f i f t e e n

5 0 0
                                    

Isang araw ang lumipas ay binalitaan ako ni Felix na ang butler na pinaghinalaang naglagay ng drugs sa cocktail ay pinakawalan na dahil walang ebidensya na magpapasabi na siya ang naglagay ng drugs. 

Kasalukuyan akong nagbibihis dahil pupuntahan namin ang butler na iyon sa tinatrabahuan niya. 

Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong itim na tube fitted dress at three inch na puting sandals.

I think this is better, lalo pa at bar ang pupuntahan namin. 

Naaalala ko na naman ang insidenteng nangyari noon sa bar.

Lumabas na rin ako ng kwarto at naabutan si Felix na nagtitipa ng kaniyang phone. 

"Let's go?" 

Huminto na rin siya sa pagpindot at tumayo na, "Let's go." Tumingin siya sa akin at napahinto, natigilan ako nang hindi siya gumalaw. 

"What?" 

"N-Nothing." he then looked away. 

"Okay" 

Lately he's been acting strange, simula no'ng gabi na sinabi niya na may gusto siya sa akin bilang isang kaibigan. 

"I like you." 

"Huh..?" 

"I mean.. I like you as a friend." 

Napaka-random niya talaga minsan.

"5 p.m to 3 a.m ang duty ni Wilbert sa bar at kaunti pa lamang ang mga customer kung maaga tayo ro'n," ani Felix habang nasa loob kami ng elevator pababa ng condo. 

"Do you think he will talk to you?" I ask. 

"He must." 

"Paano? Hindi ka niya kilala, kahit ako hindi ako sasagot ng tanong na masyadong confidential sa isang estranghero." 

"But if that person show his police badge, will you still ignore him?" 

I tilted my head on him, "Ofcourse not—what the.. saan 'yan galing?" 

Nakangiting may hawak na police badge si Felix. "Hiniram ko sa kaibigan kong pulis." 

Bagsak panga ang nagawa ko, "What on earth has gotten into you, Felix? Paano kung may makaalam?"

Nilagay ni Felix ang badge sa bulsa niya, "Kung mangyari man 'yan, dalawang tao lang ang alam kong posibleng nagsabi." 

"Sino?" I asked, unclue.

"My police friend and you." 

Napaturo ako sa sarili ko, "T-Teka.." 

"So, to avoid a problem, let's keep it hidden." 

The elevator door slide open and so Felix marched out, leaving me with a feeling of worriedness and a little bit of excitement. 

Hininto ni Felix ang motor sa parking area ng bar. Bumaba na ako at ganoon din siya. 

"Are you really sure you can do it?" I asked. 

Kinuha ni Felix ang helmet mula sa kamay ko, "You don't trust me?" 

"I-I do, but.."

"If you do, then don't be worried." pinatong niya ang kaniyang  kamay sa ulo ko pero wala akong naramdaman na bigat. "We can do this." 

Tumango ako at maya-maya lang ay nauna na siyang pumasok.

****

Tahimik at wala pang katao-tao ang bar nang pumasok si Felix habang naiwan naman sa labas si Azalea.

That Playgirl's Karma [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon