Chapter 26

329 36 5
                                    

SHE bit her inner lip as she tries to hide her nervousness. The way her brother and father displayed their overprotectiveness, hindi nya na alam kung papaano sasabihin sa mga to ang tungkol kay Alpha Arkin. Tila yata naging kampante sya na nawala sa isip nya ang tungkol dito.

Kinakabahan syang ngumiti "Haha.... sino naman ang mamarkahan ko? Stress na nga ako sa work at school. Wala akong time para sa mga boys"



"As you should " seryosong wika ng tatay nya.


Muli syang napalunok. Feeling nya tototohanin ng tatay nya ang sinabi nito kanina. Syempre ayaw nyang may mangyari sa boyfriend nya.



After giving her multiple medicines, umuwi na rin sila. Kung anu ano pa ang ibinibilin ng tatay nya dahil nag aalala ito kahit na sinabi ng doktor na wala syang problema.


Nang pumasok sya sa school, ang daming nagkakagulo na club. Dahil sa pagkaalis ng Royal club, bawat myembro ng club na yon ay pilit na pumapasok sa mga clubs. Aside from the members that has two or three clubs in the past, yung iba nahihirapan na makapasok sa mga club dahil walang may gustong tumanggap sa kanila.


Kaya naman nang magpunta sya sa club room nagtaka sya nang makitang may mga nag aabang sa labas non at nakasara ang pinto mula sa loob.



"Ah! Miss Leonia!" Agad na ngumiti ang Isang babae at lumapit sa kanya "Papasok ka ba sa club nyo? "


Hindi agad sya umimik, bumaba ang mga mata nya sa application form na hawak ng mga to. Ngingisi na sana sya ngunit mabilis nyang itinago iyon. Ofcourse, malaking bagay ang pagkakaroom ng club sa mga students lalo na at paparating na ang school festival. It is a requirement for them to participate or else magkakaroon sila ng incomplete grade by the end of the semester. Knowing the instructor of their school, alam nyang kung anu ano ang ipapagawa ng mga to for completion.


"Mukhang may closed door meeting ang club nyo. So, gusto lang sana naming ipaabot ang mga application form namin. Uhm....can you do us a favor? Baka naman pwedeng ibigay mo ang mga form namin kay Zayd" wika ng babae habang pekeng nakangiti sa kanya.




'tsss..... after trying to take our club from us?'

Hindi nya alam kung may kokote ba ang mga to or sadyang wala silang common sense. Or maybe gawa sa semento ang mga balat nila.



"Ahh ....so gusto nyo maging member sa club namin?" Painosenteng tanong nya.


Mabilis na tumango ang mga to.


"To be precise, gusto naming maging under mo. It was wrong for us to follow your sister. We think mas deserve mo ang mapagsilbihan kaysa sa kanya. You're the better Arno." wika ng isa.


"Right, she actually tricked us. Sinabi nya na close sila ni Alpha Aslan at sya ang favorite daughter" dagdag ng isa.


"Please Leonia..." Lumapit yung isang lalake sa kanya at nang aakit na hinawakan ang kanyang braso "Promise hindi ka magsisisi na tinanggap mo kami. We're willing to do anything, just please take us under your wings. Please pretty girl?"

Napatingin sya sa iba sa likod. There's about ten of them. No wonder isinara ang pinto. Maaaring nakukulitan na ang mga kasamahan nya.


Pumunta sa tabi nya ang isa at ikinawit ang braso sa braso nya na parang close sila "C'mon Leonia, take us in. We'll give you the power that your sister used to have. No one can go against you."



Habang sinusuyo sya ng mga to, nakita nya sa dulo ng hallway na nakatayo ang ate nya kasama sila Shanelle at Antonia.


Malalaki ang mga mata nito at tila hindi makapaniwala na ang mga taong dating kakampi nito ay ngayo'y dumidikit na sa kanya.


Omega's PlaytimeWhere stories live. Discover now