Chapter 19

1K 31 1
                                    

Chapter 19 : Trust

Ilang linggo na ang lumipas simula nang ipakilala ko si Axy bilang aking nobya, nalaman na'rin ng ibang malapit sa akin, katulad nila Rez at Joy, maging si Seven at Chloe.

Of course, naruon ang nag-uumapaw nilang gulat. Mga komento nilang walang awat, hindi ko alam kung normal ba 'yon o overreacting lang sila. Ngunit kahit ganun mabilis nilang natanggap kahit na halatang lumulutang padin sa nalaman.

Sa nagdaang mga araw mas naging malapit kami ni Axy, mas lalo kong nabasa ang iba niyang katangian. Iritado sa ibang tao ngunit pagdating sakin sobrang lambing at kalmado. Hindi ko siya maintindihan, nuong tinanong ko siya, ang sagot ba nama'y.

"I'm always irritated to someone who's not you, love.."

She's rude to someone she doesn't like, especially if kapag may lumalapit sakin. I can't read her sometimes but I must admit she's sweet, so clingy and always affectionate. Minamahal ko ang lahat ng pinapakita at pinararamdam niya.

"Tired?" Iyon na ang malambing niyang boses, paborito ng puso ko.

Ngumiti ako bago tumango. "Maraming customer sa araw na ito.." I stood up from my seat, and she immediately embraced me, a gesture I returned even more tightly. "Ikaw? Galing ka pa sa training niyo tapos ay sinusundo mo pa ako.." Mahina kong usal, naka baon ang aking mukha sa dibdib niya, ang nakakahalina niyang bango sinasakop ang pang amoy ko, nagawa nitong baliwin ang mga alaga sa tiyan ko.

"I told you, you're the only one I want to come home to, the only home I love." My cheeks flushed as I buried my face even further in her embrace. Ah. . those words never failed to quicken my pulse.

Inaya niya ako sa sasakyan matapos 'non. Kanina lang ay ramdam ko ang pagod ngunit ngayon tila bigla naglaho. Marinig ko lang ang boses niya, maamoy ko lang ang natural niyang bango, alayan niya lang ako ng mga salita niyang nagagawang alipinin ang puso ko, marinig ko lang ang lambing sa kanyang tono, maramdaman ko lang ang bitbit niyang epekto, bumabalik ang lahat ng lakas ko.

"Kamusta naman ang training niyo?" Naka ngiti kong tanong sa kanya, nasanay na akong palaging inaalam ang nangyayari sa kanya. Kung maayos ba ang naging takbo ng araw niya o kung hindi naging maganda. Gusto kong malaman ang lahat.

"It's been tiring. Our coach has been strict with our training, maybe because of the pressure, especially with the Women's Basketball World Cup coming up."

She referred to the ongoing Training Camp, which she had to attend in Manila. Despite the restrictions on leaving the training grounds, she always managed to make time to pick me up and drop me off. Axy never failed to do so.

I admired her effort and attentiveness towards me. She never let a day pass without ensuring we had time together. It warmed my heart and made me smile always.

Naramdaman ko nang huminto ang sasakyan, ibig sabihin ay nasa bahay na kami, ibig sabihin aalis na naman si Axy.

Ang totoo, nalulungkot din ako sa tuwing nahihiwalay sa kanya, ngunit hindi ko iyon masyadong pinapansin dahil ayoko namang agawin pa ang oras niya sa pag tra-training.

"Axy, maaari ka bang lumapit.." Mahinang usal ko, naramdaman ko ang paglapit niya, sa sobrang lapit ay tumatama ang paghinga sa pisnge ko.

Iginalaw ko ang kamay papunta sa kanyang pisnge.. "Kung nakararamdam ka ng pagod, maaari kang magpahinga.." Ngumiti ako, iminulat ang mata at binigyan siya ng halik sa noo. "Handa akong maging pahinga mo, Axy.."

"Hmm.. Of course, love.. Ikaw lang ang pahingang kailan ko.." Iyon na ang pag gapang ng kamay niya sa aking baywang, at bago ko pa malaman, iyon na ang labi niya masuyong hinahalikan ang labi ko.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Onde histórias criam vida. Descubra agora