Chapter 16

188 11 1
                                    


KRIZZA'S POV

Gulat na gulat at halos hindi makapaniwala sa aking nakikita ngayon. Si Jackson, nakatayo mismo sa harapan ko!

"A-anong ibig sabihan n-nito?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Si Jacques na ngayon ay nakangisi habang si Jackson naman ay tulala habang nakatitig sa akin. Kagaya ko ay nagulat rin ito pagkakita sa akin, lalo na sa anak kong si Jacob.

Huwag niyang sabihin na wala siyang alam sa trip ng kakambal niya? Imposible!

"B-buhay ka.." ang halos pabulong nasambit ko. Kanina ko pa ramdam ang panginginig ng aking mga tuhod at tila ba ano mang oras ay bibigay na. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila akong dalawang magkapatid! Mga wala silang puso!

"Bakit, ang akala mo ba'y patay na ako?"

Kung kanina ay tulala ito, ngayon naman ay nakakunot-noo na habang diretsong nakatingin sa akin. At kahit luhaan ay nababasa ko parin sa mga mata nito ang kakaibang kislap- o baka guni-guni ko lang?

Bumukas-sara ang aking bibig ngunit wala man lang lumalabas na ano mang salita. Sa dami ng tumatakbo ngayon sa isipan ko ay hindi ko na alam kung ano ba'ng dapat kong sabihin. Pinaghalong gulat, galit, pasakit at... pangungulila. 'Yan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko na alam kung aling emosyon ang uunahin.

Gulong-gulo na ako.

"Alam kong ikaw ang may pakana nito, so better explain yourself now bago ko pa maisipang barilin ka." Puno ng kalamigan na usal ni Jackson na ngayon ay mariing nakatitig kay Jacques.

"Easy, dude." Nakangisi parin si Jacques, hindi alintana ang nagbabagang tingin sa kanya ni Jackson. "Hindi ba puwedeng magpasalamat ka nalang sa akin? You see, dahil sa'kin kaya narito ngayon ang mag-ina mo. After three f-cking years ay nakita mo na ulit sila."

Duon ay tila lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Jackson matapos marinig ang mga sinabi ni Jacques. Muli ay natoon sa amin ang atensyon ni Jackson at nagulat ako nang may luhang pumatak mula sa mga mata nito.

Mas lalo akong napaiyak. Pinagpapasalamat ko na rin na tulog ngayon si Jacob kaya hindi niya nakikita ang eksena naming tatlo ngayon. Masyado pa siyang bata para masaksihan at marinig lahat ng 'to.

"Pag-usapan at ayusin nyo 'tong dalawa. Alam ko naman na mahal na mahal nyo parin ang isat-isa kaya hindi ko ma-gets kung bakit hinayaan nyo na umabot kayo sa ganito." Naiiling na turan ni Jacques at pagkuwan ay tumalikod na.

Akma na sana itong lalabas– nang bigla akong nagsalita.

"B-bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit mo sinabing pa-patay na si Jackson?"

Walang emosyon itong humarap sa akin at sinabing... "Kapag ba sinabi ko sayo yung totoo- may chansa ba na sasama kayong mag-ina sa akin?" Hindi ako nakaimik.

"Nakapag-sinungaling ako dahil ayoko nang makitang nahihirapan ang kambal ko and also, deserved ng anak nyo ang kompletong pamilya kaya sana ay huwag nyong ipagkait yun sa kanya."

----------------

MARAMING katanungan sa isipan ko ang nais mabigyan ng kasagutan. 'Gaya nalang ng.. nasaan ang asawa niya? At bakit nasabi sa akin kanina ni Jacques na naging miserable ang buhay ni Jackson magmula nung umalis kami ni Jacob?

"Tell me his favorite food para mailuto ko."

I was pulled back from my deep thoughts when I heard his deep voice. Tiningnan ko ito at don ko lamang natanto na kanina pa pala ito nakatitig kay Jacob na kasalukuyang abala sa panonood ng cartoons dito sa sala ng condo ni Jackson, kung saan kami dinala ni Jacques.

Hanggang ngayon ay wala paring kaide-ideya ang anak ko na kaharap niya na pala ang kaniyang ama. Sa dami ng mga gumugulo ngayon sa isipan ko, ay hindi ko pa alam kung papaano at saan magsisimula.

I tried to swallow the lump on my throat before answering him. "Chicken adobo, that's his favorite."

I saw him smile. Halos ayaw niya nang lubayan ng tingin ang anak. Natatakot siguro na baka isang kurap niya lang ay maglalaho kaming bigla.

"Nga pala, n-nasaan ang asawa mo?" Agaran akong nag-iwas ng tingin matapos ko iyung itanong sa kanya. Nakakahiya mang itanong yun, ay masyado talaga akong kinakain ng kuryosidad ko.

Doon lamang ito napatingin sa akin. Lumamlam ang kanyang mga mata at tila may nakikita akong kakaibang emosyon mula ruon na hindi ko naman matukoy-tukoy kung ano?

Dumaan ang ilang segundo at wala man lang akong nakuhang sagot sa katanungan ko. From my peripheral view, ay pasimple ko itong sinulyapan ng tingin ang caught him staring at me. Isang nakakalusaw at nakakapanghinang titig mula sa kanya.

I immediately looked away to avoid his gaze. "S-sorry. Hindi mo naman kailangang sagutin yung tanong-" he cut me off.

"I don't want to talk about her." Bigla ay naging blanko ang mukha nito at pagkuwan ay tumayo at naglakad papunta sa may kitchen area.

Naiwan naman akong nakanganga at hindi makapaniwala.

May mali ba sa tanong ko? Bakit ganon na lamang ang kanyang reaksyon?

Pumikit ako ng mariin atsaka pilit na inaalis sa utak ko ang mga katanungang may kinalaman sa asawa ni Jackson. If he doesn't want to talk about it- bakit ko ipagpipilitan, 'di ba? Ayoko namang masabihan ng pakialamera, usyosa or whatsoever.

I sighed.

"Mommy? I am hungry na po." Si Jacob na ngayon ay nakanguso habang himas-himas ang kanyang t'yan.

Agad akong napangiti pagkakita ko palang sa maamong mukha ng anak ko. Sinenyasa ko siya na lumapit sa akin na agad niya namang sinunod. I gently caresses his hair at mabilis na dinampian ng halik ang noo nito.

This little boy is my everything. Kahit pa gulong-gulo na ako sa lahat ng mga nangyayari ngayon- ay hindi maikakailang may parte parin sa puso ko ang natutuwa at yun ay dahil napatunayan ko na hindi pa patay si Jackson, taliwas sa sinabi sa akin ni Jacques. Jackson is alive. Breathing ang kicking.

"Pumunta ka dun sa kusina. Nandun ang daddy mo." Mahinang bulong ko kay Jacob. I saw how his eyes widen in shock.

"D-daddy?! Daddy's here?" Ang hindi makapaniwalang bulalas nito.

I nodded. "Yes and he's cooking your favorite adobo."

Matapos kong sabihin yun ay kaagad na naglaho sa harapan ko si Jacob. Hayon at nanakbo na ito papunta sa may kusina kung saan naroon si Jackson.

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now