Nang makapasok na kami sa dinning room kaagad naman namin sinimulan ang hapunan. Panay usapan sa negosyo, pera, koneksyon at iba pa. Inabot ng isang oras dahil mas mahaba ang usapan kesa sa hapunan.

"Thank you once again. Have a good night Mister Sakamoto." I held my hand. Nakipag shakehands muna ako bago siya umalis.

"Hindi ka naman pagod, ano? Ano uwi na?" Salita ni Gail—ang sekretarya ko.

"Salamat, Gail. It's pass nine, umuwi ka na."

"Pa'no ka?"

"May pupuntahan pa ako. Umuwi ka na. Salamat sa araw na ito. Don't forget to email me the other docs later—I mean, tomorrow nalang. No need to rush."

"Sige, Sir Nic. Good night."

Buti nalang may sekretarya akong mahaba ang pasensya.

Napatingin ako sa wristwatch. Naalala kong may party akong pupuntahan this evening. Wala na akong oras para umuwi ng condo ko dahil malakas ulan, at trapik pa. Hindi naman kalayuan ang location ng event kaya mabilis lang ang punta roon.

Inayos ko nalang ang aking sarili nang magawi sa mens room saka pumunta na ng parking area. Genesis try to reach me. Sinabi ko nalang na on the way na ako para naman hindi na ako nito tatawagan pa ulit. Makulit ang itlog na iyon.

After half hour na  byahe narating ko ang location. Hindi naman siguro ako aabutin ng kalahating-oras kung hindi trapik at 'di maulan.

Sa bungag pa lang ng event party ay sinalubong na ako ng isang magandang babae. Wearing her red velvet dress with her calm aura.

"You're late Mister Alcantara." Aniya sabay halik sa aking pisngi.

"Yeah! After meeting and dinner with my business partner dumiretso na kaagad ako dito. You look stunning tonight, Marga." Puri ko kanya.

"Really? Senersyoso na ang trabaho." Sarcartic pa na sabi niya.

Hinapit ko ang bewang niya dahilan para mas lumapit siya akin. Ginawi ko ang mukha ko sa taenga niya at bumulong. "Minsan lang maging seryoso pero... totoo. Just like I said to you." Sabay pisil ng tagiliran niya.

Pasimple siyang dumistansya sa akin at tinignan ako. Halata sa mukha ang katapangan.

"I like your mood tonight."

"And I like you, too."

Pumunta lang ako sa event na ito dahil nandito si Margarita. May iilang mga kilala na nakakasalamuha pero hindi umalis sa tabi ko Marga.

"What's your deal, Nicolo?" Ani Genesis nang saglit umalis si Marga sa tabi ko.

"What deal?" Pasimple akong ngumiti. Ang tingin na kay Marga na papalayo sa akin.

"Between you and her. Anong status niyong dalawa?"

"Curcious ka? E, ikaw? Bakit magkasama kayo ni Cleopatra? What's your deal din?"

"Nothing. Deal is deal."

"Okay! You say so. Mind your own business, then."

"Well, good luck to you. She's here na. Balikan ko lang 'yung pusa ko. See you later gandang Marga."

Nang umalis si Genesis natawa nalang itong si Marga.

"It's run to your blood naman talaga."

"Ha?"

"Alcantara." Kibit balikat niyang sabi.

"Genesis fiancee—Samantha. Actually, arrange marriage. Noong una ay against ang dalawang iyan sa kasalanan. They used to hate each other, but look at them now."

"Atleast they settled. How about you? Naglalaro ka pa rin ng apoy."

Napalaguk ako ng alak sa sinabi niya.

"Nakakapaso ka naman kasi. Pero ikaw 'yung apoy na handa kong sulungin para lang hupain ang nag-aalab na baga."

Napatingin siya sa mga mata ko. Mayamaya ay mahina siyang humalakhak. Ang mga mata'y pumupungay na dahil sa dami ng alak na nainom.

"Sorry. I'm little bit tipsy."

She drunk already. Wala pala siyang kasama na pumunta rito. Ibig sabihin nun ay responsibilidad ko na naman siya.

"You alright?"

"Sorry, I'm wasted. Can I go home?"

Tumango ako. "Hmmm... I drive you home, okay?"

Tumango din siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Tinawagan ko saglit si Genesis na ipakuha sa doorman ang kotse ko sa parking area. Hindi ko maiwan si Marga dahil lasing na ito at hindi na rin makatayo ng maayos. Mabuti nalang ay nandiyan si Cleopatra—Samantha rather—Genesis fiancee para umalalay din kay Marga.

"Ingatan mo 'tong girlfriend mo, Nicolo." ani Samantha. "Halatang mabait ang Margarita na ito. Huwag mong paiyakan." Habilin pa niya.

"Hmmm. Thanks for your help. She's precious to me."

"Kaya nga ingatan mo, ulol!"

Natawa ako. Maka-ulol e!

Nang bumalik si Genesis ay sakto naman ang pagdating ng kotse. Nagpaalam na ako kina Sam at Gen na uuwi—ihahatid si Marga sa bahay nito.

"Iuwi sa bahay niya huwag sa bahay mo. Drive safe, insan."

Pangit talaga ka-bonding ang dalawang 'to, kaya siguro inadhana kasi pareho ang ugali.

"Bye! Good night guys!" Paalam ko.

Matulin ang pagmamaneho ko ng sasakyan. Pass out talaga ang babaeng 'to dahil sa dami ng nainom. Hindi ko maiwasan ang hindi siya tignan. Ang amo ng mukha kapag tulog. Payapa at napakabait. Ang ganda niya pa rin kahit tulog.

"Tulog ka lang diyan, ako bahala sa iyo," mahina kong sabi. "Huwag kang mag-aalala iuuwi kita sa bahay mo." Pinahinaan ko ang lamig ng aircon ng sasakyan nang sa ganun ay hindi siya lamigan at hindi maisturbo ang mahimbinh nitong tulog.

Nang makarating kami sa harapan ng bahay niya, si Becka kaagad ang aking nakita. Naghihintay sa labas ng bahay habang may kausap sa telepono nito. Binaba ko ang shelter ng pintuan saka suminyas kay Becka na huwag maingay. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

"Let her sleep for while. Gigisingin ko nalang siya after half an hour. Pumasok ka na, ako na bahala sa kanya." Mahina kong sabi kay Becka.

"Maraming salamat, Sir Vinz."

Ngumiti at tumango ako. Pinataas ko na ulit ang shelter ng pintuan saka sumandal sa headboard ng upuan. Binalingan ko saglit si Marga. Mahimbing na natutulog.

"Sweet dreams." Pabulong kong sabi sabay halik sa noo nito.

Alcantara Series 6:The Curse of a Playboy(R18+)Where stories live. Discover now