Chapter 21

884 26 9
                                    

Chapter 21 : No Idea

Dinadalaw ng kaba, naririto ako naka tayo sa labas ng mansion ng mga Flores. According to Seven, his grandmother didn't want a grand celebration, so they decided to hold it at the mansion. Close friends and relatives were invited.

"Seirin, are you okay?" Seven asked, surprising me as I had momentarily forgotten he was beside me. Pilit na ngiti ang nasagot ko, talagang kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan.

"Ano.." Lukot ang noo kasabay ng malalim na buntong-hininga.

'Ano ba ito?'. Naruon 'yong pressure na baka hindi kami magustuhan ng pamilya ni Seven at paalisin nalang bigla. Nakaka.. kaba.

"Rin, halatang halata ang kaba mo. Mag-relax ka lang, okay?"

Napa baling ako kay Cyron sa kaliwang bahagi ko, hawak niya ang kamay ko at marahang hinahaplos tila sa pamamagitan 'non nais niyang punawin ang nararamdaman ko.

"Hindi ko lang maiwasan.." I murmured softly.

We were dressed appropriately for the occasion. A black dress hugged my petite frame, its off-shoulder design adorned with a thin fabric wrapped around my neck. The length was just above the knee, and I wore sandals that Seven himself had chosen.

Ang sabi ni Seven ala singko pa raw nag-umpisa ngunit heto kami papunta palang. Paanong hindi ako kakabahan, e late kami ng dalawang oras. We had taken a long time searching for a dress, as Seven was quite picky. I had suggested a simple one, but he refused to agree.

Sinimulan naming tahakin ang mansion ng mga Flores, hindi pa'rin nawawala ang kaba ko kaya halos parang pagong na'ko sa paglalakad. Si Cyron hindi pa'rin binibitawan ang kamay ko, samantalang si Seven naka alalay sakin.

"Kuya Itchiro! Seirin! Cyron!"

Mabilis na narating ni Chloe ang pwesto namin, naramdaman kong binigyan niya muna ng yakap ang dalawa bago ako, hindi rin nawala ang paghalik sa pisnge.

"Bakit ang tagal niyo?" She asked, inagaw niya ako sa dalawa. Ito nga't hawak na niya ang pulsuhan ko habang inilalapit ako sa kanya.

"Ang arte po kasi ni Kuya Sev.." Parang batang nagsusumbong na usal ni Cyron.

"Hey, I'm not.." Tutol ni Seven, natawa si Cyron, samantalang napa iling naman ako.

"Konbanwa, Sei."  Iyon na ang malalim na tinig ni Kenjiro. Binigyan niya ako ng yakap, nagulat pa ako ng lumapat ang labi niya sa noo ko. Namula ako sa hiya bago nag baba ng ulo.

'Ano..' Ngayon niya lang ginawa iyon.

Napa labi ako. "M-magandang gabi, Kenjiro.." Mahina, nahihiyang usal ko.

"Grammie is waiting for you.."

"Then let's go!" I was taken aback as Chloe pulled me along, with the others following closely behind.

Kasabay ng pagpalahaw ng maraming boses mula sa kung saan ay siyang pagbalik ng kaba sa dibdib ko. Mas lumalakas iyon kada abante namin, nahinuha kong nasa likod kami ng mansion ng tumama ang malamig na hangin sa mukha ko.

"Ichirō nīsan!" A female voice shouted from our front. I felt her pass by my side before hearing Seven's soft laughter.

"Easy there, Noriko," naging malambing ang tinig ni Seven. "Do you remember my promise, Noriko?"

"Yes, Ichirō nīsan. Your promise never left my mind even after all these years."

"I can now finally fulfill my promise, Noriko." Mahinang suminghap ang kausap ni Seven.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now