During class ay nakatunganga lang ako, walang pumapasok sa utak ko kung hindi yung mga nangyari nung nakaraang linggo.


Napakagat ako sa labi ko dahil naalala ko na naman yung nakita ko. First time ko talaga makakita nang ganon, yung ano nang lalaki. Napahawak ang dalawa kong kamay sa pisngi dahil feeling ko nagi-init yon.

Bigla akong nahiya at parang gusto ko na magpalamon sa lupa nang mga oras na 'yon. Sa loob nang isang linggong paga-alaga ko ron sa mokong e, pasalamat ako dahil hindi kami nagkakasalubong ni Hayley.

Aminado akong namimiss ko rin siya, miss ko na yung mga overnight, chismisan at bonding namin together.




***

Nag ring na ang bell lahat lahat nakatunganga pa rin ako. Nakarinig ako nang pag pitik, inangat ko ang mukha ko at bumungad si Eve sa harap ko.





"C'mon, Ally. I'm hungry na." pag nguso niya.

Tumango lang ako at tumayo na. Sabay kaming palabas nang pinto nang biglang humarang si Kenneth.


"Hi, baby." kumindat pa siya kay Eve.

Kelan ba siya titigil sa pangungulit, delikado si Eve sa gaya niya. Baka mamaya, maging single mom nang wala sa oras itong si Eve. Umirap lang si Eve sa'kanya at tinulak siya para makalabas.

Sumunod lang ako sa'kanya nang may maramdaman akong humila sa'kin.





"A-Ano bang-" pag tingin ko sa'kanya, si Aids lang pala.

Hindi niya pinansin ang pagpu pumiglas ko. Napansin ko na pinagtitinginan kami kaya nanahimik ako bigla. Nakakahiya kayang maging center of attention, kaya proud akong introvert ako e.

Ang peaceful normal life ang nakakapag panatag sa'kin. Ang kaso malabo iyon dahil sa pesteng Aids na 'to. Nakarating kami sa cafeteria at para akong nalula sa dami ng tao na nakatingin sa'kin.


Alam niyo yung feeling na nanliliit ako? Ganon.

Huminto kami sa isang table at umupo na siya habang naka cross arms na nakatingin sa'kin.



"What are you waiting for? Tatayo ka nalang dyan na parang lady guard?" pagsusungit niya.

"Ikuha mo ako ng makakain." parang lumaki yung ilong ko sa inis.

Wala ba siyang mga paa? Bakit hindi muna siya umorder ng food bago umupo? Tsk!

"Hindi mo ako katulong, bakit hindi mo kunin mag isa mo!" inirpan ko siya.

"Mukha ka namang katulong kaya gawin mo na, and remember yung deal natin." sabay tingin sa mga kuko niya na parang naghihintay.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Feeling ko sasabog ako kapag kaharap ang animal na 'to. Maglalakad na sana ako nang may mabangga akong lalaki sa harapan ko.

"Let's go Ally, sabay na tayong kumuha ng lunch." si Nate, ngumiti lang siya sa'kin at hinilang hinawakan ang kamay ko papunta sa counter.

Parang kumakabog yung dibdib ko. Bakit ba ang clingy niya huhu!

"Hoy!"

Hindi pa kami nakakalayo, narinig namin ang tawag ni Hades.

Bigla siyang tumayo at lumapit. Kinuha niya ang isang kamay ko. Pareho tuloy nilang hawak yung magkabila kong kamay, feeling ko mapupunit ako e.



Huwag madumi ang isip! I mean mapupunit dahil hila nila ako sa magkabilaan. Hmp!

Nagkatinginan sila ni Nate nang mata sa mata, biglang ngumiti si Nate at bumitaw sa'kin. Tumalikod lang siya sa'min habang nakapamulsang naglakad papunta sa counter.

Tumingin ako kay Hades na nakahawak sa kamay ko. Nang mapansin niyang nakahawak pa rin siya sa'kin ay bigla siyang bitaw.


"Kadiri." sabay punas sa kamay niya.

Sinamaan ko siya nang tingin. Ang arte niya, kung umasta akala mo napakalinis.

Saka' siya kaya 'tong humawak sa'kin, sira pala siya e! Ako nga dapat ang mandiri no!


Iniwan ko na lang siya dahil hindi ko matiisan makita ang pagmumukha niya. Feeling ko tuloy para na akong pinaglihi sa sama nang loob kapag malapit siya sa'kin.



***

After nang pagsisilbi ko sa'kanyang kuhaan nang pagkain ay sakto dumating yung isa pang alipores na si Kenneth.

Umakbay siya sa'kin, bakit ba ang hilig niya umakbay? Pilay ba siya o ano?

Inalis ko yon bago ako umupo.

"Alam mo, Kenny, wala ka talagang pinipiling babae? Pati ba naman yang si chipipay didiskartehan mo."


"Don't worry bro, sayong sayo siya. Alam ko namang seloso ka e." biro niya.

Umakto naman yung Aids na nasusuka.

"Ulol, hindi ako bulag, ikaw kahit pulubi papatulan mo."


Ganito ba talaga mag biruan ang mga lalaki?

Atsaka, nandito pa ako oh. Kung makalait 'tong mga 'to akala mo ang gwa-gwapo, si Nate lang naman nagdadala sa grupo nila.




Si Nate ang face of the group, period.




What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Where stories live. Discover now