Episode 7

11 2 1
                                    


Bumalik na sa klase si Blake lang,si Romy ay nagtungo na lang muna sa dorm para magpahinga...

Pero habang nasa dorm pala ito ay may kung anong hinahanap ito sa gamit ni Blake...

Naalala nya ang sinabi kanina ni Blake na naiwan nito ang kanyang wallet.

Baka dun na nga nya makita ang kanyang hinahanap...

At nang kanyang makita ang wallet ni Blake ay binuklat nya ito...

Makikita nga nya ang larawan ng kanyang hinahanap...

"Nakita na din kita."bulong pa ni Romy sa sarili...

"Lahat ng ito ay hindi pa tapos,Fabian...magsisimula pa lang ako ng di mo nalalaman." Sabi pa ni Romy...at saka itinabi ni Romy ang wallet ni Blake kung San nya ito nakita...

Makalipas ang maghapon...

Kakagising lang ni Romy ng dumating si Blake...

"Nandyan ka na pala."anya pa ni Romy

"Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong ni Blake.

"Ok naman ako.wag Kang mag alala.nakapagpahinga na naman ako."anan ni Romy...

"Oh! May binili akong pagkain sa labas ng school."anan ni Blake

Sabay abot nito Kay Romy.

"Akala ko ba wala Kang pera,pano ka nakabili?"takang tanong ni Romy.

"Nakipag pustahan ako kina Jerick."anan ni Blake...

Kunot noo si Romy...

"Kapareho mo talaga ang iyong ama".bulong na Sabi ni Romy...

"Kamusta ang klase? May homework ba tayo?"tanong ni Romy.

"Wala,Pero may kwento na nangyare sa canteen daw kanina."anan ni Blake...

"A-anong nangyare?"tanong ni Romy

Mukhang alam na ni Romy ang kwento ni Blake ..Pero nagtanong pa din sya...

"Sabi nung prof.na Nandun,may nawawala da na mga pagkain sa canteen,eh! Wala naman daw tao dun Kundi sya."kwento ni Blake...

Tumawa na lang si Romy at...

"Oh! Bakit ka napatawa?"tanong naman ni Blake...

"At sino namang kukuha ng pagkain sa canteen? Baka naman kase kinain lang nya Yun"anan pa ni Romy.

"Ewan ko sa kanya."anan pa ni Blake...

At humiga ito sa kanyang kama...

"Matutulog ka na ba?"tanong pa ni Romy...

"Iidlip lang ako,"anan pa ni Blake at pumikit muna.

"Sige,matulog ka muna."anan ni Romy.

May kinalaman kaya siya sa nangyayare kanina sa Canteen?

My Time With You-S2-JiyoonMinstoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang