Chapter 18

84 4 0
                                    

"Daddy, will Lola and Lolo like me? or does they hate me?"

"Of course, princess. They will love to see you and they don't hate you."

Tahimik lang si Irene na nakikinig sa usapan ng mag-ama niya.

"Mommy why are you so quiet?"

"Nothing baby."

"I'm so excited to see Daddy's parents Mommy."

"Actually, they are not my biological parents. They're just my aunt and uncle, but I treat them as my parents because they treat me as their son."

Nagulat si Irene sa narinig pero hindi niya ipinahalata. Hindi niya alam iyon.

"Where are your real parents, Daddy?" Takang tanong ni Bella kay Alas na tumingin kay Irene.

"They're... they're dead." Umiwas ng tingin si Irene. Parang may ipinapahiwatig ag mga tingin ni Alas sakaniya.

"I'm so excited to meet them, Mommy!"

Ngumiti lang siya sa anak niya bago tumingin sa labas ng bintana.

Ang pag kaka-alala niya ay matagal na noong nakita niya ang mga magulang ni Alas. That was 11 years ago, bago sila ikasal.

"What were you thinking?" Alas asked.

"Wala." Ipinikit niya nalang ang mata para makaiwas kay Alas. Hanggat maaari gusto niyang iwasan si Alas, dahil sa tuwing nakikita niya ito ay hindi siya makagalaw ng maayos. Naaalala niya ang nangyari noon.

------

"IRENE, we're here. Wake up, wife." Nagising si Irene sa paghaplos ng palad sa kaniyang pisngi.

Si Alas agad ang bumungad sakaniya habang karga si Bella.

Umiwas lang siya ng tingin bago bumaba ng sasakyan.

Napatingin naman siya sa Mansyon na nasa harap niya ngayon. Kahit kailan ay hindi pa siya nakapunta dito dahil ang mga inakala niyang magulang ni Alas ang dumadalaw sakanila noon.

Hindi lang siya makapaniwala na ganito kalaki ang bahay nila.

"Let's go." Hinawakan ni Alas si Bella habang si Bella naman ay humawak sa kamay ni Irene. Ang magkabilang kamay niya ay nakahawak kila Irene at Alas.

"Magandang hapon po sainyo." Sabay sabay na bati ng mga kasambahay pagpasok nila.

Hindi niya alam ngunit kinakabahan siya na makaharap muli ang mga ito.

"Alastair, son!" Rinig ni Irene ang sigaw ng isang babae na naka wheel chair na habang tulak tulak ng isang nurse.

"Ma." Niyakap ni Alas ang babae. Habang si Irene at ang anak nitong si Bella ay nakatingin lang sakanila.

"I'm glad umuwi ka na, namimiss ka na nami---Oh my God! Ikaw na ba 'yan, Bea?!" Gulat na napatingin sakaniya ang babae.

Tumango lang siya dahil nahihiya siyang makaharap ito. Kahit halatang may kaedaran na ito ay maganda pa rin siya. Pero ano ang tawag nito sakaniya? Bea? Hindi siya sanay na tawagin siyang Bea kahit iyon ang totoo niyang pangalan, nasanay na siya sa Irene.

"Naku! You're still pretty hija! Mas lalo ka pang gumanda. Aba, mukhang maganda ang kinalabasan ng paghihiwalay ninyo ni Alas huh?" Hindi magawang ngumiti ni Irene, hindi niya rin alam kung bakit.

"Ma!" sigaw ni Alas.

"Come on Son! Aminin mo na, mas gumanda siya nung nag hiwalay kayo! Ngayon pwede naman na kayong magbalikan."

"Don't worry Ma. I'm working on that. By the way this is our daughter, Bella."

"Aba! Bakit naman hindi mo sinabi na may anak pala kayo? Pagkaganda
-gandang bata! Hi, come here....what's your name?" lumapit si Bella sakaniya at nagmano.

"My name is Isabella Aliyah Delgado po. 6 years old."

Tumingin ang ginang kila Alas at Irene.

"Delgado? Hindi ba dapat Fuentabella hija dahil iyon ang apilyedo mo?" Takang tanong nito kay Irene. Hindi ba sinabi ni Alas ang mga nangyari?

"It's a long story po."

"Anyways, Alas. You're Dad is in the dining. Pumunta na tayo doon at nang makakain na, masamang pinag hihintay ang pagkain." Sinimulang itulak ng nurse ang wheelchair papunta sa dining habang nakasunod sila Irene.

"Bea! It's been a long time. How are you hija?" Bungad agad ng tatay ni Alas na tito din nito.

"Ayos lang po." Inaamin niyang siya ganon kakomportable dahil hind niya din alam kung masasagot niya ang mga tanong ng mga ito.

"Wow, may anak na pala kayo."

Nagmano si Bella sa kaniya at humalik sa pisngi.

Nagulat na lang siya nang lagyan ni Alas ng pagkain ang plato niya.

"Irene, eat up."

Nag tatakang tumingin ang mag asawa kila Irene.

"Can you tell us what really happened between you two? And, Irene?"

Napansin naman ni Irene na ayaw mag salita ni Alas kaya siya nalang ang sumagot.

"Um... 11 years ago, only 4 months after our marriage, I was involved in a car accident that caused me to lose my memory.

"I have no recollection of that time. I just woke up, someone claiming me as his daughter but suddenly namatay po siya. Five years later, I crossed paths with Alas again, but I couldn't recognize him. Despite his insistence that I was his wife. May misunderstanding pong nangyari."

"I decided to move to Canada just to find out that i was pregnant. We've only returned here a few weeks ago po."

Napatango naman ang mag-asawa.

"Alas, ano bang ginawa mo at nangyari iyon?" Nanatiling tahimik si Alas sa tanong ng Ama. He can't answer him habang nandito ang tatlong babae na importante sakaniya.

"I'll explain to you later, Dad."

Sumubo nalang si Irene ng pagkain.

Kumakain na din ang anak nitomg si Bella, at halatang gustong gusto niya ang pagkain.

"Hija, anong pinag kakaabalahan mo ngayon?"

"Ah wala naman po masyado, inaalagaan ko lang po si Bella."

"Waka ka bang trabaho, business pr anything?"

"Meron po sa Canada. May Flower shop po ako don."

"Really? Oh my god! I really love flowers, you know that!"

Irene smiled. Simula noon ay alam na niyang mahilig ito sa mga bulaklak, kaya kapag may family dinner ay talagang dadaan siya sa bilihan ng mga bulaklak para ibigay sakaniya.

"So what's your plan? Hindi pa naman kayo tuluyang na-annulled. Aba! Kailangan niyong mag sama-sama para bigyan ng kumpletong pamilya ang apo ko." Napatigil si Irene sa pagkain niya sa sinabi ng tatay ni Alas.

"Uhm... Babalik din po kami sa Canada." Mahinang sambit niya.

"Wife." Pigil sakaniya ni Alas.

"Mommy, i thought were going to stay here na?"

"Hija, i suggest you to stay here at the Philippines. Masarap pa rin lumanghap ng hangin dito sa Pinas."

"Nakapag desisyon na po ako. Babalik na po kami ng Camada sa Sabado."

Way Of Love: Buena Series #1Where stories live. Discover now