Chapter 3

62 9 0
                                    

The nephew-






Napatulala ako sakanya saglit bago kinagat ang kanyang kamay. "Ahhh!"


Napahawak siya dito kaya kinuha kona ang chance na'yon para tumakbo sa garden 'kung saan nandon si mommy.


"Mom! Mom! May magnanakaw po sa kusina natin! Mom!"  nagpa-panic kong sigaw.


Agad na binitawan ni mommy ang halaman at lumapit sa'kin. "Kumalma kanga! Anong nangyayari?" Sigaw niya.


"M-may m-magnanakaw po! Tumawag na kayo ng pulis!" 



"Ha?!" Pati siya ay nagulantang sa sinabi ko. "Paano magkakaroon ng magnanakaw dito? 12 years na tayo sa village na'to at wala naman nangyaring ganon!"


Pero ako ay nakakapit lang sa gate at handa nang lumabas. "Diyan kalang! Pupunta ako sa kusina."


"Wag mom! Baka may mangyari sayo!"


Pagpigil ko pero huli na ang lahat nakapasok na siya! Napatitig ako sa pinto ano kaya ang kapalaran ni mommy?


Gusto ko 'man sumunod e diko magawa. Tatawag naba ako ng guard? Napakagat ako sa labi habang nakakapit sa gate namin at nakatitig ng mabuti sa pinasukan ni mom.



Nang wala ako narinig na ingay ay binitawan kona ang pagsasabon telepono kong ready sa 911.


"Okay lang ba siya?" Tanong ko sa isip.



Sigurado talaga ako na siya ang fake agency model na nakausap namin! At sigurado rin ako na ninakawan nya ako! Kaya naman ganto nalang ako takot ko nang makita siya sa mismong pamamahay ko.


Pagkalabas ni mom ay nakahinga ako ng maluwag nang makita siyang ligtas. Harmless ba ang scammer na'yon?


"Ano mom? Nahuli mo naba? Natakot?" I asked,



Pero, nakatitig lamang ng masama sa'kin si mommy habang ako ay puno naman ng pagtataka. May ginawa ba'kong masama?


Napatingin pa ako sa pintuan at napakapit sa nanay ko ng lumabas ang scammer/magnanakaw/masamang tao!



"Mom! Siya po! Siya yon!" Napatago ako sa likod ni mom.


"Ano bang pinagsasabi mo?! Nakakahiya ka! Siya ang pamangkin ni ate maria mo!"


Napakurap-kurap ako sa kahihiyan. Siya ba yon? Akala ko naman babae! Pero, bakit kamukha niya yung scammer/magnanakaw/fake agency/masamang tao?



"P-pero kamukha niya yung scammer na sinasabi ko sayo mom!" Napailing sa akin si mommy.


Disappointed sa inasta ko.


"Anak, hindi porke' kamukha ni luke ay siya na'yon! Nakakahiya ka kay luke! Umagang umaga! Na'ko sinasabi ko sayo nahahawa kana kay ciara." Sermon sa'kin ni mommy bago pumasok sa loob.


Napakamot ako sa ulo dahil sa kahihiyan at tinignan nang maigi ang sinasabi niyang si 'luke' kamukha niya talaga! Sariwa pa ang ala-ala ko sa mukha na'yon kaya akala ko talaga siya yon! Pati ang boses niya ay hawig!


"Pasensiya kana, akala ko kasi.."



"Ayos lang," Sabi niya nang hindi nakangiti.


Galit? Sabagay, nahospital pala nanay niya tapos umagang umaga kinagat kopa at napabintangan kopa siya.


"Pero, bakit mo pala ako hahalikan kanina?" Tanong ko nanaman dahilan para mamula ang mga tenga niya.


Admiring from Afar (On-going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin