Chapter 25

62 3 0
                                    

"BABY, you need to wake up. It's already 6am baka malate tayo sa flight natin mag bebreakfast pa tayo sa labas."

"Mommy, I'm still sleepy."

Irene took a deep breath. Kanina niya pa ginising si Bella pero antok na antok pa rin ang bata.

"Mamaya mo na itulog yan sa eroplano, anak. Kailangan mo ng maligo para makapag ayos ka na."

Bumangon si Bella habang kamot kamot pa ang buhok nito.

"Mommy, can we go to Daddy first?" Bella asked, that made Irene speechless for a second.

"Baby, hindi tayo pwedeng malate sa flight."

"But i want to talk to him, i just want to say goodbye to Daddy."  Bella's voice was sad.

Nalulungkot si Irene para sa anak, pero kailangan nilang umalis para makalimutan niya ang masasakit na nangyari at nalaman niya.

"Okay ganito nalang. I'll talk to your tito Uno first okay?" Bella nod her head.

Kinuha ni Irene ang cellphone niya at tinawagan si Uno. Hindi pa niya nasasabi kay Uno na aalis sila ngayon.

Lumabas din muna siya ng kwarto para hindi marinig ni Bella ang pag-uusap nila.

"Oh?Ang aga aga, napatawag ka? May problema?"

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"I have to tell you something Kuya, pero please h'wag mo munang sabihin kay Alas itong sasabihin ko."

Pansin niyang natahimik ang kabilang linya.

"Kuya? Hello?"

"Y-yes, hindi ko sasabihin ano ba yun?"

"Aalis na kami ni Bella, babalik na kami ng Canada Kuya."

"Kailan?" Humina ang boses ni Uno sa narinig.

"Ngayon na, paalis na kami. Mag-aayos lang kami ni Bella, gusto ko lang sana na saka mo na sabihin kay Alas kapag nakaalis na kami? Ayoko ding masaktan pa si Bella."

-------

"FUCK! Uno, you fucker! Wake up!" Inis na nag dilat ng mata si Uno. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas kwarto palang ng umaga, ay ginigising na siya ng pinsan na si Alas.

Magkatabi silang natulog, kahit ayaw ni Alas ay nag pumilit pa rin siya.

"Ano ba bro? Gago ka ba? It's fucking 4am in the morning, kung makagising ka akala mo naglilihing buntis eh." Inis na saad nito kay Alas.

"Fuck you! I remember all now!" Agad napabangon si Uno sa narinig niya kay Alas.

"What?! Is that true? Finally bro, sa wakas normal ka na ulit!" Uno said, smiling ear to ear that made Alas glared at him.

"Fuck you!" Sigaw nito sakaniya.

"I need to call Tita and Tito, kailangan nilang malaman---"

"No, huwag muna. Tawagan mo muna si Irene. I wanna talk to her right now."

"Bro tangina mo! It's 4am in the morning, matulog muna tayo."

Muling humiga si Uno at pumikit na nang sipain siya ni Alas na naging dahilan ng pagkahulog niya.

"Alastair puta--"

"Fuck you, Moron! Go sleep on the sofa." Nahiga si Alas at ipinikit na ang mga mata.

Samantalang si Uno ay inis na nag tungo sa sofa at pilit ipinagkasya ang sarili, maliit lang kasi ag sofa habang siya ay matangkad.

"Hindi nalang sana nakaalala 'to." Bulong nito bago pumikit ulit at natulog na.

Way Of Love: Buena Series #1Where stories live. Discover now