Chapter 10

2 1 0
                                    


Time flies when you're having fun sabi nga nila which is totoo dahil andito na ulit ako sa school dahil pasukan na ulit. Nabago na rin ang schedule ko, may mga subjects na hindi kami kasama nina Annie at Kath.

Pumunta muna ako sa cafet para bibili ng kape dahil medyo inaantok pa ako at hanggang 4pm ang klase naming ngayon. I was waiting on the lane when I saw Sebastian with a Chucky on his hand, nakangiti itong lumabas ng cafet. Ano kayang nangyari, good mood kasi ngayon. Hindi niya ata suot ang pagiging masungit ngayon.

Agad akong napabalin sa tindera "pipty pesos ineng." I said thank you to ate at umalis na. I was about to leave the cafeteria when I found myself buying Chucky. The thought of giving him this excites me, I can't help but noticed na laging Chucky binibili niya sa canteen kung hindi naman ay tubig.

I was called by our last Chemistry Prof para ihatid ang reading materials sa Engineering building, doon sa classroom nila Sebastian. Hawak ang dalawang Chucky at reading materials nila, tumungo na ako doon. I saw his classmates are usually loud dahil walang Prof ngayon.

"Si Sebastian?" I asked one of his female classmate na papasok pa lang ng room, I saw a ghostly smile on her face. "Fierrero! May naghahanap sayo, babae buntis!" anunsyo nito kaya nagulat ako at tinubuan ng hiya. Gagong babae yun ah!

Ang lakas ng trip ng mga kaklase niya, nagtawanan at lingunan tuloy sa pintuan kong saan ako. "Dalian mo, Theo. Si crush mo pala!" Biro pa ng isang kaklase niya sabay nagbigay ng makahulugang ngiti. Aware ba sila na medyo awkward ang pinagsasabi nila? Sana pala di ako nag pakita kay Ma'am Ortiz.

Mabilis pa sa alas kwatro, nasa harap ko na si Sebastian na nahihiyang ngumiti. "HI." Bati niya "Pasesnya pala sa mga kaklase ko." Saad niya. Nilingon naman naming ang mga ito na nag aabang sa amin at biglang nag sigawan ng 'ayiee'.

"Hi, okay lang. Pinapaabot pala ni Ma'am Ortiz yung mga reading materials, tsaka ito." Sabi ko at inabaot ang reading materials pati ang hawak kong dalawang Chucky. Nagulat siyang napatingin sa Chucky na hawak ko, nagdadalawang isip pa nga na tanggapin ang mga 'yon.

"Sa akin?" He innocently asked at tinuro pa ang sarili niya kaya tumango ako. "S-si Ma'am Ortiz din nagpabigay nito para... sakin?" he asked confusedly and swear ang cute niya gusto ko tuloy kurutin.

"UH-" hindi ako nakasagot sa tanong niya sakin nang biglang sumulpot si Matt at sinabing "Hindi gago, kilabutan ka nga! Si Eleanor bumili niyan para sa 'yo" ngingiti ngiti niiya pang sabi tsaka nag excuse para pumasok sa classroom.

"Uy, si Pre binigyan ng crush niya ng Chucky!" Pag aanunsyo ulit ng kaklase nito kaya narinig ko pang sigaw nung isa "Sana all merong ka-chocolatey buddy!" Nakita ko paano naula ang mga tainga ni Sebastian sa mga naririnig niya galling sa mga kaklase niya.

"Thank you, Eleanor." Sabi nito at ngumiti. "Thank you rin" saad ko bago nagpaalam na kasi kapag nag stay pa ako doon ng ilan pang Segundo baka parehas kaming maging kulay strawberry sa hiya. Nakabalik na ako ng classroom naming nang makatanggap ako ng mensahe galling sakaniya

From: Sebastian

Thank you. I really appreciate it a lot.

I smiled at binulsa ko na ulit ang cellphone ko dahil pumasok na ang Prof ko sa next subject.

Palabas na sana ako ng gate nang huminto sa tapad ko ang Range Rover, he rolled down his window and revealed Sebastian. "Are you free for dinner?" he asked. "If you won't let me decide where to eat, then I'm free." He laughed at pumasok na ako sa loob.

"So, I've found this new place on Facebook, I think it's good because of its reviews. Please look at the menu." Sabi nito and inilahad ang phone sa 'kin. Magandang idea talaga na pinakita niya sa 'kin ang yung menu dahil halos isang oras din akong namili kung anong oorderin ko.

Always with youWhere stories live. Discover now