Chapter 2

157 2 0
                                    

NAHARA'S POV:

"Sino 'yung sumundo sa'yo kagabi?" Tanong sa akin ni Caeden, pagkaupong-pagkaupo ko sa tambayan namin matapos ang klase namin.

Caeden is not only a good friend but also my most cherished companion. Una ko siyang nakilala noong first year kami, simula noon ay palagi na kaming magkasama.

"Ah, best friend ng dad ko," sambit ko.

"Mukha kasing galit na galit sa'yo kagabi, no'ng sumama ka sa amin."

"Hindi naman siguro," sagot ko na sinang-ayunan niya na lamang.

Maya-maya lang ay inabot niya ang bag at may dinukot roon na isang box na medyo ikinanganga ko.

Inabutan niya ako ng isang box ng brownies na ikinapagtaka ko.

"Ahh... sabi ni Ching, bagong paborito mo daw 'yan. May nadaanan ako sa pagbili ko kanina, kaya binili na rin kita," nahihiya niyang sambit.

Nang ngumiti ako sa kan'ya ng pagkatamis-tamis ay nakita ko pang namula ang mga pisngi niya.

Hala siya! Bakit kaya biglang namula ang mga pisngi  niya?

Agad kong tinanggap iyon at napangiti ng todo. Oo nga,   ito ang usong brownies ngayon online, kaya nang mag-order kami nila Ching ay simula no'n ay naging paborito ko na ang ganitong brownies.

Sasagot na sana ako nang bigla kong marinig ang boses ni Sullivan.

"Nahara!" He exclaimed, startling me.

"Salamat dito ha, aalis na ako," sambit ko kay Caeden at agad isinukbit ang bag sa aking balikat, kumaway ako bago ako tumalikod sa kan'ya.

Agad akong naglakad palayo roon.

Lumapit sa akin si Sullivan at agad ikinawit ang kamay sa aking beywang na ikinapitlag ko.

"Kain tayo sa bahay," malambing niyang sambit. Habang mabilis akong inakay ako palayo roon.

Maaga pa, ano kayang ginagawa niya rito? Dati naman sa dorm niya ako sinusundo, sa tuwing kakain kami ng dinner.

"Bakit ang aga mo? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka rito?" Nagtataka ko paring tanong sa kan'ya.

At paano niya rin kaya nalaman na naroon ako sa tambayan?

"Sinubukan ko lang hanapin ka," aniya na ikinakunot-noo ko.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" Sabay tagilid ko ng aking ulo sa kan'ya.

"Para sana ipagluto ka."

Tumaas ulit ang kilay ko.

"Ipagluto? Hindi ka busy?" Nagtataka kong tanong.

Agaran ang pag-iling niya. Dati ayaw niya na nagtatagal kami sa bahay niya, kahit na binigyan niya ako roon ng sariling silid. Para bang sinisilihan ang p'wet niya tuwing naroon kami.

Ano kayang nakain niya? Oo nga pala, inaalok niya na rin akong tumira sa bahay niya.

Dumaan muna kami sa palengke para bumili ng lulutuin niya. Nakakatuwa na marunong siya sa ganitong bagay, kahit na lalaki siya. Ni wala din siyang kasambahay, kaya sobrang nakakabilib talaga.

Patapos makapamili ay agad kaming nagtungo sa bahay niya.

"Ibinili kita ng mga damit, naroon na nakalagay sa iyong silid, magpalit ka muna ng damit." Sambit niya sa akin, bago siya tumalikod.

Patungo na sana ako ng silid nang may biglang nagdoorbell. Kaya naman imbes na dumeretso ako sa aking silid ay nagtungo ako sa gate at agad tiningnan kung sino iyon.

Bumungad sa akin ang isang magandang babae na sobrang sexy kung manamit.

Nakasuot ito ng green na halter top at maiksing palda na halos umabot lamang sa pwetan niya sa sobrang iksi no'n.

"Ah... hi!" Bati niya agad sa akin. "Andyan ba si Sullivan?" Sambit niya na agad kong tinanguhan.

First name basis, ibig sabihin close sila o magkaibigan.

"Nasa loob siya, pasok ka," sambit ko.

Binuksan ko ng malaki ang gate at pinapasok siya.

Iginiya ko siya sa loob at nihatid sa sala at saka iniwan doon. Mabilis ang lakad ko at pinuntahan si Sullivan sa kusina.

"May bisita ka." Sambit ko, sabay alis.

Hindi ko na inantay na makapagsalita siya. Mabilis akong naglakad patungo sa binigay niyang silid sa akin.

Ayokong marinig ang landian nila kung sakali. Ayokong malaman na kaya niya pala ako inimbitahan ay dahil gusto niya akong ipakilala sa girlfriend na niya. Hindi ko ata makakaya iyon.

Matagal ko siyang naging crush, ayokong mawasak ngayong gabi.

Dali-dali kong isinarado ang pinto nang makapasok ako sa loob ng silid. Inisa-isa kong hubarin ang suot kong mga damit, pati na ang aking mga panloob.

Maingat kong inilagay ang mga iyon sa loob ng aking bag at itinago sa cabinet na naroon.

I slowly approached the mirror and looked at my entirely. My body is now fully blossomed, every curve and contour now a symphony of form of grace.

Maganda rin naman ako, hindi rin naman papahuli ang ganda ko at ang hubog ng aking katawan sa bisita niya. Malaki rin naman ang mga suso ko, kaya tinitiyak ko na medyo patas lang din kami kung iyon ang pagbabasehan.

Sabi nga ng mga kaklase ko ay kamukha ko raw si Megan Fox, iyon nga lang ay maputi ako sa artistang iyon.

Pero may isa akong tinatagong lihim.

I am no ordinary girl; my veins pulse with ancient magic. Kaya kong magpalit ng anyo sa anumang gustuhin ko. Iyon ang isa sa namana ko sa aking ama.

At dahil ayokong makasama ang dalawang iyon, gradually, I shifted, morphing into feline form. My human skin surrendered to fur, my fingers elongating into graceful paws.

Nang maging puting pusa ay tumalon ako sa bintana, at doon lumabas.

Hindi alam ni Sullivan na kaya kong mag-anyo sa iba't-ibang hayop, at ngayon ay lalayasan ko na muna sila.

Bahala na muna sila sa buhay nila, wala na akong pakialam, kung mapansin niyang nawawala ako. Bahala na siya sa buhay niya.

Nagsimula akong tumambay sa upuan malapit lamang sa pool area ng bahay niya, kung saan hindi ko maririnig ang usapan nila, hanggang sa nakatulog ako roon.

I awoke to the sensation of someone lifting me, his fingers gently caressing my fur.

"Oh, what an adorable, big cat!" Sambit ni Sullivan, habang karga-karga ako. "Saan ka galing? Nakita mo ba si Nahara?" Tanong niya na akala mo naman ay sasagot ako sa kan'ya.

"Meow..." I said.

"Kanina ko pa kinakatakok ang silid niya, ngunit walang sumasagot. Nang subukan kong pihitin ang seradura ng pinto niya ay hindi ko siya nakita. Nasaan na kaya siya? Ang buong akala ko ay nakatulog lamang siya sa silid, kaya tinapos ko na lamang ang aking pagluluto." Mahaba niyang sabi.

Umupo siya sa upuan at inilagay ako sa kan'yang kandungan. Habang hinihimas niya ang aking balahibo ay dinukot niya ang cellphone niya at nagsimulang kalikutin iyon.

"Asan na ang bisita mong babae?" Gusto ko sanang isatinig, ngunit naalala ko na meow lamang nga pala ang tanging maririnig niya sa akin.

Nang ilagay niya sa tainga niya ang cellphone ay kumunot ang noo nito, matapos marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Tila tinatawagan niya iyon, at nang marinig na nanggagaling iyon sa loob ng bahay  ay mabilis niya akong inaangat at dinala sa loob ng bahay.

"Tss! Put me down, please!"  Paano ako makakabalik sa totoong anyo ko, kung hindi mo ako bibitawan? Paano mo ako makikita? Kung narito ako At karga-karga mo?

Alangan naman na mag-transform ako, habang kalong-kalong niya. Baka mamaya ay himatayin pa itong lalaking ito or worse baka tawagin akong may mala sa demonyo.

Hindi ko ata makakayang layuan niya ako dahil sa totoo kong katauhan. Isang bagay na kinakatakot ko.

MY DADDY'S BEST FRIENDWhere stories live. Discover now