Prologue

1.2K 44 13
                                    

"BWISIT!!!" Malakas na sinipa ni Esmeray ang nakakalat na lata sa daan. Gabing gabi na at wala ng tao sa paligid. Kakatapos lang ng kanyang over time sa trabaho at hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanyang araw ngayon.




"Lintik na matandang yon bwisit sya!" Gigil na gigil sya habang naglalakad pauwi. "P*nyeta! Ang tino tino ko magtrabaho, hindi ko tinatanggihan mga over time pero leche! Di ako binayaran ng tama! Gag* talaga yon eh!"




Hindi mawala ang inis nya habang naaalala kung paano sya tratuhin ng boss nya matapos syang magtrabaho sa resto nito at mag over time madalas. Akala nya ay babayaran sya nito ng tama kaya ginusto nyang mag over time. Ngunit nang dumating ang sahuran, hindi pala sya nito sasahudan sa mga OT nya.





Marami syang trabaho, at wala syang intensyon na maging tamad. Wala sya sa sitwasyon na pwede syang magpahinga at humilata nalang maghapon. Wala na syang mga magulang na maaasahan at umuupa lang sya ng tinitirahan. Masyado pang malaki ang pangarap nya at sisiguraduhin nyang maaabot nya iyon.




Tumigil na rin sya ng pag aaral sa college. It's a luxury for her to even finish one semester. Sa halip na mag aral, gagamitin nalang nya ang pera sa investment. May plano na sya. Kaya sinasagad nya ang sarili sa pagtratrabaho para makaipon agad sya ng maraming pera. Four to five hours of rest is enough for her. Pero kung may trabaho na iaalok sa kanya na may malaking bayad wala na syang pake alam kung hindi na sya matulog.




Money is everything to her. Dahil sa mahal ng bayarin, kahit marami syang trabaho mahirap parin ang makapag ipon. Pero hindi yon hadlang sa kanya para abutin ang pangarap nya.



Pero hindi talaga sya masaya sa nangyari sa restaurant kanina. That bastard even had the audacity to fire her?! Sige! Tignan lang nya kung makahanap din ito ng katulad nya na masipag magtrabaho.



Di bale, marami namang nagpupunta sa resto na yon dahil sa kanya. Because she's a good waiter who gets along with everyone. Esmeray is like a robot sometimes. Para lang makapag ipon ng pera nagpapakaplastik sya kung kailangan. Kaya naman alam nyang hindi na magpupunta ang ibang nga customer doon pag nalaman nilang wala na sya.



Pero yung mga OT nya! Sayang yung mga pagod at oras nya!






"Bwisit!" Sigaw nya. Nanggigigil talaga sya sa inis.



Alam nya kung magkano sana ang katumbas ng over time pay nya. Malaki din yon! Sayang pang grocery.



Sinusubukan nyang bale walain pero bilang isang tao na mapagmahal sa pera hindi nya magawang kalimutan yon. Kaya naman hinugot nya ang cellphone sa bag at nag online.



Kung hindi nila sya kayang bayaran ng tama, sisiraan nya ang mga to sa social media.



She opened her Facebook and started to rant. Inilagay nya doon ang unfair treatment ng boss nya at ang mababang pasahod nito. She shared her experience working in that sh*thole and attached a small video as a proof. Mabuti nalang at nakakuha pa sya ng maliit na video kung saan nakuhanan nya ang boss nya na minumura sya.



After posting it, she finally smiled with satisfaction. Tignan lang nya kung hindi pa ito magsisi sa ginawa nito sa kanya.





Noong akala nya ok na sya, muli syang sumimangot nang maalala nya ang dapat ay sinahod nya ngayon.



Ang laki ng lugi nya.




"P*nyetang matandang yon!" Ilang beses nyang minura ito ng minura.



Sa sobrang inis hindi na nya namalayan ang mabilis na paparating na sasakyan nang tumawid sya sa daan. Nanlaki nalang ang mga mata nya nang makita ang ilaw nito na malapit sa kanya. Kasunod non ay ang pagtama ng katawan nya dito at pagbagsak nya.




Everything happened so fast. Naramdaman nalang nya ang sakit sa katawan. Ngunit hindi yon ang inalala nya.





"Sht! Hindi to pwede! Don't tell me I overworked myself just to die like this? No!"


Napakaraming dumaan sa kanyang isipan at nagsisi sya sa maraming bagay. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin kahit ayaw nyang mawalan ng malay.

At bago sya tuluyang mawalan ng bagay, may naalala nanaman sya.



"Sht! Yung 50k ko sa bangko! Hindi ko pa naeenjoy yon! Yung pera ko! Hindi...."




Pero kahit anong gawin nya, bumigay parin ang kanyang katawan. Her vision slowly became blurry. Until she finally passed out...














Omega's PlaytimeWhere stories live. Discover now