Chapter 13

74 4 0
                                    

"SO IPAPAKILALA mo na siya kay Alas?"

Irene called Haya, ngayon palang siya nakakatawag simula nang makauwi sila ng Pilipinas.

Pinag-uusapan nila ngayon ang plano niyang ipakilala si Bella kay Alas. Habang natutulog sakaniyang tabi si Bella.

"I'm doing this for my daughter, Haya."

"Ang tanong, mahal mo pa ba?"

Napatigil siya sa tanong ng kaibigan. Mag sisinungaling siya kung sasabihin niyang Hindi.

Aaminin niya, hindi nag bago ang pagmamahal niya dito. Palaging may parte si Alas sa puso niya, at masaya si Irene. Masaya si Irene na si Alas ang naging tatay ni Bella.

"Silence means yes. I can't blame you, Irene. But please kapag nag kita na kayo, don't let him na saktan ka ulit."

Irene smiled kahit na hindi iyon kita ni Haya.

"I won't let him either..."

"Sige na, kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Hinahanap na ako ng boss ko, bye ingat kayo diyan, pakamusta sa love na love kong inaanak!"

Ibinaba na ni Irene ang telepono bago niya napagdesisyonang tawagan si Uno.

"Oh napatawag ka? May kailangan ba kayo?"

"Kuya Uno. Pwede ko bang mahingi ang number ni..." napakagat siya ng labi, itutuloy ba niya?

"Nino? Ni Alas? Sige itext ko sayo, tsk hiya pa sabihin eh." Napapikit siya ng mariin sa sinabi ni Uno.

"T-thank you." Pinatay niya agad ang tawag at inabangan nalang ang text ni Uno.

Hanggang sa nag pop na nga ang message nito sa cellphone niya. She replied "thanks" to Uno na nireactan lang nito ng thumbs up.

She copied the phone number and tried to dialed it.

Sana lang ay hindi siya dalhin nito sa kahihiyan.

"Hello?"

Hindi siya makapag salita ngayon, parang nawalan siya ng boses.

After 6 years, narinig niyang muli ang boses ni Alas.

"Hello? Who the hell is this?"

She slowly smiled, wala pa rin palang pinagbago si Alas.

"I-it's me....Irene." Pumikit siya habang sinasabi iyon, halos mautal pa siya.

Napansin niyang tumahimik si Alas sa kabilang linya. Tanging paghinga lang nito ang naririnig niya.

---------

HALOS mapamura si Alas sa kaniyang isipan nang nagpakilala ang tumawag sakaniya.

He don't know what to feel. Halo-halo ang nararamdaman niya ngayon.

"I-Irene."

'fuck nawawala talaga ako sa sarili kapag siya na.' Sabi nito sa isip niya.

"I..uhm...Can we meet?"

Napangiti si Alas.

"Y-yeah sure. Kailan mo gusto? Are you free tomorrow?" Alas can't wait, he can't wait to see his wife again, he can't wait to hug and kiss her again.

"Ah yes. Tomorrow morning. I need to tell you something. Someone wants to meet you, Alas."

Nagtataka man si Alas sa sinasabi ni Irene ay sumagot nalang siya.

"Okay sure. Just text me the meeting place. I also want to tell you something."

"See you, Alas..."

Way Of Love: Buena Series #1Where stories live. Discover now