⌛7th Hunt: Four Over Five

Start from the beginning
                                    

"Is your back okay now? Baka nagcrack spinal column mo tapos masira ulo mo. Hala kaaaa." Nakangisi niyang sabi.

Waaaahhh?! Is he telling me the truth? Masisira ba talaga ulo ko?!

Mommyyyy!

"Ayoko! Ayaw!" Umiling-iling ako at ngumuso.

He laughed softly.

"Bakit ka tumatawa? Hindi ba totoo yung sinabi mo??" I'm confused!

"Nagbibiro lang ako." Tumatawa-tawa niyang sagot.

"You're so mean!" Nag-akma akong sapakin siya pero hindi ko na tinuloy. Mamaya mapa-Guidance Office pa kami eh.

"I'm not." Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Tumahimik na lang ako. He's nice naman eh, he's joking pa nga. Kaso kinabahan lang kasi talaga ako sa sinabi niya! Hmp!

Maya-maya ay ibinaba na niya ako. Nasa harap kami ng isang pinto. Binuksan niya iyon para sa'kin.

"Thank—" Pero naudlot ang pasasalamat ko dahil bigla niya akong binuhat ulit! "Hey! What are you doing?!" Bulong ko sa kanya!

"Where's you seat?" Tanong niya matapos niyang pumasok sa classroom namin!

Waaaaahhh!

Napalingon sa'min ang lahat ng nasa loob ng room at lahat sila mukhang gulat.

Sinubsob ko yung mukha ko sa may bandang dibdib ng lalaki. Magtatago ako! Nakakahiya kaya!

"D-Dito siya n-nakaupo." Biglang sambit ng isa kong kaklase sa kanya.

"Salamat." He responded and he walked towards my seat.

Dahan-dahan niya'kong ibinaba at pinaupo sa upuan ko.

Sa tingin ko namumula talaga ako nang sobra! Ikaw ba naman yung titigan ng lahat! Tsk!

"S-Salamat..." Nakayuko kong sabi sa lalaki.

"You're welcome, Princess." He retorted and he went out of our classroom.

Napabuntong-hininga ako. Kahapon, natapilok ako at binuhat ako bigla ng isang matangkad na lalaking naka-mask. Tapos kahapon din, hinimatay ako at binuhat din daw ako ng lalaking nagngangalang Maxim papunta sa clinic...

Tapos ngayong araw naman... Nadulas naman ako at binuhat din ako ng isang lalaking mahilig manakot at magbiro.


Natulala ako habang nakatingin sa empty desk ko.


Something went in my mind...


"May limang lalaking magliligtas sa'yo mula sa limang delikadong sitwasyong haharapin mo. Sila ang mga lalaking maglalaban para maangkin ka. Kung sino man ang mananalo sa kanila, siya ang makakakuha ng puso mo."


"May limang...lalaking...magliligtas sa'kin mula sa limang delikadong sitwasyon..."


Delikadong sitwasyon..?

Pero natapilok lang naman ako ah? Tapos hinimatay lang naman ako...and I just slipped. Were those happenings DANGEROUS enough?


Kumunot ang noo ko...


Could it be that...those three guys who carried me like a bride, are three of the five guys whom that old woman was talking about?

Serlande University: Hunting AssassinsWhere stories live. Discover now