PROLOGUE

266 5 0
                                    

ALASTAIR answered his phone. He is so sure na ang tumatawag ay ang pinsan niyang pulis. Today is saturday weekend kaya alam niyang tatawag ito para mag pasama nanaman sa Brothel. As usual ganon naman ang ginagawa lagi nila, iyon ang bonding nilang mag pinsan, ang manghuli ng mga kriminal sa isang Brothel.

"What's up insan! Are you ready sumabak sa mundo ng laro?" sabi ng pinsan niya pagkasagot palang nito.

"Shut up fucker, let's just meet when it starts. 6pm."

"Sus agahan natin, mga 5pm nandoon na dapat tayo. Ayaw kong maunahan nanaman ako ng isa sa mga pulis na kalaban ko dito, pare nababanas na ako sakaniya. Baka maging kriminal ako at ako ang hulihin ng pulis." He heard him laugh so he chuckles. Mainit talaga ang dugo ng pinsan sa isa sa mga kasama niyang pulis dahil sa kayabangan nito.

"I'll just fetch you" sabi naman ni Alas sa lalaki.

"Naks, fetch. Ok baby, I'll wait" sagot ng pinsan sa kabila at talagang ginawa pa nitong pangbabae ang boses.

"you, disgusting motherfucker" saka ibinaba ang telepono at itinuloy ang kanyang ginagawang pagtitig sa isang litrato.

"Hahanapin kita, babalik ka din sa'kin. You are mine."

______

NAPATAYO si Irene sa pagkakahiga ng sumigaw ang kaniyang tiyahing matapobre. Alam niyang may iuutos nanaman ito kaya bumangon na siya sa pagkakahiga kahit kakahiga palang niya at kakatapos sa inutos nitong gawain sakanya kanina.

"Irene!Lintek na batang 'to oh." sigaw pa ng tiya Maya niya.

"Papunta na po!" lumabas si Irene ng kwarto para puntahan ang tiya niya.

Nakita niyang may mga taong nakaitim sa salas nila. Pansin na ring may mga sasakyan sa labas ng bahay nila.

"Tiya, ano pong meron?" tanong niya sakaniyang tiyahin na nagbibilang ng makapal na pera, at puro lilibuhin pa ito.

"Hoy babaita, mag empake ka ng mga gamit mo. Aalis ka na dito." Nagulat si Irene sa tinuran ng kaniyang tiyahin.

"Ho?Saan po ako pupunta?" tanong nito ngunit tinaasan siya ng kilay ng kaniyang tiyahin.

"Aba 'wag ka nang tanong ng tanong diyan. May nakabili na sayo 1 Million kaya sumunod ka nalang. Hala dali at mag empake ka na, napaka dami mong kuda." agad nanggilid ang luha ni Irene sa sinabi ng kaniyang tiyahin. Palaging mainit ang ulo sakaniya nito, ngunit hindi naman niya inaasahan na ibebenta siya nito para sa pera.

"Anong iniiyak iyak mo diyan? Huwag mo 'kong artehan, ayaw mong mag empake? Bahala ka. Boss na mga pogi, kunin niyo na yan. Wala namang pakinabang 'yan dito. At isa pa, kailangan ko na bayaran ang mga utang ko ko at hindi ko magagawa yun nang nandito ka." sumunod ang mga lalaking nakaitim, hinawakan siya ng mga ito para isakay sa sasakyan kaya nagpupumiglas siya.

"Bitawan niyo po ako! Tiya pakiusap po, h'wag niyo po akong ibenta, mag sisipag pa ho ako sa mga gawain. Kung gusto niyo, mag tatrabaho po ako parang awa niyo na." umiiyak na turan nito.

"Daming kuda talaga, sige na lumayas ka na dito. Baka malasin pa 'ko sayo. Sige kunin niyo na yan." nang akmang isasakay na siya ay sinipa nya ang isang nalahawak sakaniya at kinagat niya ang braso ng isa pang lalaking nakahawak sakaniya. Agad siyang tumakbo ngunit agad din siyang nahuli ng mga ibang lalaking nakaitim.

"Bitawan niyo po ako! Bitawan niyo ko! Tulong, tulong po!" ngunit ang mga kapitbahay nila ay parang walang naririnig.

Nawalan siya ng pag-asang makahingi ng tulong. Wala siyang nagawa hanggang maisakay na siya sa sasakyan. Umiiyak ito at labis ang awang nararamdaman para sa kaniyang sarili. Isang milyon ang pagbenta sakaniya ng kaniyang tiyahin, ganon lang ba ang halaga niya?

Sa kakaiyak niya ay hindi niya namalayang nakatulog na siya. Pag gising niya ay nakahiga siya sa isang malambot na kama, may mga taong nag iingay at puro babae ang boses nito na dahilan kaya s'ya ay dali daling bumangon. May mga kasama siyang babae sa kwarto, mga nakasuot na halos kita na ang kaluluwa.

"Oh gising na pala yung bago natin oh. Hi sis, ang ganda mo. Hindi ka bagay dito pero wala e, ang hirap talaga ng buhay ano? Bakit mo naman naisipang dito mag trabaho?" sabi sakaniya ng isa sa mga babae.

"H-hindi ako mag tatrabaho dito. Ibinenta ako ng tiya ko. Hindi ko alam na dito ako dadalhin, pakiusap tulungan niyo akong makaalis dito." nag makaawa siya sa mga ito na tulungan siya.

"Nako, pasensya ka na ganda ha. Wala kasi kaming magagawa para tulungan kang makatakas, malakas ang power ng boss namin. Baka mategi kami ng maaga, naku sayang ang ganda ko 'no" napaisip siya, sinong boss ang tinatawag nito?

Natigil siya sa pag-iisip nang may pumasok sa kwartong dalawang babae, ang isa ay umiiyak. Lumabas din ang isa pagkatapos maihatid ang babaeng umiiyak. Ibenenta din kaya siya kaya umiiyak? Nilapitan niya ito.

"Ako si Irene, bakit ka umiiyak?"

"Ayaw ko dito, pinilit lang ako ng Itay. M-mag tatarabaho daw ako dito" nalungkot siya para sa babae. Halatang bata pa ito at maganda.

Ngunit siya, ang sarili niya. Ano nang mangyayare ngayon sakaniya?

"Irene Delgado, lumabas ka na dahil kasama ka sa mga babae don." nabuhayan agad siya ng loob, baka may pagkakaataon na siya para makatakas.

May binatong tela ang babae sakaniya. "Isuot mo yan, dalian mo bawal ang babagal bagal dito." Tinignan niya ang damit na yon, at halos makikita ang kaluluwa niya kung susuotin niya yun. Wala siyang nagawa kundi isuot iyon, dahil gagawa siya ngayon ng paraan upang makatakas sa impyernong kinalalagyan niya ngayon.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na din siya ng kuwarto dahil hinihintay siya ng babae sa labas upang ihatid siya sa pupumtahan nila. Ang hindi niya inaakala ay ganon pala kadami ang tao na nag pupunta dito, at karamihan sa mga ito ay puro lalaki.

"Sige, umakyat ka sa stage. Gayahin mo ang mga babaeng nakatayo diyaan. Ito hawakan mo itong numero, sa una ka." May ibinigay sakaniya ang babae na '1'ang nakalagay sa parang isang kardbord. Ayaw man niyang kunin ay wala siyang nagawa. Mukang bibilihin nanaman siya ng kung sino. Nag-umpisa ng mag salita ang gaganap na emcee.

"Goodevening everyone. Tonight we will going to have a bet. We will start with the first one who's holding our number 1." nag palakpakan ang mga tao doon at madami ang nakatingin sakaniya. Naiiyak nanaman siya dahil sa sakit at takot na kaniyang nararamdaman. Sakit dahil pakiramdam niya ay napakababa niyang tao at wala nang halaga pa ang buhay niya. At takot na pakiramdam dahil hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari sakaniya ngayon.

"Oh mukhang madaming may bet kay number 1 huh. Sino kaya ang magwawagi sa ating number 1?"

Madami ang nag tataas ng mga numero na malalaki ang halaga. Ang iba ay umaabot ng 5 digits. Nagsimula na siyang manginig sa kaba at takot. Alam niyang isa sa mga ito ay kukunin siya.

Natigil ang lahat nang may nag salita at nag taas ng malaking numero. 7 Million. Wala na nga talaga siyang takas.

"7 Million, just to make her mine." Napa "woah" naman ang mga tao sa loob.

"Ok, looks like may nanalo na. Wala na bang hahabol diyan. For 5 seconds" Nagdadasal siya na sana may humabol pa at mailigtas siya sa impyernong kinalalagyan niya. At kung may bibili man sakaniya ay sana hindi siya nito saktan. Unti-unting pumatak ang luha niya.

"3." Pumikit siya upang magdasal.

"2." Sana ay makuha siya ng taong hindi siya sasaktan.

"Ehem. 10 Million. I'll get her." napadilat siya sa nagsalita. Napaka lamig ng boses na iyon at pamilyar din sakaniya.

Hindi niya alam pero...

Naging kampante siya sa taong iyon, alam niyang ligtas siya.

Way Of Love: Buena Series #1Where stories live. Discover now