Chapter 1

342 10 1
                                    


KRIZZA'S POV

"Please welcome, our dearest Governor– Governor Jackson Salcedo!"

Halos mabinge ako sa lakas ng sigawan at tilian ng mga tao sa paligid matapos umakyat sa stage ang kanilang pinakamamahal at isa sa tinitingalang gobernador.

Siya si Jackson Salcedo, isa sa pinakagwapo at pinaka kilalang politiko dito sa bansa. Maraming mga kababaihan ang naghahabol sa kanya at ang iba duon ay kulang nalang maghubad sa harapan niya mapansin niya lang.

"Shet, ang hottie talaga ni Gov!" Tili ng babaeng nasa may likuran ko.

"Sinabi mo pa! Kapag 'yan talaga naasawa ko, gabi-gabi ko 'yan mumukbangin." Segunda naman nung isa sabay hagikgik, parang tanga lang.

Lihim na lamang akong napairap dahil sa mga naririnig ko at akma na sanang lalakad paalis ngunit, sa hindi inaasahan ay nagsalubong ang tingin namin ni Sir Jackson at mula rito ay kita ko ang pagsalubong ng mga kilay nito kaya dali-dali na akong tumalikod.

Paniguradong galit na naman yun dahil sinuway ko siya. Kabilin-bilinan niya na huwag akong lalabas ng sasakyan pero heto't nasa labas ako. Na bored kasi ako at isa pa ay nasa kanya parin ang cell phone ko kaya wala talaga akong ibang mapag-kakaabalahan.

"Hey, 'di ba ikaw yung personal assistant ni Jackson?"

Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa nakaparadang sasakyan ni Sir Jackson when suddenly, a stranger approached me. He's smiling at me and kung titignan ay mukha naman siyang mabait kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Hi. Ah, yes ako nga ang personal assistant ni Gov. Bakit?"

"Wala naman. Palagi kasi kitang nakikitang kasama ni Jackson pero ngayon lang ako nagkaroon ng chance na i-approach ka." Mahabang turan niya sabay kamot sa kanyang batok. He looks a little bit shy. "By the way, I'm Ivan, Jackson's friend." He, then, extended his hand, obviously asking for a handshake. Agad ko namang tinanggap yun.

"Ako naman si Krizza. Nice meeting you, Sir Ivan." I politely said. Mukha namang hindi nagkakalayo ang edad nila ni Sir Jackson.

He chuckled. "Ang pormal mo naman. Ivan nalang itawag mo sakin, 'wag mo na lagyan ng Sir."

"Ah sige-"

"Krizza."

Biglang sumulpot sa harapan namin si Sir Jackson na labis kong ikinagulat. "Sir!"

Walang emosyon niya lang akong sinulyapan ng tingin at pagkuwan ay hinarap si Ivan na noon ay napakamot noo na lamang.

"Nakikipag-kilala lang ako sa PA mo-"

"Stay away from my girl before I shoot your freaking head." Malamig na saad ni Sir sabay hila sa akin.

Nasa loob na kami ng kanyang sasakyan ng ma-realized ko ang mga huling sinabi nito and I don't know pero parang bigla na lang akong kinilabutan.

Ang weird.

Pasimple kong sinulyapan ng tingin si Sir, but as usual ay blanko na naman ang ekspresyon nito habang diretsong nakatingin sa daan. Ayaw niya na may iba kaming kasama dito sa loob ng sasakyan kaya ayan at siya ang palaging nagmamaneho kahit pa may personal driver naman ito.

Minsan ay hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali nitong boss ko. Palagi niyang sinasabi sa akin na ayaw niya akong makita, pero nagagalit naman kapag umiiwas ako sa kanya. May mga times din na pinagbabantaan niya ang sino mang lalaki na magtatangkang lumapit sa akin– just like what he did to Ivan. Sinusubukan ko naman siyang pakisamahan at intindihin but sometimes, its really hard. He's so possessive to the point na nakakalimutan ko na kung ano nga ba talaga ang totoong papel ko sa buhay niya.

Ang sabi sa akin ni Jia na kapatid niya, ay sa akin lang daw ganoon ang kuya niya at isa lang daw ang ibig-sabihin nun– his brother likes me. Tch. Sounds impossible, right.  Isang guwapo, hot, kilala at mayamang gobernador ay magkakagusto sa isang simpleng tulad ko lang? Haist.

"Bad mood na naman si kuya. What happened ba?" Ang agad na pang-uusyoso sa akin ni Jianna nang makarating kami ni Sir Jackson sa mansion.

"Palagi naman siyang bad mood, kaya ano pang bago?" Saad ko at mahinang natawa. I, then, walked toward the kitchen para kumuha duon ng makakain. Sa haba ng event na dinaluhan kanina ni Sir ay nagutom talaga ako kaya ngayon ay deserve kong kumain ng madami.

"Basta tandaan mo lang, huwag mong pagseselosin si kuya dahil iba yun kung magselos." Seryosong turan ni Jia na sumunod pala sa akin dito sa may kitchen area.

"Selos? Bakit naman siya magseselos e, wala namang kami?" Naguguluhang usal ko. Ang w-weird talaga ng mga tao dito sa mansion at isa na nga duon si Sir Jackson at itong kapatid niya na si Jianna. Kung ano-ano ang mga sinasabi na minsan ay napaka-imposible na.

She smirked at pagkuwan ay napailing. "Sa three years mo dito, ay hindi mo pa nga talaga kilala si kuya." Huling sabi niya bago ito tumalikod at iniwan ako dito na mag-isa.

Bigla ay nawalan tuloy ako ng ganang kumain kaya napag-pasyahan ko nalang na umakyat sa aking kuwarto, pero bago yun ay kinuha ko muna ang backpack ko na naiwan sa sasakyan at nang makuha ko yun ay duon ko lang napagtanto na nasa loob pala nito ang ilan sa mga papeles na kailangang pirmahan ni Sir, kaya dali-dali ay nagtungo ako sa silid nito para iabot sa kanyan 'tong mga papeles.

Nasa labas na ako ng kanyang kuwarto at pinag-iisipan ko pa kung kakatok ba ako? Hanggang ngayon kasi ay naba-bother parin ako sa mga sinabi sa akin ni Jia– but then, agad ko ring naalala na PA nga pala ako ni Sir at kailangan kong gawin ng maayos ang trabaho ko sa kanya. Ise-set aside ko muna lahat ng mga nasa isipan ko at mas mabuting mag-pukos nalang sa trabaho.

Yea, right. That's what I have to do.

Huminga muna ako ng malalim at pagkuwan ay kumatok. I knocked for about three times pero wala ni isa mang response akong natanggap kaya napagpasyahan ko na pihitin ang doorknob at hindi naman yun naka lock kaya dahan-dahan ko iyung binuksan at unang bumungad sa akin ay ang katahimikan. I roamed my eyes around pero hindi ko nakita si Sir Jackson, marahil ay nasa office room niya siya ngayon.

I've decided na iwan na lang dito sa loob ng kanyang kuwarto itong mga papeles. Maayos ko iyung ipinatong sa ibabaw ng bedside table at akma na sanang lalakad palabas– nang bigla akong makarinig ng.. ungol? It sounds so sexy, damn.

"Ugh! You're so fucking hot, Krizza. Damn. I can't wait to own you!"

I was stunned on what I've just heard. Kahit hindi ko man kita, ay hindi naman ako ganoon ka-inosente para hindi malaman kung ano nga ba ang ginagawa ni Sir sa loob ng kanyang banyo.

But... Bakit pangalan ko ang binanggit niya? Don't tell me...

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now