Chapter 1

63 5 3
                                    


Nasa kolehiyo na si Blake...at kailangan nyang malayo sa kanyang mga magulang para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at matupad ang pangarap nya para sa kanyang ama at ina.

"Mag-iingat ka dun,Blake,wala kami ng iyong ama,sa tabi mo kaya."paalala ni Ashley Kay Blake Habang nag iimpake naman si Blake ng Ilan nyang mga gamit.

"Nak,tingnan mo yang mama mo,ang iyakin talaga.Nag dadrama ka na naman dyan sa anak mo,baby."ang pabiro pang Sabi ni Fabian.

"Pa,totoo ba na si lolo kamukha ni mama?"ang walang ka-anu-ano na naisingit ni Blake sa usapan.

Nagkatinginan si Ashley at Fabian,

"Nak,bakit mo naman yan natanong?"ang tanong naman ni Fabian.

"Wala lang po,Ma...umiiyak ka na naman.Aalis na po ako,wag na po kayo ng umiyak."si Blake at...

"Pano naman kase,aalis ka na nga lang,naiisip mo pa ang lolo mo."anan ni Ashley sabay pahid sa luha at...

"What if kaya Ma,nakita ko si lolo?"anan pa ni Blake at...

"Nak,sige na,bilisan mo na dyan,baka maiwan ka ng bus sa terminal.Sige na."anan ni Fabian...

Nakaalis na si Blake at naiwan ang mag-asawa...

"Oh! Bakit ganyan ang itsura mo?"tanong pa ni Fabian.

"Hindi ka ba natatakot,Fabian.Bakit nasabi ni Blake Yun,pano kung? Pano kung sa Sinabi ng anak mo,makulit ang nangyare noon?"anan ni Ashley na puno ng takot...

"ano ka ba naman,sa henerasyon ng anak mo ngayon,wala na yan.Malaki na ang anak mo.Hindi na mangyayare at hindi na mauulit ang dati.Ok."yakap ni Fabian Kay Ashley.

Natatakot si Ashley,dahil minsan na nyang ginamit ang "what if" na Yun,Pero pano kung ang binitawan na ng anak nya ay may mas masakit pa sa nakaraan nila.

Pano kung hindi pa pala tapos ang sumpa?

Pano kung buhay pa sila at nasa paligid lamang sila.

At kumukuha lamang ng Tamang tyempo,para sirain muli ang kanilang pagsasama.

Oh! Ang anak nila ang magiging katapusan ng sumpa na nasa kanilang lahi.

Nasa Campus of Colleges na si Blake...
At kailangan nyang kumuha ng dorm para sa malapit sa kanyang school...at
Isang kaibigan ang kanyang makikilala...

"Hi!"bati ng Isang boses lalake sa likuran ni Blake.

Lumingon si blake at...

"Hi!"ganting sagot naman ni Blake.

"Dito ka ba mag dorm?"anan pa ng lalake at...

"O-oo,ikaw ba?"tanong ni Blake.

"Dito din,room 15 ako,ikaw ba?"tanong pa ng lalake.

"Same room pala tayo,room 15 din ako eh!"anan ni Blake na ngumiti.

"Good.anyway...I'm Romy..."pakilala ng lalake...

"Faxton Blake,Pero Blake na lang for short."anan pa ni Blake at nagkamayan pa ang dalwa...

My Time With You-S2-JiyoonMinstoryWhere stories live. Discover now