Chapter 23

21 1 1
                                    

What are we?-




"Just tell me, Luke! What are we?"


Instead of answering me, he insisted that I should go home. I look at him with so many disappointments. Akala ko sasagutin niya akala ko malalaman ko na pero hindi. He failed.


Hindi na ako nagpatalo, sapat na ba yung nakita ko? Wala na ba talaga? Hindi pa nga nagiging kami hindi pa nga nagsisimula pero wala na.

"Angkas na," I quietly sat to his motorcycle,  sa gilid lang ako ng motor kumapit Instead sakanya. Alam kong naramdaman niya ang paglayo ko kaya kinuha niya ang isa kong kamay at kinaipit iyon sa ab—bewang niya


"Kumapit ka sa akin, baka mahulog ka."


I already did!


Hindi na ako nagpatalo pa pero medyo malayo pa rin ako sakanya. At pagdating sa subdivision ay agad na akong bumaba. "Oh, thanks." Sabi ko sabay bigay sakanya ng helmet at hindi na siya tinignan tsaka umalis.


I hate him right now! At sana naman mahalata niya 'yon, he ghosted me for weeks! And nung nandoon na ako to explain parang wala naman na siyang pake! Tinatanong ko lang naman kung ano meron sa amin? Bakit hindi niya masagot?! Nang t-trip lang na siya?


There's a lot of going on my mind right now, and nginitian ko na lang si ate maria. But i know she could feel my mood. At pagbukas ko pa lang ng kwarto ko, my jaw dropped. 


"Ciara!" We both hugged each other, i guess kakauwi niya lang dito sa manila.


"I am back! And btw, natulog muna ako sa kwarto mo ang tagal mo rin wala ah. Saan ka pumunta?" Chika niya sa akin, mukha ngang kakauwi niya lang at may jetlag pa siya.


"Diyan lang." I answered generally, para hindi niya naman malaman.


"Diyan lang? Weh? Bakit sabi ni ate maria pumunta ka kay luke?" My eyes widened.


"Sinabi?!"


"Oo, bakit naman hindi, para namang may nangyayari sainyo grabe maka-react."


Natatawa niya pang sabi at hinihintay niyang sumagot ako ng "no" oh kaya naman ay humindi sakanya But I ended up crying.


"Hindi ko na kaya itago! May nangyayari nga sa amin! P-pero hindi ko alam kung ano nag d-date kami, umaalis, nag h-holding hands pa nga e! Pero hindi ko alam kung ano kami!"


She stared to me in shock, at kinuhaan muna ako ng tubig para kumalma. Pinaupo niya ako sa kama habang gulat na gulat pa rin.


"Why didn't you tell me sooner?! Omg! Kaya pala... Gosh, ashie! Ano nangyari?!"


"I don't know... pero wala na kami ni drew, kahit hindi naman naging kami. Nung graduation ball pa nga e, sinabi ko na sakanya and okay naman na sana kaso nga lang nakipakita siya ulit sa coffee shop pa kung saan nagt-trabaho si luke. He didn't take it very well kaya ayon pati kami ni luke ay nag-away."


"Kailan mo pa siya nagustuhan? How could you love a liar and con-artist?" I can sense na may judgment sa boses niya. Hindi ko naman siya masisisi ang alam niya kasi si drew ang gusto ko pero hindi ko rin alam kung ano nangyari


"Kinikilig ako kay drew, pero kay luke, iba e. when I am with him, i am at peace. His words, actions, and just his presence made me so happy. Matagal ko na siya siguro nagugustuhan maybe nung una ko pa siyang nakita. Pero pilit ko lang pinipigilan because of drew, my family, at pati sakanya.. but i can't help it anymore, i did like him so much that i sometimes think that I am falling in love with him."


My words shocked ciara, kahit siguro ako ay nagugulat sa mga pinagsasabi ko ngayon.


Kwinento ko na ang lahat lahat kay ciara kahit yung pag-aaway namin kanina ni luke, pakiramdam ko nga ako lang nag-iisip na nag-aaway kami e. Pero kahit isang oras na ang nakalipas ay gulat pa rin siya sa nangyayari. She never expected it.


At pagkatapos namin magkwentuhan ay umuwi muna siya sa bahay nila, and nagbihis na rin ako ng pambahay Tinignan ko rin ang phone ko kung inun-block niya na ako, but guess what? Ganon pa rin. Wala ba talaga siyang balak makipag-ayos?


Pagkababa ko ay naabutan ko na kumpleto ang pamilya ko sa baba. Kahit si ate amelia and ate angel ay nandito. Nakakagulat naman? Si ate angel ay naghahanda ng pagkain kasama ang fiancè at si ate amelia naman ay nakangiti habang nanonood ng tv kasama ang asawa niya Si ate athena as usual, ay nakaupo na agad.


Ano 'to reunion agad? "Hi mga ate, nandito pala kayong lahat." Sabi ko, at uumipo na lang.


Pero nang nahanda na ang pagkain ay nagdasal muna ang lahat.


"So, ano ba sasabihin mo, amelia?" Ang nanay ko na ang nagsimula. Kaya naman pala nandito sila ni ate angel kasi may sasabihin.


Kadalasan kasi kami ni mom ang pumupunta sakanila. May inilabas na box si ate amelia at pinakita iyon sa magulang namin. Pagkabukas na pagbukas ay napahawak si mommy sa bibig. Pati ang dad ay mukhang gulat na gulat.


"Buntis ka?!" Napahiyaw ang nanay ko at pati ako ay napatayo. Hawak hawak ni mommy ang pregnancy test at si daddy ay yinakap ang asawa ni ate.


Lahat kami ay genuine ang reaction, sumali na rin kami ng mga ate ko sa family hug dahil hindi namin inaasahan na may dadagdag na sa pamilya namin. Words can't express how happy we are. Mahigit isang taon na rin kasi nag-eexpect ang ate ko na mabuntis at ngayon ay natupad na.

"I am almost 4 months pregnant, and p'wede na malaman ang gender ng baby. Gusto ko sana next week ay magpa-gender reveal party tayo. Pero gusto ko po ay dito sa bahay. " My ate said.


"Sure! Kahit saang lugar pa 'yan ay pupunta kami. This should be extra special, dahil una naming apo 'yan." Dagdag ni mommy.


"And since, matagal na rin engaged si angel at christian. Why not isali rin sila sa party? Sa gabi ay engagement party naman. What do you guys think?"


Parang kuminang ang mata ni ate angel kasi hindi niya rin naman inaasahan na need pa pala ng party sa engagement nila. "Omg! Sure, sure! I would love that. Double special ang day na 'yon para sa ating dalawa."


Napangiti na lang ako sa mga kapatid ko, I hope that someday ay ganiyan din ako kasama ang future partner ko. Sa naisip kong future partner ay agad na sumagi sa isip ko si luke. Sus, partner agad? Eh wal pa nga kayo! Plus, hindi ka pa pinapansin.


Dagdag ng demon ko sa utak, hays, I hope na makasama siya sa party so I have some reasons to talk to him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Admiring from Afar (On-going)Where stories live. Discover now