Chapter 5

1.1K 42 1
                                    

Chapter 5 : Sick

Isang linggo na muli ang naka lipas mag mula nung Street Ball Program. Sa mga araw na 'yon ay wala akong inatupag kundi ang pumasok ng convenience store.

Si Cyron naman ay mas naging abala pa sa pag-aaral. Hindi na ito nakaka side line kung minsan dahil sa daming pinagagawa sa kanila. Kung ako lang din, mas pipiliin kong huwag na muna siyang mag trabaho at mag focus nalang sa pag-aaral but knowing him, mas matigas pa ang ulo niya sa bato.

Lunes ngayon at heto ako papunta na sa convenience store, as usual.

Ang magiliw na boses ni Rez ang unang sumalubong sa'kin. "Good morning, Seirin. Ang aga mo talagang pumasok, walang mintis."

"Magandang umaga naman sa'yo, Rez." Ngumiti ako ng bahagya, narinig ko naman ang pagsinghap nito. "Ano.. ayos ka lang ba?" Nangunot ang noo ko ng mapa singhap na naman siya.

Ano ang problema niya?

"Hindi pa'rin talaga ako sanay," bumuntong hininga siya. "Ang lambing-lambing ng boses mo, Seirin. At masaya akong kinakausap mo na'ko. Hindi kana paasa." Natawa nalang ako, panay siya kalokohan.

"O, siya. Mag handa na tayo, maya-maya mayroon na ring mamimili."

"Yes, ma'am!"

Umagang umaga, ang hyper na naman niya. Palagi naman, simula nung kausapin ko siya ay tila dumoble ang kanyang kakulitan. Hindi ko mawari ang babaeng ito.

Napapa ngiti nalang ako habang binabati niya ang mga customer, walang kasing sigla ang tinig niya, naaalala ko tuloy si Cyron.

"Good morning, Sir!" Muli niyang pagbati sa isang customer. Iniscan niya ang binili nito't inabot sa akin. Agad kong inilagay ang mga ito sa paper bag.

"Good morning," natigilan ako sa pamilyar na tinig na 'yon. Sigurado akong siya 'yung lalaking nakausap ko noong Street Ball Program

"Good morning to you too, little missy."

"Magandang umaga." Magalang kong bati. Tinapos ko ang trabaho nang maiabot sakin lahat ni Rez.

"Do you remember my voice, little missy?" Tanong nito. I lifted my head and nodded afterwards. Napa kislot nalang ako ng dumantay ang kamay niya sa aking kamay. "Nice. Don't forget me alright? See you!" Umalis siya matapos nun.

Naiwang naka awang ang labi ko. Sino kaya ang lalaking 'yon? Kung maki pag usap ay tila magkaibigan kami gayung hindi naman.

"Sino 'yon, Seirin?" tanong ni Rez, bumalik ang aking atensyon sa kanya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko kilala. Lumapit siya sa akin noong nagaganap ang Street Ball Program."

"Ah, ang pogi naman. Mukhang type ka," sabi ni Rez. Napanganga ako sa mga sinabi niya.

"Type?"

"Oo, ang lawak ng ngiti niya. Hindi man lang niya ako binalingan, sa'yo lang siya nakatingin simula noong lumapit siya sa counter." Lalo akong nagulat.

Napa iling ang ulo't kamay ko. Hindi man ako ganung maalam sa maraming bagay ngunit hindi na bago sakin ang term na type, lalo na kung babae at lalaki ang usapan.

"Nagkakamali ka lang siguro." Tanggi ko.

"Huwag ka ngang mataranta diyan. Iyon lang naman ang nakikita ko." Natatawang ani niya. Napa buntong hininga ako.

Inaamin ko inosente pa ang utak ko pag dating sa usapang ito, ni wala akong idea kung ano ang term na love pagdating sa relationship between two person. Ang pagmamahal lang na alam ko ay ang pagmamahal na binibigay ng isang pamilya.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin