🍋 Week 1: REVIEW 🍋

94 2 4
                                    

WARNING: CONTAINS SPOILER!






--- 📌 Review 📌 ---

THE POET'S ESCAPE
By Alice_Salvo
Partner: pattyst4r

So far, which character has had an impact on you and why?

Gale, the heroine. Medyo relate ako sa pinagdaanan niya sa buhay. Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling sa kagustuhan niyang makatakas. Struggle talaga sa anak 'yung araw-araw pinapamukha sa 'yo na hindi okay ang parents mo. 'Yun tipong mas gugustuhin mo na lang maglagi sa school kaysa sa bahay.

This story successfully portraits that at ramdam na ramdam ko sa mga chapters ni Gale 'yung pressure at stress.

Would you want to go to the story's world, visit, or perhaps live there?

Why? No, I won't.

Sana hindi naman mangyari ito sa buhay ko. Masyadong heavy 'yun for me. 'Yung bawat away ng magulang na wala kang choice kundi marinig at masaksihan kasi nasa iisang bahay lang kayo. Hats-off kay writer dahil talagang napadama niya 'yung emotion na gusto niyang iparating sa mambabasa to the point na ako na mismo ang gustong sumaklolo sa mga bida.

Was the opening statement enough to make you read the rest of the chapter?

Yes. BIG YES.

Mahu-hook ka kaagad. Gusto ko 'yung panimula niya sa tanong. Mapapaisip talaga ang readers sa kung ano ba ang sagot, kung ano ang nangyari. Makikita mo na lang ang sarili mo na tuluy-tuloy ka sa pagbabasa. Hindi siya nakakaboring dahil bawat paragraph ay damang-dama ang emotions ng characters.


Personally, would you continue reading it? Why?

Yes. ANOTHER BIG YES. It's an easy read for me kahit pa may pagka-heavy ang story. Actually, this book reminds me of All The Bright Places at some points. 'Yung melancholy and empathy.

For me, this book deserves to be acknowledged pa ng ibang readers dahil bukod sa maganda ang writing style ni author, talagang iba 'yung way niya ng paglalahad ng pagkakakilanlan ng characters. Pati na rin 'yung pagdedescribe niya sa setting, para akong nanunuod ng movie sa imagination ko. Ang galing! Iba rin 'yung dating ng pagkwekwento niya na talagang parang ayaw mo nang tigilan ang pagbabasa. I know and I believe, malayo ang mararating ni author.

--- 🍋 🍋 🍋 ---

DIS-ENGAGEMENT PROPOSAL
by pattyst4r
Partner: Alice_Salvo

So far, which character has had an impact on you and why?

Sonnet. Si Sonnet talaga. Biruin mo, sa first three chapters na binasa ko, his character managed to leave an impact on me. Noong una siyang na-meet ni Liv sa library, tawa ako nang tawa. Naisip ko kung ito kaya ang male lead from the prologue. Naaalala ko sa kanya ang mga classmates kong lalaki dahil sa pagiging jokester niya. Nakakainis ang mga gano'ng tao, 'no? Masyadong silang mapang-asar o palaging nagpapatawa kapag seryoso ang sitwasyon. Pero, aminin din natin, nakakagaan sila ng loob kasama.

I appreciate the sweet gesture Sonnet made for Liv by buying her batteries for her calculator. Naku-curious tuloy ako kung anong problema ang tinatago niya sa kabila ng happy-go-lucky na personality niya. Kasi for sure, meron 'yon.

P.S. I love his name soooooo much. Mahal na mahal siguro siya ng mga magulang niya kaya gano'n kaganda ang pangalan niya. Also, can I steal his name for my future child? Jk.

Did the imagery provide you with enough details to understand what was happening?

Nakulangan ako sa imagery. Hindi kasi dine-describe ni Liv ang itsura ng places kung nasaan siya. I understand that this could be because of her character voice.

May mga tao kasi talaga na hindi masyadong napapansin ang details and intricacies ng paligid. Mas naka-focus sila sa nararamdaman nila at sa behavior ng taong nakakasalamuha nila. Parang si Livie. But, in my personal opinion, mas gaganda siguro ang narrative kung dadagdagan nang kaunti ang imagery. You don't have to be over-the-top with your descriptions. Siguro, a few simple words would do.

What can you say about the prologue? Did it make you want to check out the first chapter immediately? Like, you wanted to know what really happened?

Yes! Na-intriga agad ako roon sa concept na para mapigilan ang kasal ng parents ng both characters, kailangan nilang mag-fake-dating. I like the fake dating trope. Tapos gusto ko rin 'yung family drama.

Doon pa lang sa kasalan ng magulang nila, alam ko nang maraming ka-dramahan ang magaganap bago mangyari ang happy ending (sana). That's why I was sold out!

--- nothing follows ---

Captain's Review Club (HIATUS)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن