sasakyan ay agad din siyang lumabas sa lungga niya at tinakbo naman si aunty na kalmadong umiinom ng kanyang kape habang nakaupo sa malambot na kulay pulang sopa sa gilid.

Ni-hindi man lang ako pinansin ng kapatid ko. Ang sama talaga ng ugali niya.

Naglakad ako patungo sa dalawa na nag-sisimula nanamang mag-ingay.

"Kuya, bakit nandito ka?" Oo, kuya ko ang masamang ito.

Hindi niya ako pinansin at patuloy paring nakikipag-usap kay aunty kaya naman ang ginawa ko ay naglakad ako patungo sa sasakyan niya at dahan-dahang inilapat ang kamay sa hood.

"Hey! Not my baby!" Nang marinig ko ang sigaw niya ay ngumisi ako sakanya. Nakita ko namang tumakbo siya agad patungo sa direksyon ko at ng kanyang civic.

"Don't touch my baby." Pagalit na sambit niya pa. Akala niya matatakot niya ako sa ganyan niya, aba'y, hindi ah.

"Sasakyan lang naman yan, kuya." I replied back while simply pushing the hood of his car. Bagong-bago pa ah, ilang babae nanaman kaya ang naisakay niya rito?

"Hey! Hey! That car was given to me by my special someone." Maarte nitong sagot kaya napa-oh nalang ako at tinigilan ang pang-aasar.

"So, why are you here?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang tinanong dahil hindi niya ako pinapansin kanina pa.

Ngayon ay pumasok na kami sa loob ng bahay ni aunty.

Naghuhugas ako ng mga ginamit naming utensils ni aunty kanina at si Kuya Kheran naman ay nakasandal lamang sa door frame malapit sa sink kung nasaan ako.

"Ano ba? Hindi ka ba magsasalita?" Naiinis na tanong ko.

Bumuntong-hininga naman siya at napansin kong lumapit siya sa'kin at inabot ang isang tasa.

"Oh, hugasan mo pa yan." Imbes na sumagot siya ng matino ay nag-utos nanaman siya.

Naiinis ko siyang tinignan at tinutok sakanya ang maliit na hose sa sink.

"Sasagot ka ng matino o maliligo ka ng tatlong beses?" Nang-gagalaiting tanong ko.

Nang-aasar naman niyang inilabas ang kanyang dila at inikot ang kanyang mga mata.

"Pikon, yuck!"

Inirapan ko naman siya at sinipa ang kanyang paa.

"Ano na? Bakit ka nga nandidito? Inutusan ka ni mommy?"

Tumango ito at nahihirapang umatras. Sinamaan niya ako ng tingin at ngumuso.

"Titira ako rito hanggang sa makapagtapos ka sa Evergreen Legacy Academy." Sagot ni Kuya na biglang nagpaisip sa'kin.

"Huh?"

"Ay, bingi ka?"

R V R I E C Y N O

After Almost Perfect (ON GOING)Where stories live. Discover now