Chapter 2

98 9 0
                                    

The thief-







"Grabe ang sama sama naman ng magnanakaw na'yon!" Gigil na sabi ni ciara.


Pati ako ay naiinis naloko kami! Kaya pala ang lapit lapit niya sa'kin. Kinuha na pala ang wallet ko! Nandoon pa naman ang mga id at allowance ko.


Luckily hindi nadamay si ciara dahil nasa harap niya ang kanyang mga gamit ako lang talaga ang nawalan. Sinubukan din namin balikan ang mga pinuntahan namin pero wala doon ang wallet ko! tinawagan korin ang calling card at as we expected di gumagana ang numero.


"Kukuha nalang ako ulit ng national id." Sabi ko, iyon lang naman ang id ko na nakalagay doon mga gift card nalang ang iba.


"Ang tagal tagal kaya dumating n'yan!" Napailing siya sa'kin.


"Ano pa magagawa ko? Atleast safe tayo." Sabi ko at humiga sa kama niya.


If ako puno ng enhypen merch ang kwarto ko ay naman ay taylor swift. May guitar rin siya na mga nakasabit. Her room was a bit bigger than mine.


Dito kasi ako matutulog sakanya pinayagan naman ako ng parents ko. Napagalitan pa'ko dahil nawala ang wallet ko buti nalang ay binigyan pa'ko ng allowance.


"Bukas ha parlor." Paalala ko,


"Ay oo nga pala!" Napahawak siya sa kanyang bibig. "Meron akong shoot bukas! Commercial shoot lang naman yon kaso hindi kita masasamahan. Sorry!"


I sighed, nagpa appointment pa naman ako sa sikat na parlor na'yon. "Sige ako nalang,"


"Ayaw mo isama si drew?" Nangangasar niyang tanong.


"It's a girl salon bawal siya ron." And isa pa hindi koparin siya inaaccept pero hindi korin dinedecline.


"Bahala ka, sayang yung chance." Napairap nalang ako sa sinabi niya.


***
I woke up feeling lazy.


Dalawa lang kami ni cassy ang nag-almusal dahil walang tao sa bahay nila ciara.


Maaga rin kasi siya umalis para sa shooting niya. Kami lang dalawa ni cassy maliban pa sa mga yaya's nila. Cassy is her nine years old sister.


"Gusto mo sumama sa salon?" I asked her,


Napahawak siya sa kanyang bibig ciara and her has the same reaction. They also looked a like para silang identical twins 'kung hindi lang dahil sa age gap nila. "Yes po! Super duper yes!"


"Sige tanong muna natin ang mommy mo ha?" Tinapos namin ang breakfast at nagpaalam din ako kay tita carla and luckily pumayag siya.


"Basta wag lang kulayan ang buhok niya I'm fine, thank you ashie baka kasi mabored si cassy diyan."


"Welcome po tita, kaya nga po dadalhin ko siya dahil wala rin akong kasama may lakad po pala si ciara." Hindi sa wala akong kaibigan marami naman kaso ciara talaga dapat ang kasama ko.


We both showered at paglabas ay hinatid kami ng driver nila sa isang girls salon. Sikat daw 'to at baka matanggal ang stress ko sa nangyari.


Napakagat ako sa labi habang nag-iisip kung magpapakulay ako ng blonde. I am mestiza and redhair or blonde will suit me.


"Hindi nalang po pala, i treatment n'yo nalang po yung buhok." Sabi ko at humiga.


Hawak hawak ko ang magazine habang inaayos ang buhok ko. Mga models ang nasa magazine and a lot of people told me to be a model at diko rin alam 'kung kakayanin koba.


Admiring from Afar (On-going)Where stories live. Discover now