Chapter 3

147 2 0
                                    

NAHARA'S POV:

He is now standing at my door, and he's knocking repeatedly. Akala ko ba na-check niya na ako sa loob na wala roon? Bakit kumakatok na naman siya?

Tss! Kahit sirain mo 'yang pinto ay walang magbubukas sa'yo d'yan.

"Meow!" Inaantok kong sabi, sabay kiskis ng aking mukha sa dibdib niya.

Yay! Tsansing yarn Nahara?

Nang hindi siya tumigil at nagpatuloy parin sa pagkatok ay pinilit kong kumawala na mula sa pagkakakarga sa akin ni Sullivan. Kasabay no'n ay ang pagpihit niya ng seradura.

Sige na nga, babalik na ako sa'yo! Baka mabaliw ka pa, kakahanap sa akin, e.

Nang mabitawan niya ako ay kaagad akong tumakbo sa likod ng bahay. Hinintay kong makaalis siya sa aking silid, bago umakyat at pumasok mula sa bintana.

Mabilis akong nagtungo sa cr ng aking silid at tinalon ang shower knob para agad bumukas iyon.

I feel like I am covered with dirt, kaya naman agad akong tumapat sa ilalim ng dutsa, habang nagpapalit ng anyo.

Hindi ko na naisarado ang pinto ng cr, kaya naman gano'n na lamang ang aking pagkagulat nang iluwa niyon si Sullivan na ngayon ay tulala, habang nakatitig sa kabuoan ko.

Oh, God, did he see me turning back into a human? Sabay takip ko ng aking bibig, imbes na maseselang parte ang aking takpan ay iba ang aking natakpan sa pagkagulat.

Huli na nang na-realiazed ko na wala nga pala ako ni isang saplot.

Si Sullivan naman ay nanatiling tulala at titig na titig sa akin, especially, down there.

Damn! Kitang-kita ko kung paano pumungay ang mga mata niya habang nakakatitig sa perlas ko.

"Damn you, bastos!" Sigaw ko nang agad makabawi. How dare he look at my v like that?

Sa aking pagkapahiya ay mabilis kong nadampot ang sabon sa lagayan nito at buong pwersang ibinato iyon sa kan'ya. Sapul ang mata niya, kaya naman nagdulot iyon ng pagka-out of balance niya, kung hindi lang siya nakahawak sa haligi ay baka nga natumba na siya.

Oh, damn! Hindi ko alam ang gagawin ko kung tatakpan ko ang aking sarili o lalapitan siya, dahil mukhang napuruhan ko siya sa mata.

"S-sorry, sorry... akala ko walang tao, nanggaling na kasi ako rito at hindi kita nakita rito. May narinig lang talaga ako na ingay dito kaya pumasok ako." Nakapikit niyang sabi, habang nakahawak ang isang kamay sa isang mata niya na tila nasasaktan pa.

Matapos niyang sabihin iyon ay umatras na siya at tuluyang lumabas na ng cr.

Damn! Kung may damit ako ay baka nilapitan ko siya at hinampas na ng tabo sa inis ko.

Agad akong humakbang upang isarado ang pintuan at ini-lock iyon sa takot na baka muling pumasok si Sullivan.

Mabuti na lang talaga at kakatapos ko lang magpa-brazilian wax. Kahit paano ay hindi masagwa tingnan ang iniingatan kong v.

As I stood there, water cascading down, I found myself doing this little head shake- iling-iling, we call it in tagalog. You know, that sideways wiggle of disbelief? Well, there I was, scrubbing away, when suddenly, like a delightful surprise, I noticed my favorite shampoo and shower gel sitting on the ledge.

I have my own bathroom in my own room, so I wonder how he found out the brand of my shampoo and shower gel. Tinanong niya kaya si Mama o si Daddy?

Matapos kong maligo at magpunas ay sinuot ko ang bathrobe na naka-hanger sa loob ng cabinet sa cr at kaagad lumabas.

Halos mapatalon pa ako nang makita si Sullivan na matamang nakaupo sa dulo ng kama. Maybe, patiently waiting for me.

Nagpatay malisya ako at agad dumeretso sa tokador at marahang umupo.

"I just want to say sorry; I didn't mean to look at y-your..." nahihiya niyang sambit, ngunit hindi naman maituloy-tuloy kung ano 'yung tiningnan niya o nakita niya.

"H-hindi ko talaga sinasadya, ang buong akala ko ay wala ka sa loob." Mabilis niyang sabi.

Bumuntong hininga ako bago sumagot, "ano pa bang magagawa ko? Nakita mo na, e!" Sabay iling ko, habang nagsusuklay ng aking mahabang buhok.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang suklay sa aking kamay.

He combed my hair gently, as if I were a princess, each stroke creating a delicate crown of silk.

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap, I thought you'd left me." Malungkot niyang sabi.

"Naglakad-lakad lang sa labas," palusot ko, baka sakaling makalusot sa kan'ya.

"Parang 'di naman kita nakitang lumabas," pagtataka niya. "Sana sa susunod, magpaalam ka muna sa akin para hindi ako nag-aalala sa'yo." Seryoso niyang sabi.

"Akala mo lang 'yon, busy ka kasi!" Mahina kong sambit.

"Hindi ako busy, saglit ko lang nakausap si Bianca. Umalis din agad, matapos niyang ibigay ang invitation." Mahaba niyang paliwanag.

So, Bianca pala ang pangalan niya. First name basis talaga, ano niya kaya si Bianca? Nililigawan? At talagang sinadya pa siyang puntahan dito sa bahay niya. Tss!

"Invitation? Para saan?" Kuryoso kong tanong. "Pupunta ka?" Saad ko pa. Sana huwag siyang pumunta.

Mabilis ang pag-iling niya, na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit hindi? Sayang 'yun, baka may chance ka sa kan'ya, magandang babae pa naman," nakangiti kong sabi sa kan'ya, kahit na nagpupuyos ang aking loob sa selos.

"Hindi ko siya gusto at hindi siya ang tipo kong babae," mariin niyang sabi. "Magbihis ka na, nagugutom na ako." Matapos sabihin iyon ay ibinaba niya ang suklay sa tokador at mabilis na naglakad palabas ng aking silid.

Sus! Umiiwas lang sa tanong ko, e. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit hindi niya gusto 'yun, at kung anong tipo niyang babae.

I know we're not the same age, and I'm younger than him. But sometimes, hindi rin naman masamang mag-ilusyon, na baka gusto niya rin ang tipo ko. Kahit na best friend siya ng daddy Itchiro ko.

Mabilis akong namili ng damit sa closet, na siya mismo ang bumili. Napili ko ang dilaw na bestida na hanggang tuhod lamang umabot.

Matapos makapagbihis ay agad na rin akong lumabas ng aking silid. Nadatnan ko siyang nakaupo na sa kabisera at hinihintay na ako.

Agad kong naamoy ang bango ng beef steak na niluto niya, nang angatin ko ang takip niyon sa lamesa.

"Wow!" Ito ang unang beses na ipinagluto niya ako, at ang sarap pala sa pakiramdam. Halos hindi na matanggal ang ngiti sa aking mga labi, lalo na nang sandukan niya ang plato ko ng kanin.

Sweet yarn?

"Eat!" Utos niya, matapos akong sandukan ng ulam.

P'wede naman na ako na lang ang magsandok, pero ginawa pa niya na para bang obligasyon niya ako. And it really felt so good. Sana ganito na lang siya palagi sa akin.

Kinagat ko ang aking labi, nang biglang mag-init ang aking pisngi sa kilig.

Titigilan ko na ngang tumitig sa kan'ya, baka mamaya sabihin niya pa pinagnanasahan ko siya.

MY DADDY'S BEST FRIENDWhere stories live. Discover now