Chapter 1

591 37 19
                                    

PARANG isang segundo lang ang lumipas nang masagasahan sya. Nang maimulat nya ang mga mata, nagulat sya nang mahanap ang sarili sa hindi pamilyar na lugar. She's inside a beautiful warm cabin in the middle of a peaceful forest. Nang sumilip sya sa bintana, napasinghap sya sa ganda ng paligid.  Is she still on  earth? Or is  this a different realm?




Mabilis syang napalingon nang marinig ang papalapit na yabag. Isang babae ang pumasok at naupo sa harap nya. May takip ang ibabang parte ng mukha nito, at kakaiba ang pananamit nito. Ganon pa man, hindi sapat ang telang yon upang takpan ang angking kagandahan nito. Her eyes are the most mesmerizing eyes she had ever seen. Kahit siguro mga sikat na artisa na nakita nya noon sa mga magazine ay hindi kayang tapatan ang ganda nito. Her dress is so pretty, may mga perlas at iba pang mga dyamante na nakasabit doon.


"Nasaan ako?" Tanong nya "Sino ka?"

"Hindi ko maaaring sabihin sayo ang pangalan ko. Ngunit ang mga tao ko ay tinatawag akong Luna. At narito ka sa tahanan ko."  Wika nito.



'Tahanan ko...' kumunot ang noo nya '
Patay na ba ako?'


Nagulat sya nang mahina itong tumawa "Hindi ka pa patay..."



Nanlaki ang mga mata nya "Nababasa mo isip ko?!"


"Hindi nababasa, naririnig kita " Pagtatama nito sa kanya "Hindi ka pa patay. You're just in between two realms. "


Nagsalubong ang mga kilay nya at naguguluhan sa narinig "A-Anong two realms? Uhm.....parang nasa pinto ako ng kamatayan ganon?"


Umiling ito "Hindi. Kinailangan lang kitang alisin sa mundo kung nasaan ka para ibalik sa mundo kung saan ka dapat."



Sa halip na maintindihan ito, lalo syang naguluhan. At hindi nya iyon naitago sa kausap.



"Nang maipanganak ka, may nangyari sa aming mundo. Before you came out of your mother's womb, something big happened. At nagdulot iyon ng malaking pagkakamali. Iyon ay ang pagkakapalit ng kaluluwa nyo. Esmeray-hindi, hindi Ikaw si Esmeray. Ikaw si Leonia. Ibabalik kita sa mundo kung saan ka nararapat, ganon din si Esmeray."


So far, she's starting to understand everything. Pero marami pa syang tanong.


"Kung nagkapalit kami ng kaluluwa ng taong yon, bakit ngayon lang?"


"Dahil kailangan kayong mamatay ng sabay. You were born at the same time so your death must be the same. It's the perfect time to pull out your souls and correct the mistake" sagot nito "Simula ng mga bata kayo puro pasakit ang mga pinagdadaanan nyo. Na para bang may nakabuntot sa inyong malas. Yon ay dahil nasa mali kayong mga katawan. Magiging maayos lang ang lahat kung maibabalik sa ayos ang lahat. Ngayon, Leonia, ang dahilan kung bakit gusto kitang kausapin ay dahil gusto kong ipaalam sayo na mas marahas ang mundong pupuntahan mo"



Medyo natigilan sya sa nalaman. Her life has been hard, kung mas marahas ang mundong pupuntahan nya ibig sabihin mas mahirap ang magiging buhay nya. Can she handle it?



Tumaas ang isang sulok ng labi nya. Syempre kaya nya! Kakayanin nya! Sa dami ng pinag daanan nya sa buhay, ngayon pa ba sya magpapatalo?


Besides, when she died that night she realized many things. She had too many regrets. Going to a different world is much better than dying.

"Marami kang makakaenkwentro na hindi po na nararanasan o nakikita sa mundong kinalakihan mo. At ang magiging gabay mo ay ang mga ala ala ni Esmeray. Hindi ko muna kukunin ang mga ala ala nyo tungkol dito upang magkaroon kayo ng gabay. Ngunit kalaunan, pag naging maayos na ang mga buhay nyo unti unti na ring mawawala ang mga ala ala nyo tungkol sa mundo kung saan kayo nanggaling."



Omega's PlaytimeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα