Chapter 3

1.1K 41 4
                                    

Chapter 3 : Giving Up

"Seirin!" Napasinghap ako matapos akong salubungin ng mahigpit na yakap ni Cyron. Ilang sigundo ang tinagal ng kanyang yakap bago ako bitawan. "Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Alam mo bang hindi na ko magkanda ugaga sa pag-aalala at kaiisip kung maayos ka lang ba?" Ganun na karami ang tanong niya, na inaasahan ko na din naman.

Sa ugali ni Cyron. Hindi lang siya basta uupo at panonoorin ang pagbabalik ko.

"Paumanhin." Usal ko, nakababa ang ulo.

Sobra ko siyang pinag-alala pero kahit ganun masaya akong naghihintay siya. Siya nalang ang pamilya ko, hindi ko na alam kung pati siya mapapagod na bantayan at alalahanin ako.

Bumuntong hininga siya. "Huwag mo ng alalahanin iyon. Masaya akong naka uwi ka ng ligtas." Napa ngiti ako, ang bait niya talaga.

Hindi niya lang ako binigyan ng tahanan at pinakain, itinuring niya din akong pamilya. Sobrang swerte ko dahil dumating siya sa buhay ko. Bata pa siya pero pakiramdam ko mas matanda pa siya kaysa sa akin.

Iba na kasi ang level ng pag-iisip ni Cyron. Wala na sa kanya ang magpaka saya sa labas, ang gusto niya lang maayos ang buhay namin. Lagi niyang inuuna ang kaligtasan namin. Wala na akong hihilingin pa sa tuwing naririyan siya.

"Kumain kana ba? Maghahanda ako." Pinaupo niya ako sa kawayang silya, pinigilan ko agad ang akma niyang pag-alis. "Ano yun? Sabihin mo lang, Rin." Tila nagmamadali ang tinig niya, inaya ko naman siyang maupo.

"Cyron, busog ako. Kumalma ka lang." Ani ko.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Hinintay ko ang pagkalma niya, masuyo akong napa ngiti ng maya maya lang ay ramdam ko na ang pagkalma niya.

"Rin. Natutuwa naman akong kinakausap mo na ako. Pero ano bang nangyari sayo? Bakit hindi ka naka uwi? Naghintay ako at nag-alala nang hindi ka umuwi." Usal niya.

Tumango ako. "Sasabihin ko ang nangyari." Naramdaman ko naman ang pag galaw niya, tila humarap sakin. Nasasabik ba siyang malaman? Napa ngiti ako. Minsan umaatake ang pagiging bata niya.

Ikinuwento ko kay Cyron ang nangyari. Simula ng maka labas ako ng convenience store, ang naramdaman kong pagod, maging ang pagtatangka ng limang lalaki sa daan. Hanggang sa babaeng tumulong sa akin. Ikinwento ko din kung paano ko nakilala ang mga pinsan ni Axy. Hindi ko maiwasang mapa ngiti habang inilalahad ang mga iyon.

May isang bagay akong napagtanto habang sinasabi ko ang lahat kay Cyron. Ang saya palang magsalita ng malaya. Walang humuhusga at pumipigil sayo.

'Sobrang saya'.

Matapos ng araw na'yon balik na ulit sa normal ang buhay namin. Mas lalo kaming nagkasundo ni Cyron sa mga nagdaang araw. Nasasanay nadin akong magsalita ng magsalita.

May rason ako kung bakit ko tinikom ang bibig sa mahabang panahon, pero ngayon ay nagsisi na akong ginawa ko yun. Pinatunayan ko lang na tama ang mga panghuhusga nila dahil sa ginawa ko at lubos ko yung pinagsisisihan.

Ngunit wala na akong magagawa nangyari na ang nangyari. Ang mahalaga natuto ako sa kamaliang iyon.

Sa mga sumunod na linggo ay naging masaya ang takbo ng mga araw, wala kaming naging problema.

Ngunit iyon lang pala ang akala ko dahil nung kinahapunan ay naramdaman ko ang pananamlay ni Cyron. Tila wala siya sa sarili. Nag-aalala ako dahil ng sumunod na araw pa'y tila ang laki na ng kanyang problema.

"Cyron. May problema ba?" Nung sumunod na umaga'y nag desisyon akong konsultahin siya.

"Rin. Huwag mo akong alalahanin. Gagawan ko 'to ng paraan." Umalis siya matapos nun. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ng sabihin niya iyon.

Loving Miss Innocent : The Tendilla's Story #1Where stories live. Discover now