Chapter 9

212 5 1
                                    


KRIZZA'S POV

Dalawang araw ng hindi umuuwi si Jackson.

Magmula nung umalis ito, ay wala pa akong nakukuhang ano mang balita mula sa kanya like, kung nasaan ba siya at kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya, bakit hindi siya umuuwi? He didn't even bother to call nor text me, ni kahit kamusta man lang sa anak niya, e wala.

"Magpahinga kana muna. Ako na ang bahala kay baby Jacob," salubong sa akin ni manang Nelsa pagkababa ko ng hagdan. Karga-karga ko si Jacob na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa aking bisig. He had been crying all night kaya sobrang napuyat talaga ako. Mahirap dahil wala man lang akong katuwang sa pagpapatahan at pagpapatulog sa kanya.

Wala nga kasi si Jackson.

Buong ingat kong ipinasa kay manang si Jacob at pagkuwan ay nagtanong.

"Tumawag na po ba sainyo si Jackson?"

"Yun na nga, hanggang ngayon ay wala parin ni isang tawag ang lalaking yun. Dati-rati naman ay mayat-maya niya akong tinatawagan para kamustahin kayong mag-ina niya." May pag-alalang wika ni manang.

"Susubukan ko pong magtanong sa mga bodyguards ni Jackson, baka may alam sila kung nasaan ang amo nila." Paalam ko kay manang na agad naman nitong tinangoan.

-----------------

"PASENSYA na po ma'am. Kabilin-bilinan po kasi ni Sir Jackson na huwag ipaalam sa inyo kung nasaan siya."

Bigla akong nanlumo matapos marinig ang naging tugon ng isa sa mga bodyguards ni Jackson.

"Kahit samahan nyo nalang ako papunta sa kanya." Pamimilit ko pero sabay-sabay lang nila akong inilingan.

Mariin akong pumikit. Ang hirap nilang pakiusapan– masyado silang loyal sa boss nila! Kakainis!

Bago pa man tuluyang uminit ang ulo sa kanila- ay pinili ko nalang  tumalikod atsaka diretsong pumasok sa loob.

Inaamin ko na nag-aalala ako ngayon kay Jackson. Hindi ko alam kung bakit ba ako nag-aalala, e 'di ba dapat galit ako sa kanya? Tch!

Pati sarili ko'y di ko na rin maintindihan. Ewan ko.

Kung ayaw niyang umuwi dito- bahala siya!

---------------

MALALIM na ang gabi ngunit heto ako't abala sa pagpapatahan kay Jacob. Napa-dede ko na ito't lahat-lahat pero hanggang ngayon ay iyak parin ito ng iyak. Natataranta na ako, hindi ko na alam ang gagawin.

"Hush down na please.. Mama is here, love.."

Pinipilit kong maging kalmado kahit pa ang toto'y, para nang sasabog ang utak ko.

"Krizza? Ayos ka lang ba diyan?" Boses iyon ni manang Nelsa mula sa labas ng aming kuwarto.

"Pasok ka po, manang.." saad ko matapos siyang pagbuksan ng pinto.

"Ano ba ang nangyayari sa batang 'yan?" She worriedly asks whilst looking at my baby.

"Hindi ko nga rin po alam, manang. Bigla nalang siyang pumalahaw ng iyak." Problemadong tugon ko. "I did everything para lang mapatahan siya- pero wala. Iyak parin po siya ng iyak." Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Frustration, helpless, and worry. Ilan lang 'yan.

"May lagnat ang anak mo," ani manang matapos niyang kapain ang noo ni Jacob. "Ihiga mo muna siya sa kama at hubaran mo." Utos nito na dali-dali ko namang sinunod kahit pa nanginginig na ang aking katawan dala ng labis na emosyon.

"M-may mga rashes po siya.." tila bigla akong nanghina matapos makita ang maraming rashes sa katawan ng anak ko. Ngayon ko lamang ito nakita sa kanya.

"Kailangan natin siyang dalhin agad hospital."

---------------

SA TULONG ng mga bodyguards ni Jackson, ay kaagad naming nadala sa hospital si Jacob. Hindi pa namin alam ang resulta, mamaya pa raw sabi ng doctor.

"Si Jackson, alam niya na ba ang kalagayan ngayon ng anak niya?" Tanong ko sa isa sa mga bodyguards ni Jackson.

Nandito ako ngayon sa labas ng hospital. Kahit papaano'y kumalma naman na si Jacob at ngayon nga ay mahimbing na itong natutulog sa loob ng kuwartong inakupa namin. Saglit ko muna itong ibinilin kay manang Nelsa dahil ang balak ko ay tawagan si Jackson at ipaalam sa kanya ang tungkol sa kalagayan ngayon ng anak niya. After all, he is the father kaya karapatan niyang malaman.

But.. he wasn't answering my calls!

"Naipa-alam na po namin," tugon nung isa.

My forehead creased. "And? Hindi niya man lang ba pupuntahan dito ang anak niya?"

Sabay-sabay ang mga itong nag-iwas ng tingin na siyang ikinainit ng ulo ko. "Ano?! Sumagot kayo!"

Hindi ko intensyon na sigawan sila, pero dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na rin naiwasan.

"May mahalagang inaasikaso raw po siya kaya hindi siya makakapunta ngayon dito." Mahigpit na napakuyom ang kamao ko dahil sa narinig. "Pero siya naman na po raw ang bahala sa lahat ng gastos dito-"

"P*tang-ina!" I bursted in anger. Punong-puno na ako! "Ano, mas importante pa ba yun keysa sa anak niya, ha! Anong klasing ama siya!"

Wala ni isa mang umimik sa kanila.

Huminga ako ng malalim, pilit na kinakalma ang sarili.

"Dalhin nyo ako ngayon sa kanya." Walang emosyon na utos ko sa mga ito.

"Pero Ma'am-"

"Dadalhin nyo ako ngayon sa kanya, o isa-isa ko kayong sisisantihin? Kayang-kaya kong gawin yun." I threatened.

Nagkatanginan muna sila at kalaunan ay sinenyasan ako ng isa na pumasok sa loob ng sasakyan na agad ko namang ginawa.

We drove for about two hours bago kami huminto sa harap ng isang malaking mansion.

Pamilyar...

"T-teyka.. 'di ba kela congressman Antonio ang mansion na ito? Bakit dito nyo ako dinala?" Puno ng pagtatakhang tanong ko sa tatlong bodyguards na kasama ko.

"Kinasal na po si Sir Jackson sa anak ng Congressman."

Parang bombang sumabog sa harap ko ang mga salitang binanggit ng isa sa mga bodyguard ni Jackson.

H-hindi...

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now