Chapter 17

96 4 0
                                    

"MOMMY, will daddy stay here?" Bella asked Irene. Kakauwi lang nila sa bahay ni Uno na tinuluyan nila nung nakaraan.

"No baby. Daddy needs to go home because--"

"Yes princess. I'll stay here." Agad niyang pinanlakihan ng mata si Alas.

"Alas!"

"What? Our daughter wants me here so you can't do anything about it." He smirked that made her irritated.

"Umalis ka na nga! Mag papahinga na kami!" Binuhat niya si Bella at aakyat na sana nang mag salita muli si Alas.

"I'll rest with you." Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang tinignan ito.

"Ang dami mong alam, umuwi ka na!" Galit na sigaw niya.

"Mommy, why are you fighting with Daddy?"  Inosenteng tanong ni Bella.

"Your Mommy don't wants me here." She glared at him.

"Mommy, let Daddy stay here please." Nag pacute pa sakaniya si Bella at pinag dikit ang mga kamay nito.

She rolled her eyes before talking again. Hindi niya naman matitiis ang anak niya.

"Fine." Ibinaba niya si Bella at nauna na siyang tumaas.

Naiinis siya kay Alas. Talagang gagawin nito ang lahat para lang kampihan siya ni Bella at hindi mapaalis.

Inis siyang pumasok sa banyo para mag linis ng katawan.

"Bwiset na lalaki talaga 'yan!" Sambit niya habang nakatitig sa sarili niyang repleksyon sa salamin.

Pagkatapos maligo ay tinuyo niya lang ang buhok at nag bihis ng pantulog bago humiga.

Wala na siyang balak hintayin pa sila Bella. Malamang ay kasama nito si Alas sa kabilang kwarto at tabi silang matulog ng anak. Samantalang siya ay mag-isa ngayong matutulog.

"Ish! Ano ba 'yan!" Inis siyang bumangon at lumabas ng kwarto.

After all, walala pa din siyang gaanong tiwala kay Alas, ang dami nitong nagawang hindi maganda at baka madamay pa ang anak niya. At hindi niya kakalimutan na ang lalaking mahal niya ang pumatay sa tatay niya.

Huminga siya ng malalim bago sana kakatok sa pinto ng kwarto kung nasaan ang dalawa.

Narinig niya ang mga boses nitong nag tatawanan. Naiwan bigla sa ere ang kamay nitong kakatok na sana.

"Daddy, do you love my Mommy?" dinig niyang tanong ng anak niya.

Hinintay niyang mag salita si Alas ngunit wala siyang narinig.

Aalis na sana siya nang marinig niya ang boses ng lalaki.

"I love you both, beyond the reaches of the universe and back."

Napatigil siya sa narinig. Bahagya pang tumaas ang kilay niya.

"Ang galing, pati anak kayang kaya bolahin tsk."

Umiling siya bago dumeretso sa baba, alas dyis na ng gabi at tulog na ng mga katulong.

Naisipan niyang mag kape muna, ang galing ano? Gusto niyang matulog pero nag kakape siya.

Umupo siya sa dining at tumingin sa labas ng bintana.

"You should be asleep by now."

She raised her brows at Alas, who is looking at her right now.

"Pake mo ba?"

"I care, you're my wife."

"Tsk!" Tumayo siya para umakyat at pumunta na ng kwarto.

Way Of Love: Buena Series #1Where stories live. Discover now