PROLOGUE

7 0 0
                                    


"Engineer!!!" Tumingin ako sa babaeng tumatawag sakin.

"God!!! I thought I'd lost you.." Hingal na sabi niya.

"Anong pinagsasabi mo jan?" Seryosong sabi ko.

"Galing ko nang mag english noh?" Tumawa pa ito ng kaunti bago ayusin ang sarili niya.

"Okay.."

"Grabi ka saken, nag-aaral ako ng english tas 'okay' lang sasabihin mo?" Reklamo niya saken.

"Pano ba dapat? Congrats!!! You've reach new level of speaking English at dahil jan libre kita..ganun?"


"Dapat ganun!!! Libre mo ha.. sabi mo yan."


"Example lang yun, wala akong sinabing totoo yun."

Tumango nalang siya bago umupo.
"I have reservation for the evening event mamaya!" Masiglang sabi ni Ellie.

"Di ako makakapunta."


"Hala siya! Nililibre na nga kita ayaw mo paren?"


"Ayaw ko...kase di ko gusto. Wala kang magagawa."

"Anong walang magagawa. Of course meron, sige na samahan mo nako. Minsan lang naman ako nanglilibre eh. Masamang tanggihan ang biyaya."

"Ano ba'ng papanoorin mo dun eh puro lalaki lang naman na rumarampa ang nandoroon." Sungit kong sabi.

"Minsan lang ako makanood, ikaw..kaya sige na samahan mo na ako. Di nako mamimilit next time." Ngumiti siya saken bago kunin ang bag niya.

I just sigh and nod. "There's no next time Ellie, tandaan mo yan."


"Woah...ang ganda tignan ng venue nila."
Sabi ni Ellie.


"Syempre, model show to eh, ano ba'ng iniisip mo?" Natatamad ko na pagsabi.


"Wala lang.." Umupo siya malapit sa stage.

"Huy... Anong ginagawa mo jan? Pang VIP lang yang mga upuan na yan."

"VIP naman tayo ah..." Pinakita niya yung VIP ticket saken at ngumisi.

Great...daming connections ng taong to.

Umupo ako sa tabi niya at maya maya nag umpisa na ang show.

Nag-umpisang rumampa ang mga lalaking naka suot ng sexy outfit.

Ano ba talaga yung pinunta ni Ellie dito. Sigurado ako di lang yung show kundi pati na din yung mga model.

Tumingin ako kay Ellie at yun na nga she's focusing sa lahat ng detalye ng mga lalaki.

Naiilang ako sa mga nakikita ko kaya ayaw kong pumupunta sa mga ganitong show eh.

Rayze? Napa estatwa ako ng makita ko siyang naglalakad sa stage.

Agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya nang magkatinginan kaming dalawa.

Ahh!! Ellie naman eh...

"Gosh...that was tense.." Sabi ni Ellie nang matapos ang event. Agad kaming lumabas ng venue at kumain sa malapit na restaurant.

I feel blank...gosh.

"Hoy..fhetti..ba't di ka kumikibo jan, sobrang tahimik mo naman."

Tumango nalang ako at ngumiti sa kaniya.

"Alam mo te..ang hot nila shet!!! I feel like my body is burning kapag nakakakita ako ng mga hotties." Sabi niya habang kunwaring pinapaypayan yung sarili niya gamit ang mga kamay nito.

"I don't feel anything...it's awkward." Bulong ko.

"You just feel it awkward kase di ka pa nasasanay. Samahan moko sa susunod, sa abroad ata sila may event next month."

"Sobrang updated mo naman jan."

"Ako pa!" Sabi nito habang kumakain.

My eyes got attracted nanaman sa pamilyar na mukha. It was Rayze again!!!
Papuntang..wait!! Lamesa namin?

"You left this..." He handed my wallet.

Oh what the hell!!!! Di ko...manlang napansin na wala na pala yung wallet ko.

"T..thank you." Sabi ko ng mahinahon kahit na grabi na yung tibok ng puso ko.


"Makakalimutin ka pa din talaga.. "
Ngumiti siya saken bago ako tabihan sa upuan.


"Ahem!!!" Pang di-distract ni Ellie.
"Magkakilala kayo?" Takang tanong niya.

"Hindi..." Agad na pagsabi ko bago tumayo.
"Uuwi nako Ellie salamat sa libre." Ngumiti ako kay Ellie bago kumaway palabas ng restaurant.

Ahh.. pressure shu!!!
Kinakabahan nanaman ako madlang people!!!

"Running away from me again?"

Pagkarinig ko ng mga salita agad akong lumingon. He's just 2 meters away from me, standing and looking at me with his eyes of affection while smiling.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sana po inyo din itong suportahan maraming salamat
















Sea Breeze Where stories live. Discover now