Chapter 4

225 5 0
                                    


KRIZZA'S POV

Ngayong araw ay kaarawan ni Sir Jackson. Everyone was so busy preparing for the party na gaganapin mamayang gabi dito mismo sa mansion ng mga Salcedo.

"Sa tingin mo Izza, ano kayang magandang i-regalo kay kuya?" Ang bigla ay tanong sa akin ni Jianna. Kanina pa ito nagti-tingin tingin ng mga damit panlalaki pero hanggang ngayon ay wala parin siyang napipili. Nangangalay na ang mga binti ko kakalakad dahil sa totoo lang ay pang apat na shop na itong pinasukan namin. We've been strolling around inside this huge mall for about three hours now.

Balak ko sana kanina na tumulong sa pagluluto pero bigla naman akong inaya dito ni Jianna. Wala naman akong karapatan tumanggi dahil kapatid siya ni Sir Jackson.

"Hindi ko rin alam kung ano ba'ng magandang i-regalo sa kuya mo. Halos lahat naman kasi yata ay nasa kuya mo na." Wika ko.

She just shrugged. "Sabagay,"

Nag tingin-tingin nalang kami at miski ako ay hindi ko rin alam kung ano ba ang magandang i-regalo kay Sir Jackson, yung maa-appreciate niya talaga?

"This one's perfect! What do you think, Izza?"

Biglang humarap sa akin si Jianna at ipinakita ang isang black two piece.. wait, what? A two-piece, really?

Mahina akong natawa. "Huwag mong sabihin na 'yan ang ire-regalo mo sa-" she immediately cut me off.

"Silly, of course not." She then rolled her eyes. "What I mean is, ito, perfect 'to para mamaya 'di ba? Remember, may pool party after the celebration."

Napatango-tango naman ako. "'Yan ba susuotin mo? For sure babagay yan sayo-"

"This is for you, Krizza. Bibilhin ko 'to para sa'yo." Pagputol niya sa sasabihin ko sabay kumindat.

Napakunot-noo ako at kalaunan ay sunod-sunod na umiling. "Na-ah. Kahit kailan ay hindi ako magsusuot ng ganyan." Ani ko sabay talikod.

"Are you sure?"

"Oo. Hundred percent sure. Never mo akong mapapasuot ng-"

"30k. I'll give you 30k 'pag sinuot mo 'to mamaya."

Kaagad akong natigilan dahil sa sinabing yun ni Jianna. Tatanggi sana ako ang kaso ay bigla ko namang naalala ang pamilya ko na nasa probinsya. Kung tutuusin ay malaking pera rin yung 30k, dagdag sa pambili ng mga gamot ni Inay pati allowance na din ng bunso kong kapatid na si Krizzel.

"Ano Izza, deal?"

-----------------

"OMG! You look so hot, Izza!"

Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa matapos makita ang aking repleksyon sa harap ng malaking salamin.

I'm now wearing the two-piece that Jianna had bought earlier. Kung hindi lang dahil sa 30k na offer ni Jianna, ay hindi ko talaga babalakin na magsuot ng ganito 'cause for me, Its too revealing and I'm not really comfortable with it.

"Hindi ba nakakahiya kung makiki-join ako dun sa party?"

She rolled her eyes. "You're part of the family, so bakit ka mahihiya?" Tugon nito na agarang ikinainit ng aking mga pisngi.

"And also, wala ka dapat ikahiya lalo na d'yan sa katawan mo na pang model ang ka-sexyhan. Be proud, sister in law." Then she winked at me na ikinailing ko na lang.

Sister in law? really? Tch.

"Let's go downstairs na, excited na ako sa magiging reaksyon ni kuya!"

"Wait, hindi ko pa nasusuot yung cover up-"

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now