Chapter 6: Baby Ivy

1.5K 24 0
                                    

Patingin-tingin sa akin si mommy habang kumakain kami ng dinner habang ako naman ay hindi makadiresto ng upo. Bukod sa nanliit ako ay masakit talaga ang katawan ko.

"Are you okay, Yvette?" tanong ni mommy nang hindi na siguro makatiis.

"Yes, mom. Napagod lang sa mga ginawa namin," sagot ko at nag-init ang pisngi ko.

"Law school is really demanding, Yvette. You should be aware of the consequences. Hindi na kagaya noong college ka ang buhay mo ngayon," paalala ni mommy na tinanguan ko lang.

"I know, mommy. I am doing my best every single time." I bit my lower lip.

Demanding ang law school pero nakukuha ko pa ring lumandi. I even let Simon Ferrer come inside, kung hindi ba naman malandi.

"Good." Sa wakas ay binalingan na niya si daddy. Ito naman ang gigisahin niya ng mga tanong.

Tuwing Friday lang kasi nakakapag-dinner nang sabay-sabay. Busy sila pareho ni daddy sa negosyo nila at ako naman ay madalas gabi ang klase ko.

"How about you, darling? You will be meeting future investors and business partners tomorrow, are you prepared?" Nakataas pa ang isang kilay ni mommy habang nagtatanong.

"Of course, I am. Isa lang naman ang problema ko. Matigas ang taong iyon at mahirap hulihin ang kiliti. But if I can convince him to invest, he will be a great asset." Humalakhak si daddy.

"Who's that man, dad?" tanong ko para kunwari naman ay interested ako sa negosyo namin.

"Ah, you will come with me tomorrow. Baka sakaling matulungan mo akong makumbinsi siya. Simon Ferrer is a tough guy. Even Jacob Cabrini doesn't want to let him go." Ngumisi pa siya at proud pa yata sa isip.

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang pangalan ni Simon. Parang masusuka yata ako. Mabuti na lang at wala sa akin ang atensyon ni mommy.

"S-sure, dad. Wala naman akong masyadong gagawin bukas. I want to help kahit sa ganitong paraan lang," sabi ko at tipid na ngumiti.

I am very sure that daddy will be so furious kapag nalaman niyang tinitira ni Simon Ferrer ang kaisa-isa niyanga anak. Oh, my gosh! Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya bukas.

Hindi yata ako nakatulog nang maayos ng gabing iyon kaiisip ng mga pwedeng mangyari sa akin. Baka kung ano ang sabihin ni Simon sa daddy ko!

I made sure that I would look sexy for that day. Wearing my fitted black dress with my lacey underwear, paniguradong maglalaway si Simon Ferrer.

"Let's go, baka nandoon na sila," aya ni daddy at sumakay na kami sa kotse.

Wala na akong nagawa, gusto ko sanang umatras pero ayokong ma-disappoint si daddy. Ang saya-saya niya ngayong araw at baka makumbinsi ko rin si Simon Ferrer. I'll convince him whatever it takes.

Pagkarating namin sa conference room ay kaming dalawa pa lang ni daddy ang nandoon maliban sa secretary niya na labas-pasok sa room dahil abala sa mga gagamitin.

"Ano ang pwede kong gawin, daddy?" tanong ko sa ama ko na abala na sa presentation niya.

"Just stay there and listen. Ako na ang bahala na sa 'yo," sagot niya kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa aking cellphone.

Naisipan kong i-text si Simon Ferrer at tanungin kung nasaan na siya. Paniguradong magugulat iyon na nandito ako.

To: Simon Ferrer
Where are you, sir?

Hindi man lang ako naghintay ng limang segundo at may reply na kaagad siya.

From: Simon Ferrer
On my way to my first meeting this day. Why do you ask?

To: Simon Ferrer
Nothing. Curious lang.

From: Simon Ferrer
Does it still hurt?

To: Simon Ferrer
I'm okay.

Nahinto ako sa pagtitipa nang magsimula nang magdatingan ang mga ka-meeting ni daddy. Kinakabahan pa nga ako dahil baka nandito si Raoul, pasalamat na lang din ako at hindi nagsusumbong ang isang 'yon kay daddy.

Nang pumasok ang matipunong si Simon Ferrer ay parang natigilan ang lahat pati ako. Tumigil nga rin yata ang paghinga ko ng ilang segundo at hindi ko man lang namalayan. Ang lakas talaga ng appeal niya para sa akin.

Bahagya rin siyang nagulat nang makita ako. Ang pagkagulat ay napalitan kaagad ng ngisi. At imbes na umupo siya sa upuan na nakalaan sa kanya ay mas pinili niyang umupo sa tabi ko.

"Hi," he greeted me with a big smile on his face.

"Hello." Why am I blushing?

"You didn't tell me you are joining this meeting. I even canceled your father's invitation for lunch. Now, I have to redo all of my schedules," sabi niya at saka humilig sa swivel chair.

Kinuha niya kaagad ang folder na nasa tapat niya at mabilis na pinirmahan iyon.

"W-we are not even starting yet, Mister Ferrer," utal-utal na sabi ni daddy at hindi makapaniwala sa mabilis na pagpirma ng kontrata ni Simon.

"No need, I read your proposal in advance, and I agreed to all of your terms and conditions. Why don't we all have an early lunch? My treat." Simon stood up and faced the shocked people.

"Thank you, Mister Ferrer. This will become a great partnership for your company and ours." Sumulyap pa sa akin si daddy at ngumiti.

Ito talagang si Simon hindi na naman natiis ang kagandahan ko.

"That will be awesome, but, can I borrow your daughter until afternoon? I have something to discuss with her. She's a law student, right?" Simon said and glanced at me. There's a playful emotion in his eyes right now.

Ano na naman kaya ang naiisip niyang gawin ngayon?

Mabilis na pumayag si daddy sa request ni Simon kaya naman nandito kaming dalawa ngayon sa isang mamahaling restaurant. Malayo sa table namin sila daddy at ibang katrabaho niya. Mukhang sinadya nga ito ni Simon.

"Hindi na ulit ako papayag na aalis ka pagkatapos natin sa kama. It is very dangerous to drive in that state. You were drained and weak," he said while eating his steak.

"Sorry, sir. Nagmamadali lang talaga ako kasi family dinner namin iyon na once in a week lang mangyari. Promise, babawi ako sa 'yo." I batted my lashes and gave him a lustrous smile.

He let out a deep breath. Nilapit niya ang mukha sa akin at saka bumulong. "Give me your panty."

I gasped really hard. "Why? Here?"

His eyes became dark. "Don't make me ask again, Ivy."

Ngumuso ako. "That's my safeword."

"It suits you better. Now." Nilahad niya ang kamay niya sa mesa. "Your panty."

Nakagat ko ang labi ko at luminga sa paligid bago maingat na tinaas ang dress ko. Dahan-dahan kong binaba ang lacey black panty ko at mabilis na inabot sa kanya. Sobrang init ng pisngi ko at feeling ko may nakakaalam sa ginagawa namin. He even smells it before putting it in his pouch.

"I am not comfortable without underwear," pabulong kong sabi sa kanya.

He just chuckled. "You will get used to it."

Bumuntonghininga ako. "Kailan ko ba 'yan makukuha, sir?"

"Come to my place again this Sunday and I'll teach you again how to ask nicely," seryoso niyang usal. "And, wear something that can be easily torn."

Napalunok ako. Kahit kinakabahan ako ay mas lamang pa rin ang excitement sa puso ko.

"Okay, sir." Yumuko ako.

He smirked. "That's my Baby Ivy."

RedCollar Series #1: Simon FerrerOnde histórias criam vida. Descubra agora