Chapter 4

1K 44 3
                                    

Chapter 4 : Street Ball

Dumaan ang isang buong linggo at ito na ang araw na hinihintay ni Cyron.

Talagang hindi natigil ang bunganga niya sa kakasabi kung gaano siyang nasasabik masasaksihan ang mga laban sa araw na ito. Aniya, ngayong palang siya makakapanood ng malapitang laban.

Panay television lang kasi ito nanonood at walang panahong lumabas upang pumunta ng court dahil nga inuuna niya ang magtrabaho.

Hindi ba't ang sipag niya? Imbis na unahin ang kanyang kagustuhan, itinutuon niya nalamang ito sa pagtatrabaho.

Wala akong hilig sa kahit ano, pero dahil sa kakaibang kagustuhan ni Cyron, ay nadadamay ako.

Ngayon nga'y narito kami sa plaza upang manood ng Street Ball. Nahila na niya ako bago pa ako maka-tanggi, ang dahilan niya maiinip lang daw ako sa bahay lalo na't wala namang trabaho dahil Linggo.

"Wow, nakakamangha ang preparasyon nila, Rin!" Iyon na ang magiliw na tinig ni Cyron. Hawak niya ang kamay ko na tila isa akong batang mawawala oras na malingat siya.

Palihim akong napa nguso. "Cyron, maari mo na akong bitawan. Hindi naman ako bata upang iyong bantayan."

Ang isa pa, kaya nga kami narito ay upang ma-enjoy niya ang programa, hindi niya magagawa iyon kung pati ako iintindihin niya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Alam ko, Seirin. Hindi naman ako nag-aalalang mawawala ka dahil alam kong mahahanap at mahahanap kita. Mas nag-aalala ako sa mga taong naka paligid sa'tin." Nalito ako at hindi agad iyon naintindihan, hanggang sa ituloy niya ang sinasabi na nag uwi sa akin upang mapa nganga. "Hindi na kasi naalis ang tingin nila sayo." Ano? Bakit naman nila ako titignan?

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita bibitawan." Hindi ko namalayang napa higpit na pala ang kapit ko sa kamay niya.

Natatakot lang kasi akong baka maulit iyong nangyari nung isang gabing muntik na akong mapa hamak. Ang isa pa'y hindi ako sanay sa maraming tao. Hindi iyon alam ni Cyron, kaya naman basta hila na lamang siya.

"Hindi ko sila masisisi kung hindi na nila maalis ang paningi sayo." Wika niyang muli, matangkad na lalaki si Cyron, tingin ko nga'y pantay lang kami.

"Ha?" Naguluhan na naman ako.

"You're like a walking goddess, Seirin. Anyone will turn to your direction just to fantasize your perfection. Sinasabi ko ito upang maintindihan mo ang nagiging epekto ng mga tao sa paligid sa tuwing malalapat ang tingin sa'yo."

My face heat up, mabilis kong naintindihan ang sinasabi ni Cyron, tuloy ay hiyang hiya na ang nararamdaman ko.

Kahit na kailan ay napaka blunt niya, sinasabi niya ang ano mang tumatakbo sa isip niya.

I sighed. "Cyron, h-hindi naman ako.." Hindi  ko na naituloy matapos marinig ang hagikgik niya.

"Totoo lang naman iyon, Rin. Tyaka huwag ka ngang mahiya. Palagi mong itaas ang iyong ulo dahil mayroon ka namang maipag mamalaki dito."

"H-hindi naman ako nahihiya!" Sinong niloko ko?

Humalakhak siya, giliw na giliw sa aking reaksyon. "Sa puti mo'y halatang halata ang pamumula mo. Alam kong nahihiya ka, Rin." Sino ba ang hindi mahihiya sa mga sinasabi niya? Wala talagang preno minsan ang kanyang bibig.

Nang makarating sa outside court ay sari saring hiyawan ang pumuno sa buong lugar. Hindi ko maiwasang mapa ngiwi sa ingay.

Maya maya'y nagulat nalang ako ng hilahin ako ni Cyron, halos makaladlad na ako pero sinubukan ko paring maki sabay. Ang batang ito nakisiksik sa maraming tao para lang maka punta kami sa unahan.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now