Chapter 2

128 3 0
                                    

IRENE starts to feel confused on what's happening, hindi niya maisip kung bakit nasa harapan niya ngayon ang lalaki at sinasabing mag asawa sila. May mga kinuha pa itong gamit sa kwarto at ipinakita sakaniya, mga litrato ng babaeng kamukhang kamukha niya.

"Baka nag kakamali ka lang, baka magkamukha lang talaga kami. Marami namang taong ganoon." sabi nito bago nag iwas ng tingin sa litrato dahil may kung ano siyang nararamdaman.

"I'm definitely sure that you are my wife. This is our wedding pictures." napg papakita pa ito ng mga litrato na ikinasal daw sila. Hindi niya alam kung maniniwala siya, may kung anong nag sasabi sakaniya na maniwala siya dahil totoo ang sinabi kanina ng lalaki na nawalan siya ng alaala. Maski pagkabata ay wala siyang maalala, ang tanging naaalala niya lang ay nang gumising siya ay ang nagpakilalang tatay niya na ang kasama niya.

"Hindi ako makapaniwala... May asawa ako. Asawa kita" gulat na gulat na saad niya, may asawa siya ng hindi man lang niya nalalaman. Halos limang taon siyang nawala.

"For the past 5 years, wala akong ginawa kundi hanapin ka. I almost give up Irene. But now you're here, you're here with me." halos matulala sa Irene sa asawa niya. Kung kahapon ay malamig ito sakaniya at maiksi ang mga salita, ngayon naman ay malambing ang boses nito.

"Do you believe me, love? Do you believe that you are my wife?" Naniniwala na siya, sapat na ang mga pruwebang ipinakita nito sakaniya. At ngayong magkasama na sila, isa nalang ang kailangan niya, ang bumalik ang ala-ala niya.

"Oo naniniwala na ako, Alas." niyakap niya ang lalaki.

"Is that so, then break up with your boyfriend then." Napatingin siya kay Alas. Ano nanamanang sinasabi nito?

"Ha?Wala akong boyfriend ano, hindi nga ako makalabas sa bahay namin." Napamura sa isip si Alas. 'fuck you big time Uno'

But atleast, he's now with her wife. Hindi niya na ito hahayaang makaalis pang muli. But he knows that Irene will make a way to remember everything.

She will do anything just to bring back her lost memories.

--------

"CHILL ka lang bro, sorry na sarap mo kasi pagtripan" napadaing si Uno nang batuhin siya ni Alas ng unan.

"fuck you, moron!"binuksan nalang niya ang laptop.

"So naniniwala na siya sayo?" Uno asked habang nainom ng kape na tinimpla niya ngayon sa opisina ni Alas.

"Yeah, i told everything about her past." si Alas naman ngayon na nakatutok na sa laptop. Tumitingin pa ito ng mga impormasyon tungkol sa asawa niya.

"Everything huh? pati yung--" sumama ang tingin ni Alas kay Uno.

"Stop it Uno." napatawa si Uno sa naging reaksyon ng pinsan.

"tsk tsk tsk. Why don't you told her the truth? I'm sure she will understand you." napatingin si Alas kay Uno.

"I don't think so. Uno, you're the only person who knows about what happened 5 years ago, so please don't you dare betray me." napatawa si Uno sa seryosong sinabi ni Alas.

"Oo naman bro, you're my cousin. We are Buena, ano ka ba simula bata magkasama tayo. Hinding hindi ako mag tatraydor." Alas smiled with him. He knows that his cousin will never betray him, that's why he trust him so much.

"I gotta go bro, may aasikasuhin pa ako." tumango siya nang magpaalam na ang pinsan niya.

Pumunta siya sa kwarto niya upang tignan si Irene. Hindi niya pinapalabas ang babae dahil baka mawala nanaman ito bigla. Hindi na niya hahayaang mangyari iyon.

---------------

"ANG boring naman dito, sana payagan naman niya ako lumabas minsan." saad ni Irene sa sarili habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari.

Napabangon siya nang may kumatok sa pinto ng tatlong beses bago ito bumukas. Si Alastair, humalik agad sa pisngi ang lalaki sakaniya na ikinapula niya. Kahit asawa niya ito ay naiilang pa rin siya dahil hindi siya sanay.

"What do you want to eat?" Alas asked her but Irene didn't respond. Instead, she asked Alas.

"kailan ako pwedeng lumabas?" Alas stared at her for a moment.

"We already talked about this, Irene. Hindi pa sa ngayon, baka mamaya nandyan lang sa labas yung mga taong gusto kang kunin. You don't want that to happen, right?" napatango siya sa lalaki, tama naman siya. Pero hindi pa rin niya mapipigilan ang sariling lumabas. Gusto niya din makita ang mundo, ngayon pa na alam niya na na asawa niya si Alas. Naikwento kasi nito sakaniya na kaya siguro siya nagkaroon ng amnesia ay dahil baka nabangga siya ng sasakyan dahil may mga gustong pumatay sakaniya.

"Love, listen to me okay? I'm doing this for you, ayaw na kitang mawala pa ulit. I'm doing this to protect you, kaya please, sumunod ka naman." He looked directly at her eyes to show his sincerity.

"Naiintindihan ko, pasensya na. Hayaan mo, susunod na 'ko sayo." ngumiti siya kay Alas dahil nakokonsensya siya na suwayin ang asawa na walang ginawa kundi isipin ang kaligtasan nito.

"Good, so what do you want for dinner?" Alas smiled at her and asked.

"Kahit ano, hindi naman ako maselan sa mga pagkain."

Napataas ang kilay ni Alas sa sinabi ni Irene. "you changed huh?" naguluhan naman ang dalaga sa sinabi ng binata.

"Bakit? Maarte ba ako noon?" tanong nito sakaniya.

"a little" nagkibit balikat lamang si Alas na tinanguan naman ni Irene.

Madami siyang gustong malaman tungkol sa sarili niya noon, kung paano siya noon, kung ano ang hilig niya, kung saan siya magaling, at kung sino ang mga magulang niya. Ayaw naman niyang tanungin lahat ng mga iyon kay Alas, dahil baka hindi din siya nito sagutin. Nang minsan kasi itong nagtanong tungkol sa mga magulang niya ay bigla na lamang itong umalis.

"Ah, Alas salamat nga pala sa mga damit na pinahiram mo sakin. Pero pwede ba tayo pumunta sa bahay ni Tiya Maya para kunin ko ang mga gamit--" hindi niya naituloy ang sasabihin.

"No need for that, iyang mga suot mo ay sayo talaga yan. And please, huwag ka nang bumalik don dahil baka saktan ka ng babaeng yun." Alas stated.

"Hindi naman siguro Alas. Mabait naman ang Tiya Maya ko, sadyang nabaon siya sa utang kaya siguro..."

"Kaya ikaw ang pinang bayad niya sa utang?tsk. What an excuse, if i saw her, i will kill her." Napatingin siya kay Alas na seryoso ang hitsura. Seryoso ba siya? papatayin niya 'to?

"kidding." Alas said and then he chuckles.

"Kinabahan naman ako sayo, akala ko totoo." nakahinga ng maluwag si Irene nang malamang nag bibiro lanag ang binata.

"What if it's true?" Alas asked.

"Imposible naman iyan ano, hindi naman. Ang gwapo mo kaya, imposibleng kriminal ka noh haahahaha" saad ni Irene at tumawa pa.

Alas stared at her for a moment, her laugh gets his attention. Her voice is like an angel, her laugh is so good.

"Bakit ka nakatingin?May dumi ba ako sa mukha?" Irene asked, pero hindi pa din kumikibo si Alas. Hanggang sa iwagayway ni Irene ang kamay niya sa mukha ni Alas.

"Nothing, stay here love. I'm going downstairs to cook our dinner." Alas kissed her forehead after that.

Tumango lang si Iren at ngumiti sakaniya. Saglit pa siyang natulala siya pintong nilabasan ng asawa niya. Hindi siya maka move-on sa biro nito kanina, akala niya ay totoo na.

Way Of Love: Buena Series #1Where stories live. Discover now