Chapter 19: Sincerely...

1.4K 30 0
                                    

"At talagang nagpabuntis ka pa! Hindi ka na nakuntento sa pagsama-sama sa isang kriminal, nagpabuntis ka pa!"

Inaasahan ko na talaga ito at parang nasanay na lang ang tenga ko sa panenermon sa akin ng mommy. Basta ako, masaya ako na buntis na ako. I will have my own family soon.

"Tama na, malaki na ang anak natin, alam na niya ang ginagawa niya. Kung ano man ang magiging desisyon niya mula ngayon ay wala na dapat tayong pakialam," sabat ni daddy na ikinagulat ko. Hindi kasi siya lumalaban kahit pa insultuhin na nito ang buong pagkatao niya.

"Tapos kapag nagkagulo, ako na naman ang aayos? Sawang-sawa na ako--"

"Hindi na, mommy. Ayos na ako, hindi na kaguluhan itong pinili ko," I cut her words. "Please be happy for me, I want this baby. I will keep and love this child forever."

Tumabi sa akin si daddy. "I'll support you, Yvette. We will raise my grandchild. Hindi siya matutulad sa ama niya dahil ikaw ang ina niya. You will be a great mother."

A tear escaped my eye. "Thank you, daddy. That means a lot to me."

Tumingin ako kay mommy na nakatingin lang sa aming dalawa ni daddy. She finally sighed and nodded. Nilahad niya ang kamay niya at walang pagdadalawang-isip akong tumakbo sa kanya para mayakap siya.

"I love you, mommy. Thank you for everything!" sabi ko habang yakap-yakap siya.

"Ayoko lang na napapahamak pero kagaya nga ng sabi ng daddy mo, malaki ka na, you know what is right and not. You have to be responsible now because you are going to be a mother soon." She kissed my forehead.

This is what I wanted, my parents' support means a lot to me. Hindi ko na kailangang matakot dahil may kasama na ako sa labang ito.

"Bumibisita ka pa rin sa Leather Lounge?" tanong ko kay Maxine nang mabanggit niya ang RedCollar Organization habang pumapasyal kami.

"Oo naman, pero hindi na para maglaro. May mga kaibigan kami roon or kakilala. Sila Dr. Lee, si Pavel, si Aleck, si Crest, si Apallas, at maraming pang yummy boys. Pero syempre taken na 'yang mga 'yan. At kapag narinig ako ng dom ko ay mapaparusahan na naman ako," natatawang usal niya.

Tumango na lang ako at nag-abang ng pagkakataon para sabihin sa kanya na buntis na ako. Hanggang sa mapadaan kami sa isang store na puno ng mga pang-baby na gamit.

Ako pa ang nauna sa kanyang pumasok sa loob kahit siya ang may malaking tiyan sa amin.

"Kumpleto na ang gamit ng baby ko at isang buwan na lang ay manganganak na ako, hindi ko na kailangang bumili," sabi niya at lumingon-lingon sa paligid.

Ngumuso ako at inabot ang isang white na mittens. "Sa tingin mo ba kapag binigay ko 'to kay Simon, mage-gets niya ang ibig kong sabihin?"

Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap. "Buntis ka na?" malakas niyang sigaw kaya nakurot ko ang braso niya.

Kaagad naman niyang tinakpan ang bibig niya at napatingin sa paligid.

"Ang ingay mo. Kahapon ko lang nalaman." Kinagat-kagat ko ang labi ko.

Ang laki ng ngiti niya. "Congratulations, girl! Magiging mommy ka na soon!"

"Thank you." Tuwing napagtatanto ko na magiging ina na ako ay parang gusto ko na lang umiyak. Ang saya-saya ko at hindi na ako makapaghintay na makita ang anak ko.

Binisita ko rin si Simon noong araw na iyon kahit pa hindi naman dapat ako dadalaw sa kanya ngayon. Nagulat siya nang pumasok ako sa selda niya, naglalaro pa siya ng barahang mag-isa at may nakasubo pang sigarilyo sa bibig niya.

RedCollar Series #1: Simon FerrerWhere stories live. Discover now